Chapter 28

148 3 0
                                    

Jack's Pov

Sa pagbabalik ko sa loob kulungan inaasahan ko ng hindi na ako makakalabas pa. Ito nga siguro ang nararapat sa akin. Isa akong halimaw na walang karapatan makabalik sa lipunan. Mas makakabuti para sa nakakarami na manatili ako dito sa loob. Mayroong mali sa akin. Lalo na sa takbo ng pag-iisip ko.

Dahil sa maling iyon napahamak pati ang anak ko. Kung naging mabuting asawa lang sana ako. Kung naging mabuting ama lang sana ako. Baka hanggang ngayon masayang pamilya pa rin kami. Baka hanggang ngayon buhay pa ang anak ko.

"Francheska... Kung nasaan ka man ngayon, humihingi ako ng tawad. Napakalaki ng naging pagkukulang ko sa'yo anak. Hindi ko naibigay sa'yo ang pag-aalaga at pagmamahal ng isang ama. Napakarami mo pa sanang pwdeng maranasan. Mga pangarap na pwde mong maabot. Pero dahil sa kasamaan ko maagaw ng diyos. Habang buhay kong pagsisisihan ang nagawa kong kasalanan sa iyo. Sa inyong dalawa ng Mama. Patawarin mo ko anak. Araw-araw kong pagbabayaran dito sa kulungan ang lahat ng mga naging kasalanan ko sa inyo. Hiling ko lang ay sana, kung nasaan ka man ngayon, masaya ka na sana. Hindi ka na sana nakakaramdam ng lungkot o paghihirap. Mahal kita anak. Mahal na mahal na kita. Kahit na hindi ko iyon naparamdam sa iyo."

------

Norman's Pov

For months i devoted myself on making Eva is well taken cared of. Lalo na ng mas lumago pa ang negosyo nilang magkaibigan. Sa sobrang busy ni Diane halos hindi na sya nakakabisita kay Eva kaya ako ang nagkukusang samahan sya. Noong una ayaw ni Diane dahil makakasama raw ito para kay Eva. Pero pumayag na rin sya kalaunan. Ito nalang naiisip kong paraan para makabawi kay Eva kahit papaano.

"Eva, halika na sa loob. Oras na ng pagkain mo." Lumingon lang sya sa'kin mula sa pagkakaupo nya sa garden saka tumayo at nauna ng naglakad.

Ganito ang eksena namin araw-araw. Hindi na sya nagwawala kapag nakikita ako. Pero hindi nya rin ako kinakausap. Sabagay wala naman talaga syang kinakausap na kahit sino.

"May ibabalita ako sa'yo. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pa sa'yo ito pero para sa akin may karapatan kang malaman." Panimula ko habang ipinaghahanda sya ng pagkain. Napako naman ang tingin nya sa akin. Parang hinihintay nya kung ano man ang sasabihin ko.

"Nakakulong na ulit si Jack." Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha nya.

"Mula nung nalaman ko ang tungkol sa kanya at balitang nakataas sya mula sa bilangguan, nagbayad ako ng mga tao para ipahanap sya. Kamakailan lang ibinalita nila sa akin na kusa daw sumuko si Jack sa mga pulis isang buwan na ang nakakalipas." She maintained her eyes focused on me. Hindi sya nagsasalita. Basta nakatingin lang sya sa akin.

"Ayon sa mga nalaman nila, si Sarah ang tumulong kay Jack para makatakas." Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkuyom ng mga kamao nya.

"Nakausap din nila ang isa sa mga pulis na nagbalik kay Jack sa kulungan. Ang sabi sa kanila ng pulis, umamin pa si Jack sa isa pang krimen na ginawa nya. Pinatay nya si Sarah." Bumakas ang pagtatakha sa kanyang mga mata.

"Nalaman ni Jack na hindi aksidente ang nangyari sa amin. Na si Sarah ang nag-utos sa mga lalaking nakalaban namin ng pamangkin ko para dukutin si Francheska. Sya rin ang nag-utos na banggain ang kotse ko." Tumulo ang isang patak ng luha mula sa kanyang kaliwang mata.

"Eva, saan ka pupunta?" Nagulat ako ng bigla nalang syang tumayo.

"May isusunod akong tao kay Sarah sa hukay." Walang emosyong sagot nya. Gusto kong matuwa na nagsalita sya pero sa nakikita ko sa kanya parang mas dapat akong matakot.

"Eva, sandali. Huwag kang magpadalos-dalos. Hindi magiging masaya si Francheska kung pati ikaw mapapahamak." Awat ko sa kanya.

"Huwag mo kong pakialaman. Kailangan kong puntahan ang taong pinag-ugatan nito." Sinubukan nyang alisin ang pagkakahawak ko sa braso nya pero hindi ako bumitaw.

"Ang naging kasalanan lang sa'yo ni Marcos ay hindi sya naging tapat. Pero hindi sya ang may kasalanan kung masamang tao ang babaeng naging kalaguyo nya." Pagpapaliwanag ko.

"That doesn't make him any less guilty! Namatay ang anak ko dahil sa kanya! Pati ang pamangkin mo nadamay! Hindi ka ba nagagalit sa nangyari?!" She's hurt. And she's mad. Kitang-kita 'yon sa mga mata nya. Hindi ko sya pwdeng hayaang umalis.

"I am mad! Jared is a great kid! The best son any father could ever asked for! What's done is done! Blaming anyone nor revenge will never bring him back! All my family can do is honor his memory! You?! How would you honor your daughter's memory? By taking revenge?! His not even the one who killed your daughter!" Para namang natauhan sya sa sinabi ko.

"She's my only daughter... She's the only reason i survived my life with Jack. The only reason i kept fighting to survive after. What's left for me now?" Hindi na nya napigilang umiyak.

"Her. She will still be the reason for you to fight harder everyday. She wants you to live, to be happy. If she's here she will tell you to move on. To stop hurting yourself. To smile again." Niyakap ko sya ng mahigpit habang hinihimas ang kanyang likod. Ramdam ko sa bawat hagulgol nya at sa bawat panginginig ng katawan nya ang galit at sakit na pilit nyang inaalis sa puso nya.

"I want to see Jack. I want to talk to him. Will you come with me? Please? I can't do this alone." Pakiusap nya sa akin.

"Of course. Go, fix yourself. I'll be waiting for you." Nagmamadali syang umakyat sa kwarto nya para magbihis.

After a few minutes later, she came down wearing a light blue dress with her hair pulled back in a tight bun. She looks more like her self now. More like the woman i met at my welcome party almost a year ago.

"Ah—ahem... Tara na?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah.." Mas magaan na ang aura nya. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata nya pero kahit papaano bumalik na ang buhay sa mga ito.

Paghinto ng kotse ko sa tapat ng correctional facility napansin kong ilang beses syang napalunok. She looks uneasy and she keeps fiddling with her fingers.

"You can do this." Kinuha ko ang kamay nya at marahang pinisil.

"Thanks." Nakangiting tugon nya.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan at pumasok sa correctional facility. I think this will help her start over. She's tough and i know she will get through this.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now