Chapter 30

162 3 0
                                    

Norman's Pov

Coming back has brought me both good and bad. Bumalik ako dala ang pag-asang makakalimutan ko ang sakit na idinulot ng pangloloko sa akin ng babaeng minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Nagawa ko naman iyon. Nakalimutan ko sya. Nakalimutan ko ang sakit. Pero kasabay din noon ang bigat na dinadala ko sa aking konsensya dahil sa pagkamatay ng pamangkin kong si Jared.

"Uncle Norman, tara na po. Sabayan nyo na kaming kumain." Aya sa akin Kristine. Ang nag-iisang kapatid na babae ni Jared.

"Ah s—"

"Hindi sya sasabay kumain sa atin." Napalingon ako sa gawi ng mama ni Jared.

"Sa labas ako mag-aalmusal. May appointment din kasi ako." Nakangiti ko nalang na sagot kay Kristine.

Kahit na gusto ko silang makasalo sa pagkain mas pinili ko nalang ang umiwas. Nauunawaan ko ang nararamdaman ng hipag ko. Isang mabuti anak si Jared. Masipag mag-aral at siguradong malayo ang mararating.

Naisipan kong dalawin nalang sila since wala naman talaga akong pupuntahan. Alam kong nasa resto na sya ngayon kaya pwdeng doon nalang din akp mag-almusal. So i dialed her number.

"Hello Eva?" A smile formed on my lips when she answered the call on the first ring.

"Hi! Ang aga mong nagising ah." She sounds happy on the other line.

"Ah.. Yeah, medyo napaaga nga ang gising ko. Uhm.. Nag-almusal ka na ba? Balak ko sana kasing dyan magbreakfast sa resto mo. Pwde mo ba kong sabayan?" Nahihiyang tanong ko.

"Sakto! Hindi pa nga ako kumakain eh. Maaga kasi akong nagpunta dito sa resto. Oh, paano? Hintayin kita dito?" I heard her say.

"I'll be there in twenty minutes." I said before i hang up the call.

Walang traffic kaya nakarating ako ng mas mabilis sa resto ni Eva. I saw her at the counter checking some things. She's wearing a cream long sleeved dress na nagpalitaw lalo sa ganda ng kutis nya. She smiled and waved at me when she saw me.

"Table for how many sir?" One of the staff politely asked me.

"Table for two please." I answeres smiling.

Maganda at relaxing ang interior ng resto. Well lit at malinis. Mahahalatang babae talaga ang may-ari.

"Here's our menu, sir." Iniabot sa akin ng waiter ang dalawang menu.

"Uhm.. Pwde bang maya-maya na ko mag-order?" I hesitantly said.

"Von, ako ng bahala sa oorder-in nya. Give us our best sellers." Nakangiting pukaw ni Eva sa atensyon ng waiter.

"Right away po." The waiter bowed before leaving.

"How have you been?" Eva asked me as soon as she took her seat.

"Good. You?" Simpleng sagot ko.

"Come on, Norman. I faked my smile for so long na kahit sa ibang tao nahahalata ko kung peke ang ngiti nila. What's the matter?" She's staring at me intently.

"Uh.. It's nothing. Just some issues at home." I shrugged my shoulder.

"I thought were friend." She stated after crossing her arms. I sighed.

"It's my sister in-law. Jared's mom. She still blames me for his death. I tried to reach out to her so many times pero she's just shutting me out." Napailing nalang ako ng maalala kung ilang beses kong tinangkang kausapin ang hipag ko.

"Margie's hurt. She lost her son. Give her some time. Marerealize nya rin na wala kang kasalanan." She reached for my hand and slightly squeezed it. Then she gave me the warmest smile i have ever seen.

"Do you remember the first time we met?" Nakangiti na ako ng magtanong.

"Of course! How coud i forgret the man who acted like a jerk on our first meeting?" Inirapan nya ko pero nakangiti ang kanyang mga labi.

"Yeah.. Sorry about that. I came back because i want to forget about everything that happened to me in the states. My wife cheated on me with my bestfriend and took our son away from me. I was hurting back then." I explained formally. Pero kitang-kita ko ang naging pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Eva.

"I'm so sorry. No one should ever have to go through a situation like that." She said sincerely.

"I know. But all's good now. I moved on and i'm happy. My son's talking to me. Everything's in the right place." I answered truthfully. She smiled.

We stop talking when the food came. Nakikilala na ang business ni Eva. From what i heard talagang masarap ang mga pagkain nila dito. Even the reviews they get online are all positive.

"Every food we offer and their names are my idea. Hilig ko talaga ang magluto kahit noong bata pa ako. I love the feeling of seeing people smile because they enjoy the food they eat." She stated proudly.

"Mukhang masasarap nga. Now i know why your restaurants are so famous." I replied.

"Come on, let's eat?" Aya nya sa akin.

Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. I kept wondering why Jack and Marcos chose to waste such a wonderful woman. Kahit anong isip ang gawin ko hindi ko talaga magets kung bakit mas pinili nilang saktan si Eva kaysa mahalin at alagaan sya. May sira ba sila sa ulo?

"May dumi ba ko sa mukha?" Napakurap-kurap ako ng sobrang lapit na pala ng mukha sya sa mukha ko. As in sobrang lapit! I gulped.

"H-ha? W-wala! Wala ah. May naalala lang ako bigla. Ah... Tara? Kain na tayo?" Halos hindi ako makatingin sa kanya.

"Wag mong masyadong isipin ang hipag mo. Unawain mo nalang sya. Give her all the time she needs to recover. Hindi madali ang pinagdadaanan nya ngayon." Wooh! Buti nalang lumisot. Bakit ba kasi lumalapit ng ganun?!

"Ah.. Oo nga. Siguro nga tama ka. Hahayaan ko nalang muna siguro sya. Naiisip ko nga mukhang mas mabuti kung maghanap nalang ako ng sarili kong bahay." Dugtong ko.

"I think makakabuti nga 'yan. Give her as much space for her to grieve and move on. Magiging okay din kayo." Nakangiti nyang tugon.

How can a man hurt an angel sent from heaven? How can a man waste such a wonderful gift from god? Ang tipo ni Eva ang pinapangarap ng maraming kalalakihan. Bukod sa napakaganda na nya, napakabuti pa ng puso nya. She's also very caring and loving. Kapag nakilala mo sya papangarapin mo ng bumuo ng sarili mong pamilya.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now