Chapter 37

137 3 0
                                    

Narrator's Pov

Masyadong nagkasayahan ang mga taga baryo kaya pare-parehas silang maraming nainom ng nagdaang gabi. Hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap si Eva at Norman ng gabing 'yon.

"Oh! Ate Eva, gising ka na pala. Halika po muna't magkape. Pampawala ng hang over." Natatawang bati kay Eva ng isang binatang hindi nya matandaan ang pangalan.

"Salamat." Simpleng sagot nalang nya.

"Ako po Leon. Alam kong hindi mo natatandaan ang pangalan ko." Natatawang pagpapakilala ng binata.

"Yeah, hahaha! I'm Eva." Nakipagkamay naman sya sa binata.

"Kailan po kayo magpapakasal ni Dr. Rosebush?" Halos masamid si Eva sa tanong ni Leon.

"Ha? B-bakit mo natanong 'yan?" Alam ni Eva na namumula na sya dahil sa pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

"Wala lang po. Halata naman po kasing mahal nyo ang isa't isa. Saka bagay na bagay po kayo." Parang wala lang sa binata anv mga bagay na sinasabi nya.

"Ano na namang sinasabi mo dyan Leon? Ikaw talagang bata ka. Hija, pagpasensyan mo na itong apo ko ha? Madaldal talaga 'yan eh." Singit ng bagong dating na matanda.

"Wala pong problema." Nahihiyang tugon ni Eva.

"Ako nga pala si Saleng. Pwde mo akong tawaging Lola Saleng." Pagpapakilala ng matanda.

"Kape po tayo." Pag-aaya ni Eva.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Puna ng matanda.

"Po? N-naku! H-hindi po." Pagsisinungaling ni Eva.

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling? Matanda na ako Eva. Malabo ng mapaglalangan pa ako." Makabuluhang sagot ng matanda. Napabuntong hininga tuloy si Eva.

"Paano nyo po ba malalaman kung mahal nyo ang isang tao?" Deretsahang tanong nya.

"Malayo pa ang pinanggalingan mo hindi ba? Pero naririto ka. Sa tingin mo bakit?" Balik na tanong ng matanda.

"H-hindi ko po alam Lola." Sagot ni Eva.

"Sarili mo lang ang pinagsisinungalingan mo. Alam mo sa sarili mo ang sagot sa mga tanong mo. Sa tingin ko, natatakot ka lang harapin ang katotohanan dahil natatakot ka sa pwdeng mangyari sa hinaharap." Napatitig si Eva sa matanda.

"Ilang ulit na po kasi akong nasaktan at nabigo. Nakakapagod po pala." Pag-amin ni Eva.

"Anak, lahat ng nararanasan natin sa ating buhay ay mga hakbang lamang na kailangan nating pagdaanan upang makarating sa itaas. Minsan nga lang sira 'yong isang baitang kaya kapag hindi tayo nag-ingat maaari tayong masaktan. Pero baitang lang naman ang sira. May hawakan pa. Makakatawid ka pa papunta sa susunod na baitang. Kailangan mk lang magpatuloy." Nakangiting pangaral ni Lola Saleng.

"Hindi ko naman po kasi alam kung anong nararamdaman nya para sa akin." Halos sa sarili nalang sinabi ni Eva ang mga salitang iyon.

"Itinanong mo man lang ba sa kanya?" Umiling si Eva.

"Natatakot po ako na baka hindi naman pareho ang nararamdaman namin." Malungkot nyang tugon.

"Kung uunahin mo ang takot hindi ka makakarating sa dapat patunguhan. Mananatili ka nalang kung nasaan ka ngayon. Takot humakbang dahil takot masaktan." Dagdag ni Lola Saleng.

Tila nalinawan naman ang isip ni Eva. Dahan-dahan syang napangiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nya dahil sa mga sinabi ni Lola Saleng.

-----

Naglalakad-lakad si Norman sa tabing dagat. Ginagawa nya ito kapag gusto nyang mag-isip. At dahil sa biglaang pagdating ni Eva napakarami nyang kailangang pag-isipan. Hindi nya inaasahang makikita pa nyang muli ang babaeng naging dahilan ng kanyang paglayo.

"Norman, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo sinasamahan 'yong bisita mo na maglibot dito sa baryo ng makapamasyal naman sya."

"Tata Daryo. Gusto ko lang pong magpahangin at mag-isip bago ko sya harapin."

"May isang buwan ka na rin dito hindi ba?" Tanong ni Tata Daryo.

"Opo, Tata." Sagot ni Norman.

"Hindi ka pa rin ba nakapag-isip ng mga panahong 'yon? Sa tingin mo ba pupunta si Eva dito kung wala syang nararamdaman para sa'yo?" Tanong ni Tata Daryo.

"May mahal po syang iba Tata Daryo. 'Yong lalaking una nyang minahal. Ayaw ko pong makagulo." Tugon ni Norman.

"Eh kung ihampas ko sa iyo itong tungkod ko?" Inis na tanong ng matanda.

"Haha! Bakit naman po?" Natatawang tanong naman ni Norman.

"Kung iba ang mahal ni Eva hindi sya magsasayang ng panahon na bumyahe ng napakalayo para lang hanapin ka. Katalino mo pa namang doktor pero pagka-aanga-anga ka pala." Lalong natawa si Norman sa sinabi ng matanda.

"Ayaw ko pong umasa, Tata. Baka po masaktan lang ako ulit." Naupo si Norman sa isang malaking bato.

"Eh ano kung masaktan? Tandaan mo, mas mabuti ng lumaban at natalo kaysa tumakas at magsisi bandang huli tungkol sa mga bagay na maaari mo sanang ginawa. Huwag matakot masaktan Norman. Mas masakit na malaman mo sa bandang huli na mayroon ka palang nagawa kung hindi ka lang natakot." Nakatingin sa malayo ang matanda habang pinapangaralan sya.

"Hindi ko po kasi alam Tata Doryo kung kakayanin pa po ba ng puso ko kapag nasaktan pa ako ulit." Malungkot na sagot ni Norman.

"Sabihin mo nga sa akin, ano bang nararamdaman mo kapag kasama mo sya?" Tanong ng matanda.

"Masaya po. Para akong nasa langit kapag kasama ko sya. Parang mas makulay ang buong paligid. Mas mahalimuyak ang mga halaman at mas sariwa ang hangin." Parang nananaginip na sagot ni Norman.

"Eh ano namang nararamdaman mo kapag wala sya?" Tanong ulit ng matanda.

"Malungkot po. Parang ang dilim lagi ng paligid at walang buhay. Parang ang hirap huminga. Pakiramdam ko kahit kailan hindi na ulit ako sasaya." Napatingin si Norman sa matanda.

"Ano pang hinihintay mo?" Nakangiting tanong ulit ni Tata Doryo.

Hindi na nagdalawang isip si Norman. Agad nyang hinanap si Eva. Nakita nya itong nasa bukana ng kwebang malapit sa dagat. Nakaupo lang ito doon na parang napakalayo ng iniisip. Agad nya itong nilapitan. Tila napansin naman nito ang pagdating nya.

"Norman..." Tawag ni Eva sa pangalan nya.

"Kanina pa kita hinahanap." Ani Norman.

"B-bakit? M-may kailangan k-ka ba?" Tila naiilang na tanong ni Eva.

"Mahal kita Eva. Mahal na mahal na kita matagal na." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Norman.

Napatitig si Eva kay Norman. Hindi nya maintindihan kung gusto bang lumundag palabas ng puso nya o sasabog ba ito sa sobrang saya. Hindi nya na namalayang tumulo na pala ang mga luha nya. She almost jumped into Norman's arms and without hesitation, kissed him passionately. Pareho silang habol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila.

"Mahal na mahal din kita Norman." Dahil sa labis na kaligayahan ay muling nagtagpo ang mga labi nila.

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now