Chapter 17
Naiisip kong subukan na inisin 'tong si Nathan. Titingnan ko kung hanggang saan, ang pagiging mabait kuno niya.
Nauuna akong maglakad sa kanya, pero nararamdaman ko naman na kasunod ko siya at malapit lang siya sa akin, kase naman napapatingin ang mga babae sa gawi ko at tumatagos 'yon hanggang sa kanya. Kung nakamamatay lang ang tingin baka wala na siya ngayon, pero syempre hindi naman ako ganoon kasama na tao para hiniling na mamatay ang isang tao, kahit ayaw ko pa sa kanya.
He's good looking alright! Bagay yata lahat sa kanya. He's wearing simple gray shirt, black pants and shoes, pero mas okay si Paulo para sa akin. Gwapo na mabait pa.
Inikot yata namin lahat ng bilihan ng gadgets, pero hindi ako pumasok ni isa man sa mga 'yon. Titingin lang ako sandali sa may labas tapos aalis din. Tinitingnan ko lang siya na parang naiinip sa akin, pero tahimik lang naman siya roon.
Napa buntong hininga na lang ako. Naaawa naman ako sa kanya, yung gusto mong maging masama pero hindi mo kaya. I hate myself for being like this.
Nakarating kami sa isang stall na may magandang brand. Pumasok ako, sinulyapan ko siya nakita kong sumunod siya. Hinintay ko siya na makarating malapit sa akin.
Ngumuso ako. "Ikaw na pumili. Wala akong alam sa ganyan."
Kunot noo niya akong tiningnan saka siya nag-ikot sa loob para tingnan ang mga laptop. Ako naman ang nakasunod sa kanya ngayon. Tinitingnan ko rin ang mga tinitingnan niya.
Nagtagal siya sa isang laptop na maganda na color black. May tiningnan siya sa mga nakasulat doon. Specifications at kung ano-ano pang mga nakasulat. Napatingin ako sa price nun grabe parang nagsisi ako na dito pumasok, ni hindi ko gusto pang tingnan ulit 'yon.
May lumapit sa amin na babaeng staff na naka uniform.
"Sir?" tanong nito.
"Kukunin ko ang unit na 'to", sabi ni Nathan saka iminuwestra ang laptop na tiningnan niya kanina. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang mahal nun hindi ko ang afford ang gano'n kamahal.
"Uh.. Nathan.." pagkalabit ko sa kanya.
"Yes?" he asked.
Bumaling ako sa babae. "Miss, wait lang ha kausapin ko lang muna siya", sinabi ko sa staff saka alanganin na ngumiti sa kanya.
Nakangiti itong tumango sa akin. Hinila ko naman sa braso si Nathan sa isang tabi para kausapin siya. Napatingin naman siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"Is this your thing? Dragging the guy whenever you want?" he asked while frowning at me.
What? Anong sinasabi niya?
Umiling na lang ako walang panahon para sagutin pa siya sa kung anong sinasabi niya.
"Nevermind. What is it?"
Saka ko pa lang naalala ang sasabihin ko ng magtanong siya.
"A-Ano.. pwede ibang laptop na lang? Ang mahal nun masyado.." sabi ko.
Hindi ko naman inalis ang pagkakahawak ko sa kanya normal lang naman sa akin 'to. Wala rin naman akong nararamdaman na kakaiba.
Tinaasan niya ako ng kilay. " Why? Maganda ang specs nun.."
"Pero hindi ko kayang bayaran 'yong gano'n ka mahal", mahina kong sinabi.
"Ako naman ang magbabayad hindi ikaw", sagot naman niya.