Chapter 25

163 2 0
                                    

Eva's Pov

Francheska should have been at home two hours ago. Ilang beses ko ng tinawagan ang cellphone nya pero out of reach talaga. Kahit mga kaklase at teachers nya tinawag ko na rin pero walang nakakaalam kung saan sya nagpunta.

Nang tinatawagan nya ako kanina ang sabi nya magdidinner lang sya kasama ang isang kaibigan at uncle nito. Pero she forgot to mention who's friend was that. And i am too busy to even remember asking! Napakawalang kwenta kong ina!

"Eva! Oh my god! What happened? We came here as fast as we could." That's my bestfriend Diane.

We've been friends since and college at kahit kailan hindi nya ko iniwan. Kahit dumating na sa puntong muntik ng mapahamak ang pamilya nya dahil sa akin. Hindi pa rin sya nagsawang maging napakabuting kaibigan para sa akin.

"Nakauwi na ba si Francheska?" Tanong ng kanyang asawa.

They are both very wonderful and caring. Kung minsan nakakaramdam ako ng inggit dahil sa maayos at masayang pagsasama nila.

"Hindi pa rin umuuwi ang inaanak nyo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lahat ng pwdeng tawagan ay natawagan ko na. Kung saan-saan na rin ako nag-ikot. Kinakabahan na ako." Mangiyak-ngiyak na turan ko.

"Calm down Eva. Uuwi rin si Francheska. Baka nagkasiyahan lang sila ng mga kaibigan nya." I heard Diane said. Sana nga.

"Magreport na kaya tayo sa mga pulis? I know reporting a missing person requires for them to be missing for twenty-four hours but his father's out there somewhere. They could at least consider that, right?" Harold stated.

"Yeah, i think you're right." I agreed.

Nagmamadali kaming nagtungo sa aming mga sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"H-hello?" I answered hesitantly.

"Sino daw 'yan Eva? Si Jack ba 'yan? I swear to God, kapag may ginawa nya sa inaanak ko—"

"It's a nurse from Guillermo Hospital..." I feel like my whole body went numb.

"Eva? What happened? Bakit ka tinawagan ng hospital?" Harold asked me.

Hindi ko na sila nagawang sagutin. It was like i snapped out of a dream. Dumiretso ako sa sasakyan ko at pinaandar 'yon without saying a word. Ni hindi ko na napansin na nakasunod na pala ang sasakyan nila Diane sa akin. Pagdating ko sa hospital mabilis kong tinungo ang emergency area.

"Nurse! Nurse, i'm looking for Francheska Dizon. Dinala daw siya dito because of an accident." Nagmamadaling tanong ko sa nurse.

"Sa emergency room po—" Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita. I ran to the emergency room as fast as i could.

Pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat. Ang pagtakbo ko, ang pagbukas ng pintuan ng emergency room at pagtatakip ng puting kumot sa isang wala ng buhay na bangkay. Papasok sana ako sa emergency room pero pinigilan ako ng mga nurse malapit sa akin.

"Ms. hindi ka pwdeng pumasok basta-basta dyan. Sandali po, kumalma po kayo." Awat sa akin ng isa sa mga nurse.

"S-sino 'yang... 'yang b-bangkay n-na 'yan?" Halos ayaw lumabas ng mga salitasa bibig ko

"Eva! Hey! Let her go! She's my friend. Let her go." Agad akong kinuha ni Diane mula sa pagkakahawak sa akin ng mga nurse.

"Heto po ang i.d na nakuha namin mula sa bag ng bata." Iniabot ng isa pang nurse ang school i.d na kilalang-kilala namin

"No..." Hindi ko magawang kunin ang i.d. Umiiling akong umatras habang nakatakip ang isang kamay sa aking bibig. Si Diane at Harold ang kumuha ng i.d.

"Oh my—No!" Napagulgol na rin si Diane sa pag-iyak. Inalo naman sya ng kanyang asawa. Mas lalong nanglaki ang mga mata ko.

Ang anak ko...

Bakit?....

Anong nangyari?....

"What happened to her?" I heard Harold asked them. Itinuro naman nila ang isang doktor palapit sa direksyon namin.

"Dr. Sullivan. I'm so sorry. She got a car accident. Ang sabi ng mga rescuers na nagdala sa kanila dito, she's sitting at the passenger seat kung saan bumangga ang sasakyang nakahadisgrasya sa kanila. Mahina na ang pulso nya ng dumating sya dito. Ang isa sa mga kasama nya sasakyan ay dead on the spot at ang isa naman ay kasalukuyang nasa coma. We're very sorry. We did everything we can do." Dapat umiiyak na ko ngayon di ba? Bakit hindi ako umiiyak? Nanginginig ang buong katawan ko. Parang unti-unting lumiliit ang daanan ng hangin sa lalamunan ko. Pero hindi ako umiiyak. Bakit hindi ako umiiyak?

"Eva... Eva are you okay?" Naririnig kong kinakausap ako ni Diane. May sinasabi sya sa'kin. Pero bakit parang hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"What's happening to her?! Help! Please!" Pati si Harold inalalayan na rin ako. Bakit nya ko inaalalayan? Nakatayo naman ako ng maayos.

Teka? Ano bang sinasabi nila? Wala akong maintindihan. Bakit ba sila nagkakagulo? Ano ba talagang nangyayari? Pakiramdam ko dapat malungkot ako eh. Pero bakit parang di ko naman maramdaman 'yon? Alam ko dapat talaga malungkot ako pero wala akong maramdaman. Bakit wala akong maramdaman?

"Ma'am? Ma'am, look at me." Tumingin ako sa doctor na nakatayo na pala sa harap ko. Ano bang sinasabi nya? Bakit ba nya ko kinakausap?

"She's having troubles focusing. Ma'am? Can you hear?" Kumunot ang noo ko. Bakit ba nya ko kinakausap? Tiningnan ko ang paligid ko. Nasaan ba ko?

"Patient is experiencing trauma. What's her name?" Nag-uusap sila. Ako ba pinag-uusapan nila?

"Eva, her name is Eva." Bakit parang ang lungkot-lungkot ng mukha ni Diane?

"Eva? Eva, can you hear me?" Bakit ba ko kinakausap ng doktor na 'to?

"Midazolam, please." Ano ba kasi talagang nangyayari? Naguguluhan na ko. Di ko sila maintindihan.

"Dyos ko! Kawawa naman ang kaibigan ko."Umiiyak na si Diane. Pero bakit sya umiiyak?

"Hindi ko na alam kung paano nya pa malalagpasan ang pagsubok na 'to pero hindi natin sya pababayaan." Ano bang sinasabi ni Harold?

May naramdaman akong matulis na bagay na tumusok sa balikat ko. Napalingon ako sa gawing 'yon. Isang nurse ang may itinurok sa aking injection. Bakit nya ko tinurukan ng injection? Para saan 'to? 'Yon na nag huli kong naalala bago ako balutin ng kadiliman.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now