Eva's Pov
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!!!" Minabuti kong matulog kaninang alas dos ng hapon dahil pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako. Napakabigat na ng tyan ko dahil kabuwanan ko na. At ngayon nga bigla nalang akong nagising dahil sa matinding pananakit ng tyan at balakang ko.
"Eva?! Bakit ka sumisigaw?!" Tarantang pumasok si Norman sa loob ng kwarto.
"M-manganganak na ko!" Nanlaki bigla ang mga mata nya.
"Ha?! T-teka! Sandali lang! Ah... A-asan na ba 'yong mga gamit na dadalhin natin?! Ayon! Ay! Hindi! Ito! Ay hindi rin!" Kung hindi lang talaga sobrang sakit ng tyan ko baka natawa na ko sa itsura ni Norman.
"Norman!" Tawag ko sa kanya.
"Yes, my love?!" Pfft! Para syang tanga na bigla nalang tumayo ng tuwid nung tinawag ko sya.
"Pull it together! Ayon 'yong bag ko!" Kunyari ay galit na turan ko.
"Ah! Ayon! Tara na." Inalalayan nya kong maglakad hanggang sa makarating kami ng sasakyan.
Ipinikit ko ang mga mata ko ng makasakay kami sa kotse. Nakakaramdam ako ng takot dahil hindi ko naranasan ang ganito noong unang beses akong manganak. Oo nakaramdam ako ng sakit pero kagaya ng nararamdaman ko ngayon.
"Eva, saglit nalang ha? Konting tiis nalang makakarating na tayo sa hospital." Hinawakan ni Norman ang kamay ko. Tumango nalang ako dahil hindi ko na halos magawang magsalita dahil sa sobrang sakit.
"Diane? Oo si Norman 'to. Manganganak na si Eva. Yeah, she's fine. Malapit na kami sa hospital. Sige, magkita nalang tayo dun." Narinig kausap ni Norman ang best friend kong si Diane.
Maya't maya kong nararamdamang hinahawakan ni Norman ang kamay ko o kaya ay hahawakan nya ang pisngi ko. Nanatili lang akong tahimik buong byahe kahit gusto ko ng umiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ayaw kong nerbyosin si Norman baka mapaano pa kami sa byahe.
"We're here, my love. Konting tiis nalang." Tumango ako at dumilat ng mga mata.
Inalalayan ako ni Norman na makalabas ng sasakyan at hanggang makapasok sa loob ng hospital. Sinalubong kami ng mga nurses at pinaupo ako sa wheelchair.
"Maghintay nalang po muna kayo dito, sir. Kami na pong bahala kay mrs." Pinigilan si Norman ng isang nurse ng sinubukan nyang sumunod nung ipasok ako sa isang silid.
"Okay. Uhm, take care of them. Please." I heard him say.
The doctor checked if i'm ready to deliver the baby. Kinuhanan din ako ng vital signs ng mga nurses. May mga sinasabi silang hindi ko maintindihan. Mga medical terminologies na wala akong kahit katiting na idea kung ano ang ibig sabihin.
"Mrs. kailangan ka po naming i-c section. Masyadong malaki ang bata at hindi kakayanin ng katawan mo ang normal delivery." Sinabi sa akin ng doktor.
"Gawin nyo po kung ano ang nararapat." Sagot ko sa kanya.
Ipinaliwanag sa akin ng doktor na kakailanganin nila akong patulugin bago ako ipasok sa operating room. Bigla akong nakaramdam ng kaba pero tumango pa rin ako biglang senyales na naiintindihan ko ang lahat ng ipinaliwanag nya. Nang sasaksakan ako ng anesthesia unti-unti akong nakaramdam ng matinding antok.
"Mama! Bilisan mo! Ang bagal-bagal mo naman eh!"
Kilala ko ang boses na 'yon! "Francheska?! Francheska, nasaan ka?"
"Nandito ako Mama!"
Inilibot ko ang paningin ko. Paraiso. 'Yan agad ang pumasok sa isip ko dahil sa taglay na ganda ng lugar. Everything is so beautiful. Lahat matitingkad ang kulay. Even the sky.
"Mama!"
"Francheska!" Bigla ko nalang syang niyakap dahil sa sobrang saya.
I could stay here forever. Dito, sa napakagandang lugar na ito kasama ang anak ko. We could be happy here, together.
"Mama, you're not here to stay. I'm just here to wake you up. Hindi mo pa oras. Kailangan ka pa ng kapatid ko. Kailangan ka pa ni Tito Norman." Nagtakha ako sa sinabi nya.
"Ano bang sinasabi mo anak? Ayaw mo ba akong makasama?" Nalungkot ako sa sinabi nya.
"Mama, kailangan mo ng bumalik. They still need you. Gumising ka na Mama. Gumising ka na!"
"Gumising ka na Mama!"
"Gumising ka na!"
"She's waking up! Call Dr. Rodriguez!" Para akong mabibingi sa ingay ng mga tao sa paligid. Ano bang meron?
"Eva? Oh my god! Love, are you okay? Can you hear me?" Boses ni Norman 'yon ah.
"Excuse me, i have to check the patient." May narinig akong isa pang boses.
Narealize ko lang na nakapikit pa pala ako ng idilat ng doktor ang isang mata ko para tapatan ng pen light. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. I felt dizzy at first pero ilang segundo lang bumalik na rin ang focus ng mga mata ko.
"Norman..." I called my husband.
"Love, how are you feeling?" Norman asked as he approached me.
"She's going to be fine. I'll leave you guys now." Tumango kami pareho ng magpaalam ang doktor.
"Eva, kamusta na ang pakiramdam mo?" That's Diane na mukhang sobrang nag-aalala.
"I'm okay now." Medyo nanghihina pa ako kaya hindi na muna akong masyadong nagsalita.
"Tinakot mo kami. Huwag mo ng uulitin 'yon. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko kanina habang nag-aagaw ka." Kitang-kita ko pa rin ang takot sa mukha ng asawa ko.
"What? Nag-agaw buhay ako?" Naalala ko ang naging napanginip ko.
"Oo Eva. Natakot talaga kami. Habang inilalabas ng mga doktor ang bata mula sa tyan mo bigla nalang bumagsak ang bp at heartbeat mo." Natahimik ako.
So hindi pala ko nanaginip. Habang nag-aagaw buhay ang katawan ko my mind went somewhere else. At si Francheska ang nagligtas sa buhay ko. Maraming salamat anak.
"Hey.. Bakit ka umiiyak?" Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.
"W-wala. Masaya lang ako. Ang baby natin? Nasaan na sya? Kamusta na sya?" Naalala kong itanong.
"He's fine, love. Thank you so much for giving me another precious gift." Hinalikan ni Norman ang kamay kong kanina nya pa hawak-hawak.
"Gusto mo ba syang makita? Ang sabi ng doktor pwde na raw syang dalhin dito." Tumango ako. Gusto kong makita ang anak ko.
"Sige, sandali lang. I'll get him for you." Nakangiting lumabas si Diane para kunin ang anak namin.
"Are you okay? Is there something you want to tell me?" Norman asked as if nababasa nya ang isip ko.
"Wala naman. I just think Francheska loves her brother so much." I smiled.
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
Algemene fictieAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...