CHAPTER 28

45 19 89
                                    


Hi! LadyLava_404


Chapter 28


Nang pumasok ako sa classroom namin ay napapatingin sa akin ang mga kaklase ko habang naguusap-usap. Bakit? Anong meron? May ginawa ba ako sa kanila? Weird!

Hindi ko na lang sila pinansin at naupo na lang ako sa upuan ko.

"Ellie, alam mo na ba yung nangyari sa grupo nila Mara?" tanong ni Gwen sa akin ng makalapit siya. Isa siya sa matatalino sa klase kaya kilala ko siya. Kasama niya yung isa niyang kaibigan na si Rica? Nica? I forgot her name.

"Alin?" nagtatakang tanong ko pabalik. Naging interesado ako bigla, anong nagyari sa kila Mara na hindi ko alam.

"Napa-away sila. Nabugbog daw sila Joe, Niel at yung isang guy, kalat nga yun sa mga gc ng school." yung kaibigan niya ang sumagot.

"What? Kanino naman sila napa-away?" bakit hindi ko alam 'yon.

"Sa grupo nila Steve.. Nadadamay nga ang pangalan mo sa kanila.." ani Gwen. Nagkatinginan kami ng sabihin niya 'yon. Halata ang simpatya sa kanyang mukha.

Napatingin si Gwen sa paligid saka bumulong. "Hindi maganda ang reputasyon ni Steve dito sa school, lalo na sa paglalaro.. Saka sinabihan na kita dati na 'wag kang sasama kila Mara.." aniya. Sinermunan niya pa ako.

"Saka diba? Matagal na naman may alitan sa grupo na 'yon? Bakit naman nila idadamay si Ellie?" nag-iisip na sinabi ng kaibigan niya.

Hindi kaya dahil sa nangyari nung huling lumabas kami? Posibleng 'yon nga, nakahanap si Steve ng paraan para makipag-away kila Mara at ako pa talaga ang ginamit niya. Magaling din ang isang 'yon! Masyadong bitter sa buhay at pati ako dinadamay.

Natahimik ang lahat, nakita kong papasok sila Mara, Beth at yung isang babae. Masama ang pinupukol na tingin sa akin ni Mara at Beth. Hindi ito maganda! Talagang ako ang sinisisi nila?

Bahagyang lumayo sila Gwen at yung kaibigan niya ng makalapit sila Mara sa akin. Pinalibutan nila ako na parang makakawala ako sa kanila.

"Alam mo naman siguro ang nangyari diba?" mataray na sinabi ni Mara.

"Nabugbog lang naman sila Joe at yung boyfriend ni Marri dahil sa ginawa mo! Galit si Steve nung bumalik sya dahil iniwan mo daw siya!" itinulak pa ako ni Beth. Ano naman pakialam ko sa boyfriend ni Marri?

Napairap ako! Nakaupo na nga ako at sila ang nakatayo may pagtulak pa siya. Ayokong makipag-away sa kanila hangga't maaari. Hindi na kami high school para rito. Sumasakit lang ang ulo ko!

"Ginawa ko? Pumayag ako na lumabas tayo pero hindi ako pumayag na iset-up niyo ako kay Steve! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko na hindi ko siya gusto at wala akong panahon sa ganyan!" sagot ko sa kanila. Narinig ko pa ang bulungan ng mga kaklase ko.

Kung kaya kong ipagtanggol ang ibang tao, sarili ko pa kaya. Hindi ko kasalanan ang nangyari sa kanila, gusto lang ng mga ito na may masisi sila.

"Pero sana hinayaan mo na lang siya!" pagpilit pa ni Mara.

Ano? Seryoso ba siya?

"Kialala mo ako Mara. Hindi ako plastic sasabihin ko ang ayaw at gusto ko." napipikon na ako sa walang kwentang usapan na ito.

"Hindi ko maintindihan kung anong nakita sayo ni Steve, bukod sa maganda ka lang at matalino wala na. Ang cold mo pa!" ani Mara.

Nakakahiya naman pala sa kanila. Nakisama ako sa kanila dahil akala ko tunay silang kaibigan tapos ngayon sa akin nila ibabalik ang sisi, naiintindihan ko na ngayon kung bakit ilag sa kanila ang mga kaklase ko.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon