Narrator's Pov
Eva is sitting on a bench at the park. She's been there for hours and she hasn't move. Not even to change her position. Months had passed since Francheska died and no one ever saw Eva cry. Diane and Harold stayed by her side taking care of her. Pero kahit sila hindi kinakausap ni Eva.
—Flashback—
"What she's going through is denial. Her daughter is only reason she fought so hard to survive the abuse of her husband. Her daughter is the only reason she's fighting day by day to survive. It's to be expected that she's going through this right now. You couldsay that she turned off her emotions so she wouldn't feel the pain."
—End of flashback—
Kahit ilang beses magpabalik-balik sila Diane at Eva sa espesyalista wala pa ring naging pagbabago sa kalagayan nya. Natutulog sya, gumigising, kumakain, naliligo. Pero walang makikitang kahit anong emosyon sa kanya. Para syang robot na kumikilos lang dahil nakaprogram. Parang patay na buhay.
"Halos hindi ko na makayanang tingnan si Eva. Nadudurog ang puso ko sa tuwing pagmamasdan ko sya. Ang gusto lang naman nya magkaroon ng sariling pamilya. Mabuti naman syang tao. Wala syang inaargrabyado. Bakit kailangan nyang mapagdaanan ang lahat ng ito?" Hindi mapigilan ni Diane ang umiyak sa tuwing makikita nya ang kalagayan ng kanyang matalik na kaibigan.
"Ganoon siguro talaga ang buhay, Love. Kung sino pa 'yong mabubuting tao sila pa 'yong nakakaranas ng matitinding pagsubok. Kakayanin ni Eva 'to. Matapang si Eva. Isa pa, hindi naman tayo bibigyan ng panginoon ng pagsubok na hindi nating kayang lagpasan." Tugon ni Harold habang inaalo ang asawa.
"Pero paano nya malalagpasan ang pagsubok na 'to? Si Francheska lang nag-iisang dahilan kung bakit hindi bumigay at sumuko si Eva noon. Ngayon ano pang meron sya? Ano pang magiging dahilan nya para lumaban?" It really pains Diane seeing her bestfriend so broken and in so much pain.
"Diane?" Napalingon silang mag-asawa sa lalaking tumawag sa pangalan ni Diane.
"Can we help you?" Tanong ni Harold na may pagtatakha.
"You're Norman Rosebush. Ikaw 'yong kasama ng inaanak ko nung maaksidente sya. Anong ginagawa mo dito?" Diane's tone is filled with hatred.
"Gusto ko sanang makausap si Eva. Nagpunta ako sa bahay nya at ang sabi sa akin ng guard nandito nga daw kayo sa park." Tila naiilang si Norman na makaharap ang matalik na kaibigan ni Eva.
"Ang kapal naman ng mukha mo para gustuhing makausap ang kaibigan ko. Apat na buwan na mula ng mamatay ang inaanak ko ngayon ka lang magpapakita?! Saan mo kinukuha 'yang kakapalan ng pagmumukha mo?" Galit na bulalas ni Diane.
"Diane, stop it. What happened was an accident. Walang may kagustuhan ng nangyari. Nakakalimutan mo na bang namatay din ang pamangkin nya dahil sa aksidente?" Para namang nahimasmasan ni Diane sa sinabi ng kanyang asawa.
"Mapatawad nyo sana ako. Hindi ko ginustong mawala si Francheska sa inyo. Nang magising ako mula sa pagkaka-coma a month after the incident doon ko lang nalaman na namatay pala si Francheska at si Jared I was devastated. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Ginusto kong puntahan si Eva para makahingi ako ng tawad ng personal pero pinigilan ako ng pamilya. They told me what to Eva and it made me blame myself even further. Nakaramdam ako ng matinding pagkahiya. Paulit-ulit na nagpe-play ang mga nangyari ng gabing 'yon sa utak ko. I was so careful while driving. Nakared light ang kasalungat na kalsada ng dinadaanan namin at nakagreen naman kami. Kaya kampante ako ng mga oras na 'yon. It's not even ten second left before the stoplight turns red. Paanong nabangga kami? Tuloy-tuloy na paliwanag nito.
"Anong gusto mong palabasin?" Tanong ni Harold.
"I volunteered to attend my nephews parent-teacher conference that day. After the conference hinanap ko si Jared para isabay sa pag-uwi. That's when i saw Francheska being bullied by a group teenage boys. Nilapitan ko sya at tinulungang makapagreport sa principal's office. I felt bad about her kaya naisipan kong yayain syang sumama sa amin na magdinner." Pagpapatuloy ni Norman.
"Get to the point! Damn it!" Inis na singit ni Diane.
"Diane, let him be." Awat naman ni Harold sa kanya. "Then what happened?" Baling ni Harold kay Norman.
"Papunta na kami sa kotse ko noon nung may humarang sa aming apat na lalaki. Tinutukan nila kami ng baril. I'm a mix martial artist and my nephew is a black belter in aikido. So we fought them. I can nevet forget what they said they want. Si Francheska. Ang sabi nila si Francheska lang ang kailangan nila. Kaya kami nanlaban dahil prinotektahan namin si Francheska. Tapos... Limang minuto palang kaming nasa kalsada naaksidente na kami." Dugtong ni Norman.
"What?! Bakit ngayon ka lang nagsalita!" Mas lalo itong kinagalit ni Diane.
"Hindi ako sigurado. Wala namang ebidensyang magpapatunay na sinadyang banggain ang kotse ko." Depensa ni Norman.
"Anong ginagawa mo dito." Walang emosyong tanong Eva nang makita nya si Norman na kausap sila Diane.
"Eva... I'm s-so s-sorry..." Halos hindi makapagsalita si Norman.
Tinitigan sya ni Eva ng ilang sandali. Maya-maya pa nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Eva. From straight face, to confuse, to recognition, to teary eyed. Hanggang sa mapalitan ng napakatinding galit ang emosyong makikita sa mukha nya.
"Hayop ka! Pinatay mo ang anak ko! Walang hiya ka! Napakakapal ng mukha mong mapagpakita pa sa'kin!" Tuluyan ng nagwala si Eva. Sunod-sunod na sampal, suntok, kalmot ay sabunot ang ginawa nya kay Norman habang patuloy ang pagsigaw. Tila ba lahat ng sakit na pilit nitong itinago sa loob ng apat na buwan ay tuluyan ng kumawala.
"Eva! Calm down! Stop!" Sinubukang awatin ni Diane ang matalik na kaibigan ngunit kahit sya ay nasasaktan na nito.
"Kinuha mo ang nag-iisang rason kung ako nabubuhay! Demonyo ka! Wala kang awa! Hayop!" Eva continued to assult Norman.
Hindi sya lumalaban. Hindi nya sinasalag ang mga pananakit na ginagawa ni Eva. Kahit na puno na ng kalmot ang kanyang mukha. Kahit na dumudugo na ang kanyang kilay at labi. Nanatili lang syang tahimik at nakatayo. Tinatanggap ang lahat ng ginagawa ni Eva. Marahil ay naiisip nyang ito lamang ang magagawa nya para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Eva.
Tumigil lang si Eva sa pag-atake kay Norman ng sasakan sya ng pampatulog ni Harold. Naglakad ito kasabay ng asawa habang buhat-buhat si Diane. Naiwan namang mag-isa si Norman sa gitna ng park. Tahimik na lumuluha. Nagsisisi sa kasalanang kanyang nagawa.
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...