CHAPTER 6

93 80 14
                                    

Chapter 6

Pangatlong araw na namin na nagpa-practice nasa bahay kami ng kaklase ko na babae si Shiela. Nakaupo kami habang hinihintay ang iba namin na kagrupo lalo na ang ibang lalaki dahil partner kailangan namin sila hintayin. Ballroom dance ang tema kahit nakakailang ay kailangan gawin para makapasa.

Dumating ang iba na kagrupo namin na babae kasama si Sean at Paulo. Hindi naman namin ka grupo si Paulo ah. Sinamahan siguro si Sean. Sumulyap pa si Paulo sa akin bago umupo doon.

"Ano ba yan mag-uumpisa na tayo wala din ibang boys?" reklamo ng leader namin na si Nica.

"Kaya nga gagabihin tayo nito lalo" segunda naman ni Mel.

"Sino ba pa walang partner? Luminga siya at tinignan kami isa-isa. "Si Lina, Helen at si Ellie pala ang wala pa."

"Edi kami muna partner ni Helen" suggest ni Lina.

Napatingin naman sila sa akin. So paano ako? Hindi ako magpapractice.

"Ako na lang muna partner ni Ellie"

Tumayo si Paulo saka naglakad papunta kung nasaan ang leader namin.

"Ayyiiiii!" tukso naman ng leader namin.

"Gusto mo lang talaga no Pau?" dagdag naman ni Helen.

"Nice tol" ani Sean.

Tahimik lang naman ako habang kinikilig at nanunukso ang mga ka grupo ko.

"Oh sige partner muna kayo. Ayos lang diba Ellie?" tanong ni Nica sa akin.

"Oo sige" pag sang ayon ko na lang. Wala naman akong choice saka gusto ko na din matapos 'to at makauwi na.

"Okay! Start na tayo!" pagpalakpak ng leader namin.

Nagtayuan naman ang lahat puwesto na sa kani-kanilang puwesto. Lumapit sa akin si Paulo.

Nagkatinginan lang kami habang nakatayo doon.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Akin na ang kamay mo, tapos ilagay mo yung isang kamay mo sa balikat ko. Wait lang! Pasmado pa kamay ko. Hahaha" tuloy-tuloy niyang sinabi saka pinunasan yung kamay niya, pagkatapos ay inaabot ulit sa akin. Napansin ko parang namumula siya. Kakatuwa!

Hinawakan ko na yung kanyang kamay saka inilagay yung isa sa balikat niya. Matangkad si Paulo sa akin pero ayos lang naman hindi naman alangan ang height namin. Mas kita ang ka-gwapuhan niya sa malapitan.

"Hahawakan ko bewang mo ha Ellie, walang malisya promise!" he said.

Natawa naman ako sa kanyang sinabi.

"Oo na sige na" sinabi ko na lang.

Saka hinawakan niya ang bewang ko. Tapos nagsayaw na kami ng mga unang steps nariirnig kong nagtatawanan yung iba namin na ka grupo dahil nagkakamali sila sa mga steps. Naririnig ko din ang reklamo ng isang kong ka grupo na babae dahil natapakan yung paa niya. Pinagtawanan lang naman sila ng iba.

"Grabe naman Ellie ang puti mo tignan mo parang nakalutang yung kamay mo" pagpuna ni Paulo. Dami niyang sinasabi. Kinakabahan ba siya? Ang sabi nila kinakabahan ang isang lalaki sa harap ng crush niya kapag madaldal na ito.

Napatingin ako doon sa mga kamay namin. Moreno kase siya pero mas gusto ko ang kulay niya. Mas inilapit din niya ang sarili niya sa akin.

"Ang bango mo naman" inilapit pa niya ang kamay ko sa kanyang ilong.

Uminit ang pisngi ko at naiilang na lang sa lapit at sa pinagsasasabi niya.

"Ano bang ginagawa mo?" bahagya akong lumayo sa kanya.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon