Chapter 14

215 6 6
                                    

Eva's POV

I've been keeping it to myself for as long as i can remember. There are times that i feel like bursting into tears but i always ends up swallowing back everything. Alam kong marami akong pagkukulang sa kaniya. Kaya rin siguro siya nanlalamig. I have to think of a way para makabawi.

"Sweetheart, breakfast in bed. Come on, handsome wake up." I kisses him on his cheeks to wake up him up.

"Sarah mamaya na inaantok pa ko." He said with his eyes still close.

"Sarah?" He almost jumped out bed when he realized what happened.

He was looking at me wide eyed. Hindi na niya kailangang magpaliwanag pa. I already knew why he's reaction is like that. Sumakit agad dibdib ko. But i managed to smile.

"Kain ka na."

Kahit wala sana akong balak umalis ng bahay minabuti ko nalang na magrounds sa branches ng resto. I can't be around him. Baka hindi ko mapigilang maging emotional. Kaya kailangan ko munang makapag-isip.

"Eva may problema ba?" I heard Diane asked.

Simula ng magdagdag ako ng mga panibagong branch inaya ko na syang makisosyo sa'kin. In that way hindi ko lang siya natutulungang kumita ng extra, mas madalas ko din siyang nakakasama.

"Kapag ba tahimik may problema agad?" Pabirong tanong ko.

"No, pero kapag ikaw ang tahimik siguradong may problema. Spill." Tinaasan niya pa ko ng kilay.

Muntik ko ng makalimutang magkaibigan na nga pala kami since college. Kilalang kilala na nga pala ako nitong taong 'to.

"Wala 'to. Medyo nagiging cold lang 'yong relasyon namin ni Marcos. Kasalanan ko naman eh. Kasi marami akong pagkukulang sa kaniya." I explained.

"Bakit? Anong nangyari?" Parang hindi siya kuntento sa sinabi ko.

"Yon nga lang. Nagiging cold lang 'yong relasyon namin. To be honest kasi, simula ng maging kami wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Kahit magkasama kami sa iisang bubong." I admitted.

"You're still having panic attacks?" She asked me. I nodded.

"Let's meet my friend. She's a psychiatrist. I'm sure malaki maitutulong niya sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Everything's gonna be fine. Okay?" She assured me. Napangiti ako. Sobrang swerte ako at nakahanap ako ng kaibigang kagaya niya.

Hindi ko alam kung paano ko malalampasan lahat ng napagdaanan ko kung hindi siya ang kaibigan ko. Dianr and her husband are the kindest and most caring people i know. And my life is better because of them. Kaya naman sobra ang pagpapasalamat ko sa kanila.

-----

Marcos' POV

Simula ng umalis si Eva kanina ng walang kibo hindi na ko natahimik. She knew. I only uttered the name pero sapat na 'yon para malaman niya. I'm so stupid! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?! Ang gago ko!

"Mukhang may problema ang kaibigan ko " I heard the man asked as he sat down on the chair next to me.

"Oo pare. Sobrang laki. Tangna." I admitted.

Kahit alas nuwebe palang ng umaga inaya ko na agad siyang mag-inum dito sa bar na pagmamay-ari niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya kailangan kong mag-isip.

"Bakit? Nalaman na ni Eva na may babae ka?" Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya? Parang nakita naman niya 'yong confusion sa mukha ko.

"I saw you with her." Oh. Napatango-tango ako.

"Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon Kyle. Ngayon hindi ko na alam kung paano pa aayusin 'to. Okay pa sana na inaway niya ko. At least alam kong galit siya. Kaso hindi eh. When she heard me call her on a different name she just smiled. I don't know what she's thinking." Paliwanag ko.

"Who cares what she's thinking? What's important is what you will do to make things right. Ang tagal mong hinintay si Eva tapos ngayong nasa sayo na sasayangin mo lang?" He said while shaking his head.

"Anong gagawin ko pare? Naguguluhan talaga ko.

"Mahal mo pa ba si Eva?" Tanong niya sa'kin.

"Mahal na mahal pare." I answered honestly.

"Ayon naman pala eh. Wala ka ng kailangang itanong o pag-isipan pa." I heard him say.

He has a point. Lahat naman ng sagot sa mga tanong ko eh alam ko na ang sagot. I know what i should do. And i have to do it fast. I dialed on my phone.

"Sarah, we need to talk."

"You're doing the right thing pare. Sige na. Ako ng bahala dito."

Umalis agad ako para puntahan si Sara. Kailangan ko ng gawin ito kung hindi baka lalo kaming masira ni Eva.

"Namiss mo naman ako agad Babe." Sarah kissed me on my lips pagdating niya sa resto na pinag-usapan namin.

"Sarah, hindi ko na papahabain pa ang usapang ito. Itigil na natin kung ano man ang meron tayo." Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa.

"What? What are you saying?! You're breaking up with me?!" She said hysterically.

"I'm sorry Sarah. From the beginning alam mo ng may mahal talaga ako. Hindi ko na kaya pang ituloy 'to. Besides, you don't deserve someone you can't have for yourself." Sinubukan kong ipaintindi sa kaniya.

"No! Hindi pwde 'to! Kapag hiniwalayan mo ko guguluhin ko si Eva! Hindi ako makakapayag na maging masaya kayong dalawa!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng resto.

"Sarah, stop making a scene. Hindi lang naman ako ang lalaki sa mundo. Makakahanap ka pang lalaking para talaga sa'yo." Dagdag ko.

"I am Sarah Salvador. What i want is what i get. And right now, you're the one i want. So i  get you one way or another. Hindi ako kagaya ng ibang babaeng pwde mong idispose kung kailan mo gusto." Parang sasabog ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya.

"Sarah please. Ayaw ko ng gulo. Itigil nalang natin 'to. Mayaman ka, maganda, edukada. Napakarami pang lalaki sa mundo."

"Kung ayaw mo ng gulo pakikisamahan mo ko ng maayos Marcos. Dahil sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Napahilamos ako sa mukha ko.

"Sarah—"

"I have to go Babe. See you tomorrow, okay?" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakatayo na pala siya sa tabi. She left after kissing me one more time.

Ano ba 'tong pinasok ko?

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now