Ito ang pinakaunang chapter na may POV ☺️
"Good morning my queen." This is the very first day i get to wake up with Eva by my side. I feel like i'm in heaven. God!
"Hey.." She gave me a quick kiss on my lips.
"Wake up sleepy head. I brought you breakfast." I happily showed her the food i prepared.
"Wow! Thank you sweetheart. You're so sweet." She smiled at me.
Magkasabay kaming kumain bago siya tumungo sa banyo para maligo. For sure magpeprepare na siya para pumunta sa resto. The memory of last night is still fresh in my mind. Halos gusto kong sugurin si Jack sa kulungan.
She was so afraid the whole night. Halos hindi siya nakatulog. 'Yong takot niya hanggang hindi pa nawawala. She even cried because she can't have a passionate kiss with me without having panic attacks. Sobrang winasak ng hayop na Jack na 'yon ang pagkatao ni Eva.
"Anong iniisip mo?" Hindi ko namalayang nakalabas na pala ng banyo si Evan ng hindi ko namamalayan.
"Ah—wala, sweetheart. I just can't believe na sinagot mo na ko." Palusot ko.
"Ikaw talaga. Wait, aren't you coming with me?" Tanong niya sakin ng makita niyang hindi pa ko nagsisimulang mag-ayos ng sarili ko..
"Hindi ba pwdeng ibilin mo nalang kay Angie 'yong mga resto? Magpahinga ka naman. Hindi naman malulugi ang negosyo mo kung hindi ka bibisita ng isang araw. Bukas may pasok ka na naman." Parang batang turan ko.
"Maraming darating na stocks ngayon. Kailangan nandoon ako. Sige, kung tinatamad ka ako nalang mag-isa pupunta." She replied.
"Tss! As if naman na papayag ako." Walang ganang sagot ko bago tumayo at tumungo ng banyo.
Sobrang sipag talaga ng taong 'yon. Ang laki naman na ng ipon niya sa bangko. Malaki din naman ang networth ko bilang engineer. Kung tutuusin hindi naman kami mahihirapan sa pera. Hayy..
-----
Francheska's POV
Matagal na nung last nakita ko si Papa. I miss him but i also hate him for what he did to my mom. He's a monster. He hurt my mom in ways a person should never experienced. Hindi naman ako nagsisisi na isa ako sa mga naging dahilan kung bakit nakakulong si Papa ngayon. Pero minsan hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang buhay namin if my father was not how he was. If he was a responsible man. Siguro masaya kaming magkakasama. Hindi ko siguro nararanasan 'yong mga awkward conversation everytime someone would ask me why i don't look like the man attending my school affairs whenever mom is not available.
Sobrang thankful ako kay Tito Marcos for being there for us in every step of the way. Hindi niya kami pinabayaan lalo na ang Mama ko. Sobrang saya ko nga nung malaman kong at last nagkaron din ng lakas loob si Mama to admit that she already have feelings for Tito Marcos. Sobrang bagay sila and i can see that Tito Marcos really loves my mom.
"Hey Francheska, it's my birthday today. My mom's having a party for me at our house. Wanna join?" That's Eliz. Siya ang pinakabully sa lahat ng estudyante dito sa school.
"Thanks for the invite Eliz kaya lang may mga homeworks pa kong kailangang tapusin eh." I politely declined.
"Good. Ininvite lang naman kita out of the goodness of my heart. Mabuti naman at hindi ka pumayag. Bye!" And that's the reason why i don't associate with them.
"Huwag mo na lang pansinin 'yang si Eliz. Ganyan na talaga 'yan eh." I heard Camille behind me.
"Wala naman akong balak na pansinin siya eh. " I answered.
"Pauwi ka na ba?" She asked me.
"Uh-huh." Sagot ko.
"Sabay na tayo." Nakangiti niyang yaya sa'kin.
"Sure." I answered the same way.
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan, i saw my mom leaning on our car waiting for me. Paang ang lalim ng iniisip niya at sa malayo siya nakatingin. Bakit na naman kaya?
------
Eva's POV
Buong araw akong wala sa sarili dahil sa kakaisip sa sitwasyon namin ni Marcos. I love him and i really want to show how much i love him pero hindi ko pa rin maiwasan magkaroon ng mga panic attacks kahit sa simpleng paghawak niya lang sa'kin. Hindi naman nakakabastos ang paghawak niya sa'kin but i kept getting flashback of what Jack did to me.
I think i need to seek for help. Professional help. Yes. I have to. Kung gusto kong maging maayos ang relasyon namin ni Marcos kailangan ko ng magpatingin sa psychiatrist. I have to cure myself. Marcos doesn't deserve this.
"Mama, okay lang po ba kayo?" Nagulat ako ng magsalita ang anak ko sa harap ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ni hindi ko na napansing dumating na pala siya.
"Yes, anak. I'm fine. Let's go?" Aya ko sa kaniya.
"Tara na po." She answered.
Habang nasa byahe kami ni Francheska napadaan kami sa correctional facility kung saan nakakulong si Jack. I saw her looked back and then sighed.
"Hija, what's the matter?" I asked her.
"Can we visit Papa? Gusto ko siyang makausap. Marami akong gustong itanong sa kaniya." Nagulat ako sa sinabi ni Francheska.
"Do you really want to? I mean, nothing's gonna change kahit na ano pa ang sabihin ng Papa mo. He will still be the monster that he is." I said frankly.
"I know Ma pero marami kasi akong hindi naiintindihan. Gusto kong marinig 'yong side niya. Maybe now that he's been in jail nagkaroon na siya ng pagkakataon na pag-isipan lahat ng ginawa niya. Maybe he could explain his self better." Gusto kong pagbigyan ang anak ko pero hindi ko pa kayang makita si Jack. Not now.
"Anak i'm sorry. Gusto man kitang pagbigyan hindi ko pa kaya. Sana maintindihan mo ko." I said sadly.
"Yeah, i'm sorry Ma. Hindi ko naisip kung anong mararamdamdan mo. Sorry po." Nakayuko niyang hingi ng tawad.
"You don't have to say sorry anak. Naiintindihan ko 'yong kagustuhan mong makausap ang Papa mo. Gusto ko kitang pagbigyan. Pero sobrang sariwa pa ng takot at galit na nararamdaman ko towards him." I explained further.
"Don't worry Ma. I understand you. Hindi mo kailangan magmadali na maging okay. What you went through because of Papa can cripple a weak heart but you conquered. I'm proud of you Ma."
Napangiti ako dahil sa salitang narinig ko mula sa aking anak. She's only twelve years old pero napakamature na pag-iisip niya. Sobrang swerte ko na nagkaroon ako ng anak na kagay niya. She's the main reason why i got the justice i deserved against her father.
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...