When Marcos went back to the hospital with Francheska they were informed that Eva is already transferred to a private room.
"Excuse me! Excuse me, nurse! We were told that a certain Eva Dizon was brought here bot more than an hour ago?"
"Tita Diane!"
"Francheska! Oh my god!"
Tatangkain sanang pigilan ni Marcos si Francheska sa paglapit sa dalawang taong narinig nilang nagtatanong tungkol kay Eva. But he decided not to dahil mukhang kakilala ng bata ang babaeng tinawag niyang tita. He saw how concerned the woman is to the kid.
"Si Eva? Nasaan si Eva? Kamusta na ang kaibigan ko?"
"She's at the private room. Sumabay na kayo sa amin. Doon din ang punta namin."
Pagdating nila sa private room ay tulog pa si Eva. Nalapatan na ng gamot ang mga tinamo nitong sugat at payapa na ang mukha nito. Marcos felt pity for the woman. She loved the wrong man. It was not her fault but it was her choice not to walk away sooner.
"Napakasama talaga ang hayop na Jack na 'yon."
Napatingin si Marcos sa lalaking kasama ni Diane. Halos maiyak ito dahil sa nakitang itsura ni Eva.
"Nasaan na si Jack?"
"He's at the police station Diane. Don't worry, hindi na siya makakalabas."
Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. He saw them held hands habang hinihimas ni Diane ang buhok ni Francheska.
"Matagal na naming pinagsasabihan si Eva na hiwalayan si Jack. Tinulungan pa nga namin siyang tumakas eh. Pero pinagbantaan ni Jack ang mga anak namin kaya napilitan si Eva na bumalik sa kaniya. Simula noon hindi na kami nagkita o nagkausap. Iniwan sa amin ni Eva ang bank book na naglalaman ng perang inipon niya para kay Francheska. Pwde nilang gamitin ang perang 'yon para makapagsimula ng panibagong buhay."
"Siya nga pala si Andrew ang asawa ko. Ako naman si Diane. Magkaibigan na kami ni Eva mula pa noong college."
Naisip ni Marcos na matagal na palang nagtitiis si Eva sa mga pangmamaltrato ni Jack. Hindi niya maintindihan bakit hindi niya ito iniwan. No love is enough for a person to imprison his or herself in that kind of relationship.
"What i don't understand is why did she chose to stay with Jack for so long kung ganito naman na pala ang dinadanas niya?"
"Eva grew up in an orphanage never knowing who her real parents are. She has no idea of who she is, if she has any relatives left alive. Nothing. Inampon lang siya ng babaeng nagpaaral sa kaniya. I think that is why she badly wanted to have a complete family. That's why she stayed with Jack despite how awful he treats her."
"I still don't get it. May anak naman na siya. She can live with Francheska far away from the tyrannical monster that is Jack Dizon. He's childhood friend. I've known him to be a bully and a mama's boy but i never thought that he could be this evil."
Pinagmasdan nilang lahat si Eva na payapang natutulog. Sa kabila ng mga sugat at pasa nito sa mukha maaaninag pa rin ang kapayaan sa mukha nito. Marahil ay ramdam niya ang pagtatapos ng kaniyang paghihirap kahit pa natutulog siya.
----
"You, Jack Dizon, is found guilty beyond reasonable doubt of the cases filed against you in the court of law. You are hereby sentenced to life imprisonment without the possibility of parole. May you learn your lesson form this forward and serve your time in peace. This trial is adjourned."
Dinaing pa ni Eva nabunutan ng napakalaking tinik sa kaniyang dibdib ng marinig niya ang hatol ng judge. Hindi niya inaasahang maipapanalo nila ang kasong ito dahil mahusay ang abogado ng pamilya ni Jack. Ngunit naging malaking alas sa kanila ang testimonya ng kanilang anak na si Francheska at ang pagpapatunay ng isang social welfare personnel at psychiatrist na walang anumang manipulasyon na nangyari upang magsalita ang bata. Idadagdag pa ang mga testimonya ng mga kapitbahay nilang naglakas loob na magsalita at tumestigo laban kay Jack.
Muntik nang maibasura ng korte ang mga video feed na kuha sa mga hidden cameras na pinalagay ni Marcos sa loob ng bahay nila Eva. Pinilit palabasin ng abogado nila Jack na may relasyon si Marcos at Eva kaya gusto nilang maipakulong si Jack. Mabuti na lamang napatunayan ni Marcos na kakabalik niya lang sa pilipinas pagkatapos manirahan sa america ng halos dalawampung taon at hindi niya pa nakikilala si Eva ng mgai panahon na iyon.
Naging malakas na ebidensya din ang testimonya ng mga pulis na rumesponde at nagligtas kay Eva. Lahat sila ay nasaksihan ang kalunos-lunos na itsura ni Eva habang walang siyang binubugbog ng kaniyang asawa.
"Eva! Walang hiya ka! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko! Isa kang walang kwentang babae!"
"Mrs. kapag hindi pa kayo tumigil sa pagsasalita ng masama laban sa kliyente ko sisiguraduhin kong susunod ka sa halimaw mong anak sa kulungan."
Ang abogadong nakuha nila Eva ay isang matalino at matapang na babaeng handang makipaglaban sa kahit na sino upang maipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan. Ginawa nito ang lahat upang maipanalo ang kaso.
"Atty. De Vera, maraming salamat po sa lahat ginawa mo para maipanalo ang kaso."
"Eva, you don't have to thank me. Abogado ako at responsibilidad kong siguraduhin na makukulong ang mga masasamang kagaya ni Jack. Now, if you really want to thank me, i want you to do something. Move on, live your life and never let a man treat you like you are nothing ever again."
Tapos na. Sa wakas natapos na. Malaya na siya. 'Yan ang paulit ulit na pumapasok sa isip ni Eva. Malaya na siya. Hindi na siya muli pang mababababoy ni Jack. Hindi na siya ulit nito magagawa pang saktan. At wala ng kahit sinong babae ang makakaranas ng dinanas niya sa kamay ni Jack.
"Eva, ito na 'yong bank book at atm mo. Pwde mo na 'tong kunin dahil magagamit mo na rin 'to sa wakas para makapagsimula ng bagong buhay. Huwag ka ng magpapakatanga ulit ng dahil lang sa lalake ha?"
'Maraming salamat, Diane. Sorry kung hindi ko agad nagawang maging matapang. Inabot ng ganito katagal. Kinailangan pang lumala ng ganito ang sitwasyon."
"Huwag mo na isipin 'yon Eva. Ang mahalaga ngayon malaya ka na."
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...