Chapter 34

126 3 0
                                    

Eva's Pov

Everything was confirmed nung sinamahan ko si Marcos sa scheduled chemo therapy nya last Monday. Nakausap ko ang doktor nya at doon ko nalaman na three months na palang alam ni Marcos ang tungkol sa sakit nya. Ako palang ang may alam ng tungkol dito. Hindi nya masabi ang katotohanan sa pamilya nya lalo sa Mommy nya. His mom will be devastated kapag nalaman nya ang katotohanan.

Marcos told me that when i left him pinilit nya na rin iwasan si Jessica. That he wanted to talk to me all along. Hindi nya lang alam kung paano ako haharapin. I felt sorry for him. Sinisisi nya ang sarili nya sa pagkawala ng anak ko. He loved Francheska more Jack has ever did.

"Kamusta si Marcos?" Diane asked me as soon as she entered our office. Nagdecide na kaming magkaroon ng bukod na opisina since dumadami na rin naman ang branches ng resto.

"He's doing good. Medyo nanghihina pa sya dahil sa chemo therapy pero ang sabi ng mga doktor maganda naman daw ang response ng katawan nya.

"Good. That's good. Ikaw? Kamusta ka naman?" Tanong nya sa'kin. I know Diane too well para hindi ko pa mahalatang may gusto syang puntuhin.

"Diane, what is it?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Why are you doing this best friend? Pity? Do you still love him? Are you even happy with what you're doing?" Sabi ko na eh.

"Diane, he's sick. I'm just doing what a decent ex would do." I tried to reason.

"No, Eva. You're trying to make him feel that you still love him just because he's dying and it's not right." Para akong sinampal sa sinabi ni Diane.

"I'm not Diane. Please stop." Mas pinili ko nalang na lumabas ng opisina kesa mas magtalo pa kaming dalawa.

I decided to take a walk to clear my mind. Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip. Dinala ako ng mga paa ko sa isang park. It's a sunny Sunday afternoon kaya maraming mga pamilya ang masayang nagsasalo-salo. They made me think of how our life could be if Jack had been a good husband and father. Siguro masaya rin kami kagaya ng mga pamilyang naririto ngayon. Buhay pa sana ang anak ko.

"Si Norman ba 'yon?" I saw a man walking alone. He's facing the other direction kaya likod lang nya ang nakikita ko pero para talaga syang si Norman. I decided to ran after him.

"Sorry?" Tinanggal ng lalaki ang earphones nya with a confused look on his face. " May kailangan ka ba Miss?" Tanong nya ulit.

"I'm sorry, i thought you were someone i know." Alanganin akong ngumiti.

Kamusta na kaya si Norman? Simula nang malaman kong may sakit si Marcos hindi ko na sya nagawang kamustahin man lang. Nakukunsensya tuloy ako. Parang bigla ko nalang syang binalewala pagkatapos ng lahat ng nagawa nya para sa akin. I took out my phone and decided to dial his number. Pero out of coverage area ang number nya.

"Anong nangyari? Bakit hindi ko sya matawagan? Nagpalit ba sya ng number?" Tanong ko sa sarili ko.

Since wala naman na akong gagawin sa opisina napagdesisyunan kong puntahan sya sa hospital na pinagtatrabahuhan nya. Sana naman hindi pa nagbabago ang shift nya. Gusto syang makausap. Wala na akong balita sa kanya. Ni hindi man lang sya tumatawag o nagtetext.

"Excuse me, Is Dr. Rosebush here?" Tanong ko sa information desk.

"Let me check po... Ah, Ma'am sigurado po ba kayong dito sya nagtatrabaho? Wala po kasi sya sa list ng active doctors nitong hospital. Wait, check ko po sya sa mga inactive. Ayon! Uhm.. Hindi na po sya dito nagtatrabaho Ma'am. Base po dito, nagpatransfer po sya sa province. Voluntary transfer po." Napakunot ng noo ko.

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo Miss?" Paninigurado ko.

"Opo Ma'am. Natransfer po sya on a month ago." Bagsak ang balikat na umalis ako ng hospital. He requested to be transferred the day after the event. Anong nangyari? Naisip ko nalang na umuwi sa bahay ni Marcos.

The house is so quiet dahil paniguradong nasa kwarto nya lang si Marcos at nagpapahinga. Wala rin syang katulong dahil pinaalis nya na lahat ng katulong nya nang malaman nyang may sakit sya. Mayroon namang cleaning service na nagpupunta dito sa bahay nya every Thursday at ang tagalaba naman ay nandito every Saturday.

"Hey.." I smiled at him when i entered his room.

"Hi! Ang aga mo ah." He tried to sit up straight kahit na nanghihina sya.

"Yeah.. Natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin sa opisina kaya umuwi na ako. How are you?" I asked him. He's looking at me like he's trying to read me.

"May problema ba?" Nagulat ako sa naging tanong nya.

"H-huh? W-wala naman. B-bakit?" Bakit parang pakiramdam ko nagsisinungaling ako sa kanya?

"You look sad." He said frankly.

"Oh, d-do i?" Malungkot ba ko? Bakit naman ako malulungkot?

"Yes, so tell me. What's wrong?" Tanong nya ulit.

"W-wala. Naalala ko lang si Francheska." I lied.

"Are you sure?" Bakit parang may alam sya na hindi ko alam. Naiilang tuloy ako.

"Yeah, of course." Umalis ako sa pagkakaupo sa kama nya at pumasok sa banyo para magbihis.

Paglabas ko naabutan ko syang may binabasa. Napalunok ako. That was the paper given to me by the desk officer sa hospital na dating pinagtatrabahuhan ni Norman. Why am i getting this feeling like i'm cheating on him?

"Nagpalit pala sya sa probinsya? Bakit?" Tanong nya ng hindi tumitingin sa akin.

"Hindi ko rin alam kung bakit eh." I tried to answer casually.

"Bakit mo sya hinahanap?" Natigilan ako sa paglalakad papunta sa drawer para sana kumuha ng suklay.

"W-wala naman. I-i.. uhm.. I have a friend who would like have a consultation with him so i tried to visit him at the hospital." Another lie.

"Bakit hindi mo nalang pinapunta 'yong kaibigan mo sa hospital? Bakit kailangang ikaw pa ang pumunta?" Geez! Oo nga naman.

"We haven't talked or awhile so i figured i could pay him a visit too." Ano ba?! bakit ba ko kinakabahan ng ganito?

"I see. Nagugutom ako. Do you wanna eat?" Pag-iiba nya ng usapana. This time nakangiti na sya.

"Sure, what do you want?' I asked him. Kailangan ko munang makalabas ng kwartong 'to. Parang nahihirapan akong huminga.

"Anything would do. Thanks." He smiled again.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. I almost clutched my chest ng maisara ko ang pinto. God! Why am i feeling like this? Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now