Chapter 29

146 4 0
                                    

Eva's Pov

Pagkatapos kong makausap si Jack parang gumaan ang pakiramdam. It's as if someone finally lifted a huge rock that's been on my chest. Sa tingin ko makakaya ko ng bumangon muli. Magagawa ko ng mabuhay muli. Gagawin ko 'to para sa anak ko. Alam kong ito ang gugustuhin nyang gawin ko.

"Ma'am Eva? Ma'am! Welcome back po! Kamusta na po kayo?" Bati sa akin ng mga crews ng pinakaunang branch ng resto na naipatayo ko.

"I'm recovering, Hanna. Thank you. Si Ma'am Diane mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa opisina po Ma'am." Nakangiting tugon nya.

Dumiretso na ako sa opisina at nginitian nalang ang bawat empleyadong madadaanan ko. Mahal ko ang lahat ng empleyado at masaya akong malaman na wala pa ring napapalitan o umaalis sa kahit sino sa kanila.

"Pasok.." I heard Diane said pagkatapos kong kumatok.

"Hey bestfriend!" Masayang bati ko sa kanya. Masyado syang naging abala sa negosyo naming dalawa kaya bihira na lang syang makadalaw sa bahay. Mabuti nalang at hindi ako iniwan ni Norman.

"Eva? Oh my god! Anong ginagawa mo dito?! Iniwan ka ba ni Norman?!" Taranta syang lumapit sa akin.

"Easy, Diane! I'm fine." Natatawa kong itinaas ang kamay ko na dalang cake na alam kong paborito nya.

"Sigurado ka ba? Baka binibigla mo ang sarili mo?" Her face is full of concerned.

"Kahapon pa ako okay. Hindi lang kita tinawagan kasi i know that you will stop whatever you're doing para puntahan ako. Masyado ka ng maraming sinakripisyo para sa akin. Don't worry bestfriend, i'm fine now." I assured her.

"Tell me everything." Marahan nya kong hinila paupo sa sofa malapit sa office table.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. From Norman's confession about hiring private investigator to uncover what really happened the night that my daughter and his niece died hanggang sa pakikipag-usap ko kay Jack. Hindi na ako umiiyak. Hindi na rin mabigat sa loob na mapag-usapan ang pagkamatay ng anak ko.

"Oh my god! Sarah did all these just to get back at you dahil hindi sya minahal ni Marcos?!" Hindi makapaniwalang turan ni Diane.

"Norman's private investigator's learned that Sarah has been suffering for a mental disorder called schizophrenia and bipolar disorder since she was twelve. Always having episodes out of nowhere. Countless times she tried to hurt herself of others. She was sent by her family to live abroad and to seek for the best pyschiatric help. They said she got better until she met Marcos. He never learned to love her and because of that she got worst." Mabahang paliwanag ko.

"What about Jack? Bakit nya naisipang sumuko after killing that worthless bitch?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Diane! Language please! Respeto naman, patay na 'yong tao." Sita ko sa kanya.

"Sorry, bestfriend." Napayuko naman sya. I smiled. Mahal kasi talaga ako nitong kaibigan ko.

"Nagsisisi na sya. Our daughter's death became his wake up call. Halos dalawang buwan ng patay si Francheska ng malaman nya. He blamed himself so he killed her. Sumuko sya sa mga pulis bilang pagbabayad sa mga kasalanang nagawa nya sa aming mag-ina and for working with Sarah." Dagdag ko.

"Hayyy.. Then i guess you're really okay now?" Tanong nya.

"Yes. It still hurts Diane. I don't think it will ever stop hurting. She's my only daughter. But i also know that my daughter don't want me to live like this. I know that she's up there, looking down at me. Lonely because i am miserable. So i have to keep fighting." Buo ang loob na pahayag ko.

"I'm so happy for you Eva." Niyakap nya ko ng bigla nalang syang maiyak.

"Oh? What's wrong?" Gulat na tanong ko.

"Nothing. I'm just happy for you."

I'm happy for myself too, bestfriend. I will live my life the way my daughter would want to. I will do right by her.

-----

Dahil matagal akong MIA, napakarami naming kinailangang pag-usapan ni Diane tungkol sa negosyo. Bumilib ako ng husto ng sa kakayahan ng kaibigan ko. Kahit mag-isa nyang pinatakbo ang negosyo namin ng ilang buwan nagawa pa nyang mag-expand. Mayroon na ngayong seventeen branches ang restaurant na ipinatayo ko noong nagsasama pa kami ni Jack.

"Bestfriend, ilang araw ka ng nagpapakasubsob sa trabaho. Magpahinga ka naman." Dinig kong puna sa akin ni Diane.

"Bestfriend, masyado na kitang pinahirapan these past months. Sa pag-aalaga sa akin, pag-aalaga pamilya mo at dito sa negosyo. Ngayong okay na ko, kailangan ko ng tumulong dito sa negosyo." Nakangiting tugon ko.

"But it's already past business hours. Halika na. Bukas mo na ulit ituloy 'yan." Angal pa rin nya. Napabuntong hininga ako.

"Fine. Let's go." Pairap pero nakangiti kong iniligpit ang mga dokumentong tinatrabaho ko.

Paglabas namin sa restaurant may nakita kaming mga batang palaboy na nangangalkal ng basura. Sa tantya ko parang wala pang labing limang taon ang pinakamatanda sa kanila. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

"Mga bata! Tara dito!" Tawag ko sa kanila.

"Bakit po?" Halos sabay-sabay silang lumapit sa amin.

"Gutom na gutom na kayo ano? May mga pagkain kami sa loob. Gusto nyo bang pumasok?" Nakangiti kong tanong sa kanila.

"Opo!" Magkakasabay nilang tugon.

"Tara!"

Habang kumakain ang mga bata ay may ideyang pumasok sa isip ko.

"Diane, gusto kong makatulong sa mas marami pang mga batang palaboy." Halatang naagaw ko ang atensyon ni Diane. Kanina pa sya tahimik at nakangiti habang pinagmamasdan ako at ang mga bata.

"Paano mo naman gagawin 'yon?" Tanong nya sa'kin.

"Gusto kong lahat ng branch na meron tayo maglalaan ng pagkain para sa batang palaboy na pakalat-kalat sa paligid. O kahit na sino pang nangangailangan ng pagkain at walang kakayahang magbayad." This is how i will honor the memory of my daughter.

"I like that. Sige, sisiguraduhin kong bawat branch ipapatupad ang kagustuhan mo. Naisip ko rin na sa lahat ng magagandang nangyayari sa negosyong sinimulan mo dapat lang na magbigay din tayo pabalik. Kahit sa maliit na paraan lang." Pagsang-ayon nya.

"Tama ka dyan bestfriend. Biruan mo, we started with just one branch and now we already have seventeen. Sa kabila ng lahat ng hirap at sakit marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat." I stated.

"Masaya ako para sa'yo bestfriend. Okay ka na nga ngayon. Makakapagsimula ka na ulit." Kinuha nya ang kamay ko at marahang pinisil.

"Maraming salamat ha? Sa lahat ng tulong mo. For staying with me on my worst days and for being the greatest friend anyone could ever ask for."

Napakaswerto ko at nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya ni Diane. Hindi ko alam kung magagawa ko bang lagpasan ang lahat ng mga napagdaanan ko kung hindi dahil sa kanya.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now