Chapter 24

144 5 0
                                    

They family is everything. That it's the most important thing in the world. They say family gives you strength, power and unconditional love. But how can a family gives you all that if your family seems to be broken beyond repair?

Francheska's Pov

Simula ng magkita kami ni Papa sa mall naging overprotective na si Mama. Hatid-sundo nya ako sa school at hindi nya ako pinapayagang lumabas ng bahay ng hindi sya kasama. Sometimes it feels suffocating but i know she just wants to make sure that i am safe.

"Di ba Papa nya 'yong wanted binalita sa tv?"

"Sino?"

"Yon Jack Dizon. Pinakita ang mugshot nya sa news channel kagabi at kaninang umaga."

"Oh!"

Kalat na sa school ang balita na nakatakas si Papa sa kulungan. Kanina ko pa naririnig ang mga bulungan ng mga kapwa ko estudyante. Mas pinipili ko nalang na huwag silang pansinin. Wala rin naman akong mapapala sa kanila.

"Francheska? Totoo ba? Hindi ka na raw virgin?" Natigilan ako sa narinig ko.

"Balita namin Daddy's little girl ka daw." That was Tim.

"Kung kailangan mo pwde naman kaming DADDY mo." Nagtawanan sila.

'Wag mo na silang pansinin. Wala kang mapapala. Pabayaan mo na sila.

I decided to walk away. Pero as usual, they didn't let me. Dalawa sa mga kaibigan nya ang humarang sa dadaanan ko. Then i felt someone smack my behind. I didn't know what came to me. It just happened.

"Aray! Bakit mo ko sinampal?! Bwisit ka!" Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong umangat ang kamay nya para suntukin ako.

"Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal ng tatay mo ha?" Pero may kamay na pumigil sa suntok nya. Napaatras ang grupo ni Tim. "Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang nyo? Ang mambully, mambastos at manakit ng babae? Akin na mga pangalan nyo, irereport ko kayo sa Dean." Wala silang nagawa nung kunin nung lalaki ang mga id nila.

Pagkatapos silang ireport nung lalaking nagtanggol sa akin sa principals office ay sinamahan nya ako hanggang sa makalabas kami ng school. Napatawan ng one month suspension ang grupo ni Tim dahil sa ginawa nilang panghihipo sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong nya sa'kin.

"Ha? O-opo okay lang ako." Alanganing sagot ko.

"Fran! Wait!" Sabay kaming napalingon nung tumatakbong lumapit sa amin si Jared. "Pinagtripan ka na naman daw ng grupo ni Tim?" Tanong nya sa akin. He's obviously mad.

"Okay na. Suspended sila ng isang buwan." Ssgot ko sa kanya.

"Mabuti naman." Parang nakahinga naman sya ng maayos.

"So magkakilala pala kayong dalawa?" I heard the man said. Napakunot ang noo ko.

"Uhm, Fran, that's my Uncle Normal. He's from the states. Kauuwi nya lang dito a few days ago." Napatango ako. Kaya pala magkahawig sila.

"And you two are friends, i see. You know what, you should come to our family reunion by the end of the month." He invited me.

"Oo nga naman, Fran. Pumayag ka na. I swear mag-eenjoy ka." Jared added.

"Yeah.. Yeah! Sure. Okay. Ah, Sir. Mauna na po akong umuwi. Marming salamat po." Pagpapaalam ko sana.

"Tito Norman nalang, hija. Saka maaga pa naman. Bakit hindi ka muna sumamang magdinner sa amin? My treat." Aya nya sa'kin.

"Minsan lang manglibre 'yang si Uncle kaya pumayag ka na." Pabirong gatong ni Jared.

"Yeah, sure. But i'll have to call my mom first." They nodded.

------

Narrator's Pov

Pumayag naman si Eva na sumama si Francheska sa kanyang schoolmate na si Jared. At hindi nga nagbibiro si Norman ng sinabi nyang manglilibre sya. They ate on a fine dining restaurant and they enjoyed it so much. Marami silang napagkwentuhan lalo sa tungkol sa dinanas na pangbubully ni Francheska mula sa grupo ni Tim. Jared even offered to enlist her name on their school's martial arts team.

Norman urged her to join para na rin sa pangsarili nyang kaligtasan. Ayon kay Norman napakadelikado na ng panahon ngayon and women should learn how to defend theirselves.

"Did you two enjoy our dinner?" Norman asked.

"Opo, sobrang sarap nyo pong kausap. Maeami po akong natutunan." Francheska answered honestly.

"Great! So paano? Aasahan kita sa family reunion namin ha?" Norman reminded her.

"Opo." Nakangiting tugon ni Francheska.

"Tara, ihahatid ka na namin ni Jared." Sabay na silang tumayo ng makita nilang palapit na si Jared na nagtake out ng pagkain para sa mga kapatid nya.

Hindi nila napansin ang paglapit ng apat na kalalakihan sa kanila habang patungo sila sa kanilang sasakyan. Sa itsura ng mga lalaki ay halatang halang ang kaluluwa ng mga ito.

"Wag na kayong magtatangkang manglaban para hindi tayo magkaproblema pare-pareho." Ani ng isa sa kanila nang sabay-sabay nilang tutukan ng baril sila Norman, Jared at Francheska.

They didn't move. But Jared and Norman doesn't look like their afraid. They're looking at each other like they are talking through their minds. Their hands are raised, breathing steady and face so calm.

"Walang kailangang masaktan. Itong kasama nyo lang ang kailangan namin." Nanlaki ang mata ni Francheska sa narinig. Anong kailangan ng mga taong ito sa ka nya?

"Hmmm... I see." Norman tilted his head to the side. Kitang kita ni Francheska ng pasimpleng tanguan ni Norman si Jared. Ngumisi naman ito.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko napansin na gumalaw pala si Tito Norman. Basta ang naramdaman ko nalang ang malakas na pagkakahila sa akin paupo. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Napapikit ako sa sobrang takot. Bakit ako gustong kunin ng mga lalaking ito? Anong kailangan nila sa akin.

May pumasok na imahe ng isang lalaki sa isipan ko. Si Papa. Malaki ang posibilidad na si Papa ang may pakana nito. Baka gusto nyang gumanti dahil sa ginawa naming pagpapakulong sa kanya. Ganun na ba talaga sya kasama? Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.

Teka? Sila Jared at Tito Norman!

Saka ko lang naisip na buksan ang mata ko. Natatakot akong makita na baka napamahak na sila dahil sa akin. Pero laking gulat ko ng tuluyan kong ibukas ang mga mata.

"P—paano? A-anong nang—?" Hindi ko alam kung paano bubuuin ang mga gusto kong itanong.

"Uncle Norman is a mix martial artist. I have a black belt in aikido." Nakangiting sagot ni Jared. O-okay...

"Come on. Let's get you home." Inalalayan ako ni Tito Norman pasakay ng kotse. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko.

May limang minuto na rin siguro ang itinatakbo ng sinasakyan namin ng halos mabulag ako dahil sa matinding liwanag.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now