"Eva, sila na bago mong magiging magulang. Huwag kang matakot hija, mababait sila at siguradong maalagaan ka nila."
"K-kayo na po ang bago kong nanay at tatay?"
"Oo, simula ngayon ay Mama at Papa na ang itatawag mo sa amin. Ako nga pala si Sarah at siya naman si Kris."
"Hello po, Mama Sarah at Papa Kris."
Fastforward
"Papa? Ano pong ginagawa niyo rito sa kwarto? Gabi na po ah."
"Eva, anak, di ba mahal mo si Papa?"
"Siyempre naman po Papa!"
"Mahal ka rin ni Papa. Kaya may ituturo ako sa'yo na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan."
"P-Papa?! Sandali po! Itigil niyo po 'yan! Mama!"
"Huwag kang maingay! Itahimik mo 'yang bunganga mo kung ayaw mong masaktan!"
"Kris?! Anong ibig sabihin nito?!"
"Sarah! A-ano, w-wala! Pinapatulog ko lang si Eva. Hindi kasi siya makatulog eh."
"Eva? Anong nangyayari?"
"A-ayaw ko na po dito. Ibalik niyo na po ako sa ampunan."
"Ano? Bakit, anak? Kris?! Anong ginawa mo?!"
"Wala akong ginagawa sa kaniya!"
"Ibalik niyo na po ako sa ampunan."
"And now, our academic year 1994-1995 Summa Cum Laude, Ms. Eva Vergara." Masibagong palakpakan ang natanggap ni Eva ng umakyat siya sa stage. Lahat nakangiti at masayang masaya para sa kaniya.
Nagbunga na ang lahat ng kaniyang mga paghihirap. Unti-unti na niyang maaabot ang mga pangarap niya.
"My heart is overflowing with so much happiness right now. Ang gusto ko lang naman makapagtapos. Ang magkaroon ng pagkakataong makapasok sa isang maayos na kompanya. Magkaroon ng magandang trabaho. Para kapag nagkapamilya ako, maibigay ko sa mga magiging anak ko ang buhay na hindi ko naranasan. Most of you didn't know but i'm an adopted child. Lumaki ako sa ampunan at ni minsan hindi ko nakilala ang tunay kong mga magulang. Hindi na ako umaasang mararanasan kong magkaroon ng pamilyang matatawag pero nagulat nalang ako isang araw may mag-aampon na sa akin. Ang akala ko noon magiging okay na ang lahat. Pero pinagtangkaan akong halayin ng foster father ko. My foster mother came into my rescue. Ang tanging hiniling ko lang noon ibalik nalang niya ko sa ampunan. Pero hindi siya pumayag. Ipinakulong niya ang kaniyang asawa. Pinag-aral niya ako. Itinaguyod niya ako kahit siya lang mag-isa. Mama, nakapagtapos na po ako ng pag-aaral. Mama, maraming salamat po sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Kung hindi po dahil sa'yo hindi po gaganda ang buhay ko. Hindi ako magkakaroon ng pagkakataong mabago ang takbo ng buhay ko. Utang ko po sa'yo ang lahat ng ito. Pangako po Mama, hinding hindi ko po sasayangin ang pagkakataong ibinigay mo para sa akin. Para po sa'yo ang parangal na ito."
Sinundan ng isa pang malakas na palakpakan ang talumpati ni Eva. Hindi nasayang ang lahat ng pagod, hirap at pagsasakripisyo niya. Ang bawat gabing tinitiis niya ang antok para matapos ang lahat ng takdang aralin ng maaga upang mapag-aralan niya pang maigi ang mga aralin niya. Ang pagtanggap ng mga labada sa boarding house na tinutuluyan niya upang makatulong sa mga panggastos niya araw araw. Ang pagtitiis na hindi kumain ng masarap o bumili ng mga gamit na nagugustuhan niya para lang mapagkasya niya ang perang iniwan sa kaniya ng yumaong ina-inahan.
Hindi narasan ni Eva ang tipikal na buhay ng isang teenager. Forth year highschool siya ng mamatay ang babaeng umampon sa kaniya dahil sa breast cancer. Dahil sa laki ng nagastos sa pagpapagamot nito ay halos wala itong naiwang pera para kay Eva. Ang tanging naiwan nito ay ang kaniyang bahay na iniutos niyang maibenta upang may magamit si Eva sa pag-aaral niya sa kolehiyo.
Ngayon na nakapagtapos na siya ng kaniyang pag-aaral ay magsisimula ng magbago ang kaniyang buhay. Nagbitaw ng pangako si Eva sa kaniyang sarili. Magsusumikap siyang makapagtrabaho sa isang magandang kompanya. Iaangat niya ang estado ng kaniyang buhay. At magkakaroon siya ng sariling pamilya. Pamilyang sisiguraduhin niyang mananatiling buo at masaya.
Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi niya hahayaang danasin ng kaniyang magiging anak ang buhay na dinanas niya. Hindi niya ito hahayaang maghirap o lumaki ng walang magulang. Ibibigay niya ng buong buo ang kaniyang buhay at pagmamahal sa kaniyang bubuuing pamilya.
Ang kaniyang pangarap ay isang pangarap na tinataglay ng marahil ay bawat babae saan mang sulok ng mundo. Ang lumakad sa altar ng nakatrahe de boda at maikasal sa lalaking kaniyang minamahal. Magkaroon ng sariling mga anak na kaniyang pag-aalalayan ng buong pagmamahal. Tumanda ng masaya kasama ang lalaking pinangakuang mamahalin sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan.
Simple kung tutuusin ang kaniyang pangarap. Pero gaano ba ito kadaling abutin?
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...