Francheska's Pov
Simula nung umalis kami sa bahay ni Tito Marcos hindi ko na nakitang masaya si Mama. She smiles but she's never happy. At nalulungkot ako para sa Mama ko. For the second time, she was betrayed and hurt by a man she loved so much.
"Francheska." I was stunned when i saw who called me.
"P—papa?" Paanong nandito sya sa mall? Nakakulong sya dapat di ba? Matagal pa dapat bago sya makalaya.
"Hi, baby. Kamusta ka na?" He smiled at me but not in a loving way. It was a sinister smile and it made my skin crawl.
Napahakbang ako ng isa. At ng isa pa. Hanggang sa naging tuloy-tuloy at mabilisna pag-atras ko. Hindi nawawala ang nakakakilabot na tingin nya sa'kin. I started to run. I ran as fast as i could. Tinapunan ko sya ng mabilis na tingin. He was running after me.
"Oh my God!" Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.
I have to get away from him. I don't know why here or how but i have to get away. Hindi ko napansing sa kakatakbo nakalabas na pala ako ng mall. Sinubukan kong lumingon sa likod ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na sya makita.
I saw a police station on the other side of the street. Right! I have to report this. Hindi na ako nagdalawang-isip na magtungo sa police station. Dahil naconfirm nila mula sa correctional facility na nakatakas nga talaga si Papa hindi muna nila ako pinaalis pagkatapos kong maireport ang nangyari.
"Excuse me officer, ako 'yong nanay ng batang nagreport na hinabol ni Jack Dizon" Napalingon ako sa entrance ng police station.
"Mama!" Napatakbo ako ng yakap papunta kay Mama dahil sa sobrang takot.
"Anak, nakasaktan ka ba? Sinaktan ka ba nya?" Nag-aalalang tanong ni Mama sa'kin.
"Hindi po." Umiling ako. "Nakatakbo ako palayo bago pa sya may magawa sa'kin." Nakahinga naman si Mama ng maluwag ng maramig nyang ayos ako.
"Paano nakatakas ang walang hiyang 'yon?" Tanong nya sa mga police.
"Ayon sa correctional facility mukhang nay tumulong sa kanya mula sa labas." Napakunot ang noo ko.
"What?! Ang nanay nya! Sigurado akong ang nanay nya ang tumulong sa kanya!" Hysterical na sagot ni Mama
"Ma'am, ayon sa investigating officer nasa isang trip abroad si Mrs. Dizon. Dalawang linggo na syang wala." Ani ng isang pulis.
"Who cares?! Marami silang pera! Napakadali lang para sa kanya ang magbayad ng mga tao para makatakas ang walang hiyang anak nya!" Mama insisted.
"That may be the case, Ma'am. Pero puro speculations palang ang meron tayo. Ginagawa naman po ng kapulisan ang lahat para mahanap sya. Huwag po kayong mag-alala, mahahanap din si Jack." The other police assured us.
Kitang kita ko ang takot sa mukha ni Mama. I can even feel her body trembling. Parang lahat ng takot na pinilit nyang labanan all these years biglang bumalik lahat. Kailan ba kami tuluyang makakalaya kay Papa?
-----
Jack's Pov
Iba talaga ang pakiramdam ng nasa laya. Parang ang sariwa ng hangin kahit puro usok ng sasakyan. Ngayong nakalaya na ko panahon na para gawin ko ang matagal ko ng inaasam-asam. Panahon na para magkita kami ng dati kong asawa.
"Hindi ko alam na napakatanga mo pala talaga. Reallt?! Stalking your daughter and then letting her escape? Most wanted ka na ngayon!" Parang puputok ang eardrums ko dahil sa lakas ng boses ng babaeng 'to.
"Pwde ba Sarah? 'Wag kang sumigaw! Kaya pala hindi ka sineryoso ng Marcos na 'yon eh. Napakabungangera mo!" Pang-iinsulto ko sa kanya.
"Carefull! Jack. I don't need to remind you of the reason why you're here, do i?" Nagtagis ang bagang ko.
"Tinatakot mo ba ko Sarah?" I stood tall in front of her.
"I'm not Eva, Jack. You can't intimidate me." Bigla akong tinutukan ng barik ng isa sa mga tauhan nya.
"Hmmm.. Right." Ani ko habang nakataas ang dalawang kamay.
"I want Eva to suffer more than i have suffered. Gusto kong malaman nya kung ano ang sakit na pinagdaanan ko ng dahil sa kanya. At mga patanga-tangang desisyon mo sisira sa mga plano ko!" She said angrily.
"Fine. Ano bang plano mo?" I asked as i sat down on the sofa.
"First is to contain within the safety of this rest house. Kung saan walang makakakita sa'yo. Second is to kidnap your stupid ex-wife and lastly, make her suffer before i kill her." Baliw nga talaga ang babaeng 'to.
"At ano naman ang magiging papel ko sa mga plano mo? Who could make her suffer more than you?" She winked before leaving.
Napaisip ako. Kaya nya ko itinakas mula sa kulungan ay dahil gusto nyang ako ang magpahirap kay Eva. Gusto nya akong maging tila barbarong tagapagparusa ng mga taong nagkakasala sa kanya.
"Mag-iingat ka dyan kay Ma'am Sarah. Malakas ang saltik sa utak nyan. Nakakatakot 'yan magalit." Napalingon ako sa isa sa mga tauhan nyang umiinom ng beer malapit sa'kin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Minsan na nyang inutos sa mga dati kong kasamahan na kidnap-in ang anak mong si Francheska." He said. Natigilan ako sa sinabi nya.
"What?" Tumango sya.
"Pumalpak sila. Sa sobrang galit nya ipinapatay nya ang mga kasamahan ko. Kaya ikaw pre, mag-isip-isip ka." Tinapik nya ang balikat ko.
He left me alone thinking about what he told me. I know that Sarah is crazy but i didn't know that she's THAT crazy. Kaya ko ba talagang pati ang anak ko mapahamak dahil sa kabaliwan ng babaeng 'yon kay Marcos?
—Flashback—
"Papa! Papa! Look!"
"What's that baby?"
"I draw an image of us on a beach. This is my dream family vacation."
"Wow! That's beautiful. Ang galing talaga ng anak ko ah."
"Papa, may itatanong po ako."
"Ano 'yon anak?"
"Nakita ko po kasi 'yong kalaro ko pinapalo ng Papa nya. She had bruises all over her body. Bakit po ganun Papa? Bakit po sya sinasaktan ng Papa nya?"
"Hindi ko rin alam kung bakit sya sinasaktan ng Papa nya, anak. Pero minsan kasi,m hindi naman masama ang konting pagdidisiplina. Dapat lang nasa tama."
"Buti nalang po Papa mabait ka saka love mo ako. Sobrang swerte ko po."
—End of flashback—
Napailing ako. Inubos ko ng isang lagok ang beer na hawak ko.
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...