Chapter 8

328 6 0
                                    

Kinabukasan maagang umalis si Jack dahil sa grand derbi na gaganapin sa isang malayong probinsya. Niyaya siya ng mga kumpare niya na sumama. Laking pasasalamat ni Eva dahil mapapahinga ang kaniyang katawan sa panghahalay at pananakit ng asawa.

"Mama, kailan mo po ba hihiwalayan si Papa?"

'Yan ang paulit ulit na tanong ni Francheska sa ina sa loob ng ilang taon. Kahit bata pang maituturing si Francheska nauunawaan na niyang mali ang ginagawa ng kaniyang ama sa kaniyang ina.

"Malapit na anak. Malapit na malapit na. Konting tiis nalang."

Kasalukuyang kausap ni Eva ang anak sa telepono dahil hindi niya ito pinauwi kahit wala ang asawa. Mas gusto na niyang kasama nito ang kaniyang lola kung saan alam niyang safe ang bata.

"Naaawa na kasi ako sa'yo Mama. Ayaw kong nakikitang sinasaktan ka ni Papa. Nagagalit ako sa kan—

"Ano na namang kalokohan ang itinuturo mo sa apo ko?"

Nagulat si Eva ng ang kaniyang biyenan na ang kausap niya. Narinig siguro nito ang mga sinasabi ng bata.

"Hindi ko ho tinuturuan ng kalokohan ang anak ko."

"Anong hindi? Ano 'yong mga sinusumbong ng apo sa akin?"

"Nakikita ng apo niyo kung ano ang ginagawa sa akin ng ama niya. Kaya huwag na ho kayong magtakha."

"Kasinungalingan 'yan. May ginagawa kang kalokohan kaya ka nasasaktan ng anak ko. Baka naman kasi pabaya kang asawa at hindi mo nagagampanan ang obligasyon mo sa kaniya bilang asawa."

"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa inyo. Sige na ho. Kinamusta ko lang naman ang anak ko."

"Kita mo na 'yang kabastuhan—toot.. toot..

Minabuti niyang ibaba nalang ang tawag dahil alam naman niyang walang kapupuntahan ang pag-uusap nila ng kaniyang biyenan. Simula palang hindi siya gusto nito para kay Jack. Kahit ilang beses na siyang nagsumbong dito ay hindi naman siya pinaniwalaan kahit minsan.

Inubos nalang ni Eva ang kaniyang oras sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Masaya na siyang wala si Jack kahit isang araw lang. Dahil kahit isang araw lang malaya siya.

"Hello? Marcos? Napatawag ka?"

Hindi akalain ni Eva na tototohanin ni Marcos ang pangako nitong tatawag sa kaniya.

"Nandiyan ba si Jack?"

"Wala si Jack. Isinama siya ng mga kumpare niya. May pupuntahan silang grand derbi. Baka mamayang gabi pa o bukas pa ng umaga makauwi 'yon.

"Mabuti. Buksan mo ang pinto nandito ako sa labas."

Nagmamadaling tumungo si Eva sa pinto at totoo ngang naroon si Marcos. May kasama pa itong tatlong nakaunipormeng lalaki. Valiente Security.

"Tara, pasok kayo. Siguraduhin niyong malalagyan ng hidden camera lahat ng sulok ng bahay na ito. Kailangan ng sapat na ebidensya."

Dere-deretso si Marcos kasama ang tatlong lalaki papasok sa loob ng bahay. Hindi nag-aksaya ng oras ang ito at nagsimula na agad sa pagtatrabaho.

"Hindi ko alam kung magandang idea 'tong naisip mo Marcos."

"Don't worry Ma'am. Sisiguraduhin mo naming hindi makikita ng asawa mo ang mga ilalagay naming hidden cameras."

Hinayaan ni Eva na magawa ng mga ito ang pakay nila. Kahit ang lakas nv kabog ng kaniyang dibdib ay pilit niya itong binabalewala. Kung ito nalang ang paraan para makalaya siya sa asawa pumapayag na siya.

Isang oras din ang inabot bago natapos ang pagkakabit ng hidden cameras sa buong bahay ni Eva. Namangha siya dahil ng libutin niya ang bahay ay hindi niya talaga nakita kung saan nila inalagay ang mga cameras.

"Maliliit ang mga cameras na inilagay namin kaya madali lang itago. Sir Marcos, sa cellphone niyo po nakakonekta ang mga hidden cameras. Bahala na po kayo."

"Sige, maraming salamat."

"Marcos maraming salamat ha?"

"Wala pa akong naitutulong Eva. Paano? Aalis na rin ako. Mag-iingat ka dito. Kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang tumawag."

"Oo, maraming salamat. Mag-iingat ka rin."

Kahit na naiilang si Eva dahil sa kaalamang makikita ni Marcos ang bawat mangyayari sa loob ng kanilang bahay simula ngayon ay pinilit na lamang niyang isipin ang magandang maaaring maidulot nito.

Marcos didn't explain anything to her. But it seems like she trust the man more than she trust herself. Pakiramdam niya gagawin ni Marcos ang lahat mailigtas lamang siya sa kaniyang asawa. Besides, ginagawa ito ni Marcos thinking that this would make up with what happened to his sister.

Madaling araw ng dumating si Jack. Nasa kasarapan na ng tulog si Eva ng mga panahon na 'yon. Pero naramdaman niya ang paglapit ni Jack sa kama. Eva started to develop what she think is some kind of extreme paranoia. Kahit na anong pagod o lalim ng tulog niya nararamdaman niya kapag nasa malapit lang si Jack. Dulot na rin siguro ito ng matinding takot na nararamdaman niya para sa asawa.

"Bumangon ka diyan."

Lasing na naman ito. Inihanda na niya ang sarili sa maaaring mangyari. Dalawa lang naman ang maaari niyang asahan. Magahasa o masaktan habang ginagahasa. May mga oras na nakukuntento si Jack sa pambababoy sa katawan niya. Kung ano-anong malalaswang bagay ang ipapagawa nito sa kaniya. Pero minsan ipinagpapasalamat na rin niya kapag 'yon lang ang nararanasan niya. Dahil may mga pagkakataon din na hindi nakukunteto si Jack ng hindi siya nasasaktan.

Walang kibo si Eva ng bumangon siya mula sa kaniyang pagkakahiga. Hindi lang basta lasing ang kaniyang asawa. Ni hindi na ito makatayo ng maayos. Sobrang gulo ng buhok at gusot na gusot ang daming pang-itaas.

"Lasing na lasing ka na Jack. Maglinis ka ng katawan para makapagpahinga ka na."

"Bakit?! Nandidiri ka sa itsura ko? Ha?!"

Tila nawala ang lasing si Jack dahil sa narinig niya. Nilapitan niya si Eva at sunod-sunod na sampal ang pinakawalan niya.

"Ah! Jack! Sandali lang! Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin eh. Tama na!"

"Nandidiri ka sa itsura ko?! Ang kapal ng mukha mo! Luhod!"

Hinablot ni Jack ang buhok ni Eva at saka siya pwersahang pinaluhod. He's now towering her wife like a master to hi slave. Eva's cheeks got a small cut from the slaps she received. Her vision is starting to blur because of the pain.

"Wala akong masamang ibig sabihin Jack. Huwag mo naman akong saktan."

"Gagawin ko sa'yo kung anong gusto kong gawin. Wala kang karapatang tumanggi!"

Jack lowered down his pants and started doing things to Eva that no sane man would do his beloved wife. She's trying to fight back but her efforts useless. Bukod sa hindi pa gaanong nakakarecover and katawan ni Eva sa mga pananakit na inabot niya asawa ay sadyang mas malakas talaga ito sa kaniya. Evan thought of something.

"Hayop ka! Argh! Bakit mo kinagat?! Argh!"

Kandapilipit si Jack sa dahil sa nararamdamang sakit. When he somehow recovered, he looked at Eva with so much anger. Bigla tuloy nakaramdam ng mas matinding takot si Eva para sa sarili niya. Sunod-sunod siyang napalunok. Habang naglalakad si Jack palapit sa kaniya ay siya namang pag-atras niya. Hanggang sa bumangga na ang likuran niya sa bedside drawer. Nang sunggaban siya ni Jack ay hindi na siya nagdalawang isip na hampasin ito ng vase na nakapa niya sa kaniyang likuran.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now