Chapter 27

141 3 0
                                    

Narrator's Pov

Simula nang makaharap ni Eva si Norman nag-iba ang kalagayan nya. Mula sa pagiging tila robot ngayon naman wala na syang ginawa kung hindi ang umiyak. Halos hindi nya binibitawan ang pinakapaboritong stuff toy ni Francheska.

Ang sabi ng pyschiatrist nya mas mabuti na raw na ganito sya kaysa pilit nyang itinatago ang sakit na nararamdaman nya. Pero paanong mas makakabuti? Halos hindi sya kumakain. Palagi syang tulala o kaya naman umiiyak. Hindi pa rin sya makausap.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Biglang uminit ang ulo ni Diane ng makita nya na naman ang lalaking naging dahilan ng labis na paghihirap ng kaibigan nya.

"Gusto ko lang sanang kamustahin si Eva." Malungkot na tugon ni Norman.

"Gusto mong kamustahin si Eva? Halika rito." Marahas na hinila ni Diane si Norman papunta sa living room ng bahay ni Eva.

"Oh ayan. Pagmasdan mong mabuti ang kaibigan ko. Pagmasdan mong mabuti ang paghihirap ng inang inagawan mo ng dahilan para mabuhay." Mahina ngunit may diin ang bawat salitang binitawan ni Diane.

Hindi makapagsalita si Norman. Parang may kamay na marahas na pumipiga sa puso nya habang pinagmamasdan si Eva. Magang-maga ang mga mata nito. Malaki na rin ang ibinagsak ng katawan. Parang hindi rin nasusuklayan ang buhok nito. Lalo tuloy tumindi ang paninisi nya sa kanyang sarili.

"Masaya ka na ba? Pwde ka ng umalis." Pagtataboy ni Diane kay Norman.

"Hindi ko naman ginusto 'yong nangyari. Namatayan din ako ng pamangkin. Sa tingin mo ba masaya akong makita ang kapatid at hipag ko araw-araw nasasaktan kapag naalala nila ang anak nila?" Depensa naman ni Norman.

"Is that suppose to make what happened okay? You have no idea of how much Eva fought so hard to survive hell and back! Si Francheska lang ang tanging pinagkukunan nya ng tapang para mabuhay! And you took her away!" Pilit na hinihinaan ni Diane ang boses nya para hindi marinig ni Eva ang pinag-uusapan nila.

"Aaaaaaaaahhhhh! Arrrgh!!!" Nataranta silang pareho ng biglang magsisigaw si Eva.

"Eva? Eva! What are you doing?!" Mabilis na nilapitan ni Diane si Eva.

Pilit nitong sinisira ang stuff toy ni Francheska. Wala syang tigil sa pagsigaw habang umiiyak.

"Eva.. Eva! Stop it!" Pati si Norman ay lumapit na rin para awatin si Eva.

Pero habang inaawat nila si Eva lalo itong nagwawala. Walang humpay na pag-iyak at pagsigaw ang ginagawa nito. Tuluyan na ngang nasira ang stuff toy ni Francheska. Nagsugat na rin ang mga kamay ni Eva dahil sa ginawa niya.

"Iwanan nyo ko! Umalis kayo dito! Layas! Alis!" Ipinagtulakan ni Eva sila Diane at Norman.

"I'll get her sedative. 'Wag mo syang iiwan!" Tumakbo si Diane para kumuha ng pampakalma.

"Iwanan nyo ko! Lumayas kayo!" Wala pa ring tigil sa pagwawala si Eva.

"Eva, please calm down." Pilit pa ring sinusubukan ni Norman na pakalmahin si Eva.

"No! Leave me alone!" Nagsimula ng saktan ni Eva si Norman. Puro kalmot na natatamo nito mula sa kanya.

"Here!" Itinurok agad ni Diane ang injection na naglalaman ng sedative sa braso ni Eva. Wala pang isang minuto ay nawalan na agad ito ng malay.

"Happy now?! Umalis ka na! At huwag na huwag ka ng babalik!" Galit na itinaboy ni Diane si Norman.

"Diane, please. I just want to help." Pakiusap ni Norman.

"Gusto mong makatulong?! Leave her alone!"

Bagsak ang balikat ni Norman ng umalis. Hindi nya akalaing ganoon na pala kalala ang sitwasyon ni Eva. Masakit para sa kanyang isipin ang katotohanang kasalanan nya kung bakit naging ganito ang kalagayan ni Eva.

------

Jack's Pov

Ilang beses na kong sumubok na mag-abang sa labas ng eskuwelahan ni Francheska. Kahit sa labas ng subdivision nila naghihintay ako. Pero hindi ko talaga masaktuhan ang anak ko. Hindi ko tuloy alam kung tuluyan na ba silang lumipat ng matitirhan. Gusto kong makita ang anak ko.

"Oh pare, tara saluhan mo kaming uminum." Aya sa akin ni Nick.

"Oo nga naman Jack. Bakit ba kasi ang lalim ng iniisip mo?" Tanong naman ni Fred.

"Para kang si Ma'am Sarah. Palaging tulala simula nung napatay ng mga tao nya si Francheska." Walang anu-anong bulalas ni David.

"Anong sinabi mo?!" Sa bilis ng mga pangyayari ay walang nagawa ang mga kasamahan namin ng bigla kong sunggaban si David.

"Pare! Pare, tama na 'yan!" Awat nila sa'kin.

"Ulitin mo 'yong simabi mo!" Lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.

"J-jack! H-hindi a-ako maka—hinga!" Hirap ng makapagsalita si David dahil sa higpit ng pagkakasakal ko sa kanya.

"Anong ginawa nyo sa anak ko!" Parang sinisilaban ang puso ko.

"I-inutos ni Ma'am S-sarah n-na ipa—d-dukot ang a-anak m-mo. Pe—ro m-may m-mga kasa—ma s-syang nag—gawa syang i-ipagtang—gol. K-kaya i-inutos nyang g-gumawa ang mga kasa—mahan k-ko ng p-par—aan. B-binanga ni—ila ang k-kotseng si—nasak—yan ng a-anak m-mo. P-pa—tay n-na ang a-anak m-mo." Kahit hiral na hirap ay inamin ni David ang totoo sa akin

Sa sobrang pagkabigla nabitawan ko si David. Nagpabalik-balik ako ng paglalakad. Hindi makapaniwala sa aking mga narinig. Kaya ba hindi ko sya masaktuhan. Kaya ba kahit nong gawin ko hindi ko sya makita?

"Sabihin mong hindi totoo ang sinabi mo. Sabihin mong buhay pa ang anak ko!" Hindi pwde! Ni hindi pa ko nakakahingi ng tawad sa kanya.

"Pasensya na pare. Nalaman ko nalang din ang nangyari nang ibalita ng mga kasamahan kong wala na ang anak mo." Nakataas ang dalawang kamay ni David na parang nagmamakaawa sa akin.

"Pasensya na din pare." Umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.

"Jack! Saan ka pupunta?" Tanong ni Fred sa akin.

"May kailangan akong tapusin." 'Yon lang ang binitawan kong mga salita bago ako tuluyang umalis dala ang baril na ginamit ko kay David.

Narinig kong kausap ni Nick kanina si Sarah. Nasa spa sya ngayon. Doon ko sya makikita. Gamit ang ninakaw kong motor ay mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Sarah. Ilang sandali lang akong pumarada sa harap ng grocery store na katapat ng spa nung mamataan kong palabas na sya.

Nagkagulo ang mga tao ng umalingawngaw ang apat na magkakasunod na putok. Duguang bumagsak ang katawan ni Sarah sa gutter habang dilat ang kanyang mga mata. Pagkatapos noon ay nagtungo ako sa police station para isuko ang sarili ko.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now