Eva ran away from Jack as fast as she could but as soon as she reached for the front door a pair of strong and sadistic hands grabbed her. Tumama ang ulo ni Eva sa kanto ng drawer malapit sa pintuan. She almost lost consciousness as blood trickles down her face.
"Walang hiya ka! Anong akala mo? Matatakasan mo ko ha?! Punyeta kang babae ka!"
Jack grabbed Eva's face and threw her on the other side of the living room. Eva hit the tall vase hard breaking it into pieces. The impact knocking the air out of Eva's lungs.
"Natututo ka ng lumaban. Gusto mong maglaro ha. Pagbibigyan kita!"
Jack unbuckled his belt and lifted his hands. Sunod-sunod na hagupit ng sinturon ang inabot ni Eva. Walang humpay na hataw ang ginawa ni Jack. Ang sigaw ni Eva ay umalingawngaw sa katahimikan ng gabi.
Habang hinihiling ni Eva na sana ay bigla nalang siyang bawian ng buhay para matapos na ang lahat ng kaniyang paghihirap, may isang tao na namang ginagawa ang lahat para matulungan siya.
"Sir! Sir! My friend needs your help. Please, look at this!"
Nagmadaling tumungo si Marcos sa pinakamalapit na police station para humingi ng tulong. Nagkunyari siyang makikipag-inuman kay Jack pagdating nito kaya nagsabi ito sa kaniya ng pauwi na sila. Mula ng matanggap niya ang text ni Jack na malapit na siyang umuwi nagtungo na agad sa isang restaurant malapit sa tinitirhan nila.
"Mga buddy! Kailangan ng responde! Bilisan niyo! Baka mapatay na 'yong babae ng asawa niya!"
Agad na kumilos ang mga pulis ng mapanood nila ang live video feed na nagmumula sa mga hidden cameras na pinainstall niya sa bahay nila Eva. Hinang-hina na ito at duguan. Hindi niya lubos maisip kaya ni Jack ang manakit ng babae ng ganito katindi. Halos hindi na niya kilala ang kababata.
Pagdating nila sa bahay nila Eva hindi na nag-aksaya ng oras ang mga pulis. Agad nilang sinipa ang pinto upang pwersahang binuksan ito.
"Police! Jack Dizon, you are under arrest! You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you."
Jack was on shock when he saw five policemen barge in to their home. Eva's lying on the floor. Bloodied and bruised. Almost lifeless. Ni hindi na nito maidilat ang mga mata. The only indication she's still awake are her cries of joy for being rescued.
Paglabas ng mga pulis kasama ang nakaposas at tulalang si Jack halos lahat ng mga kapitbahay nila nasa labas na. Audble words such as "Diyos ko! Salamat naman!" can be heard among the people. Pero mayroon din namang maririnig na mga "Naku, tingnan nalang kung hindi pa magtanda si Eva. Kapag bumalik pa siya sa lalaking 'yan ewan ko nalang".
An ambulance is already waiting for outside. Nang makita ng mga emergency personnel si Marcos na buhat buhat si Eva agad silang tumakbo palapit sa mga ito dala ang stretcher. Halos hindi na nakilala si Eva dahil sa tindi ng mga tinamo nitong pasa at sugat sa mukha.
"Sir, Police Officer Robert Deniro. Kailangan ko pong kunin ang cellphone ninyo pansamantala. We have to bag this as evidence and have it documented. Makukuha po ninyo ulit itong cellphone niyo kapag nakuha na namin ang lahat ng ebidensiyang kailangan namin."
Pagkatapos ibigay ni Marcos ang cellphone niya ay agad na siyang sumakay sa ambulansya. He was holding Eva's hand the whole time until they got into the hospital.
"Fight Eva. Just fight through this and you're free. Everything will be okay aftef this."
'Yan ang mga huling salitang bitiwan niya sa halos wala ng malay na si Eva bago ito ipinasok sa emergency room. Ibinilin niya sa nurse nasa information desk si Eva saka siya nagpunta sa police station kung saan dinala si Jack.
"Ma, tulungan mo ko! Ayaw kong makulong!"
"Hindi ka makukulong! Tinatawagan ko na ang abogado natin. Gagawin namin ang lahat para makalaya ka, anak.
"Hija, Francheska ang pangalan mo di ba?"
"Opo, Francsheska Dizon po."
"Ako si Police Officer Bethany Sanchez. Nakikita mo ba itong hawak ko?"
"Opo, camera po. Kinukuhanan niyo po ako ng video."
"Tama, hija. Kinukuhanan ko ng video itong pag-uusap natin para na rin sa proteksyon mo. Sigurado ka bang gusto mong magkwento sa kung ano ang totoong ginagawa ng Papa mo sa Mama mo?"
"Opo. Kaya po ang lola ko ang kasama ko eh kasi po tinakot po ni Papa si Mama na kung hindi daw po siya papayag sa mga gusto ni Papa sa akin niya daw po gagawin ang mga ginagawa niya sa Mama ko. Ready po ako magkwento kahit sa harap po ng kahit sino."
Marcos smiled. Francheska is a very smart and brave kid. At mahal na mahal niya ang Mama niya. Inabutan ni Marcos si Jack na parang batang umiiyak at humihingi ng saklolo sa Mama niya. Napailing si Marcos.
"Hindi ka na makakalabas pa Jack. I've talked to the police and gave my testimony already. At kung hindi niyo napapansin, wala dito si Francheska. Kausap na siya ng mga pulis. Siya ang nagkusang lumapit sa mga ito."
Natigilan ang mag-ina sa pag-uusap nila ng mapansin nilang wala na nga si Francheska sa tabi nila.
"Hayop ka Marcos! Hudas ka!"
Galit na galit na sinugod ni Jack si Marcos kahit pa nakaposas ito. Agad naman siyang inawat ng mga pulis na nagbabantay sa kaniya.
"Sorry pare, pero hindi na tama ang ginagawa mo sa asawa mo. Pinakasalan mo siya, you promised to take care of her. Pero anong ginagawa mo?"
"Pakialamero ka!"
Sasampalin dapat si Marcos ng nanay ni Jack pero mabilis niyang nahawakan ang kamay nito at saka niya padabog na binitawan.
"No wonder why Jack became the man he is right now. Wala kasi kayong kwentang ina."
He left the two speechless and went back to Francheska. Tapos na itong interview-hin ng policewoman na nakaassign sa Women's and Children's Desk. Nagpatawag na rin sila ng Social Welfare personnel para i-assess ang bata at para mahingian na ito ng official na salaysay.
"Kung hindi lang ako matatanggal sa pagkapulis ako na bibira sa lalaking 'yan. Dapat sa mga ganiyang lalaki binabalatan ng buhay."
Majority of the police that are present at the police station are giving Jack the death glare. Kulang nalang tuloy ay magtago na si Jack sa pundito ng suot na pants ng Mama niya.
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...