Seven years after...
"Congratulations Eva! Welcome to the Operation's Management pool. You definitely deserve this."
"Thank you so much! For trusting in me and my abilities. I will never forget this."
"No Eva. Thank you, for joining this campaign. And don't thank us, you earned this. You worked your ass off to get to this."
There was as after party. Everybody is so happy with their new operation's manager. Eva managed to be on top despite the strong competition but still stayed as down to earth, friendly and simple.
Nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa kursong business management ay napagpasyahan niyang sa call center magtrabaho. Isa itong sumisibol na industriya na nagbibigay ng mataas na sagot.
Nagsimula siya bilang isang agent. Sumasagot ng mga tawag at nag-aassist ng mga banyagang customer. Hindi naging madali ang takbo ng career ni Eva. Nariyan ang politika sa production floor. Kung hindi ka kasundo ng mga boss mahihirapan kang umangat. Ang power tripping. Kapag nasa taas ang nakahidwaan mo kahit anong liit pa ng dahilan pwdeng manganib ang trabaho mo. Idagdag pa ang mga kapwa mo agent na bully o masyadong iniaangat ang sarili laban sa mga kasamahan sa trabaho.
Pero hindi siya nagpatinag sa mga bagay na ito. Ginamit niya ang ito na dahilan para lalo siyang magsumikap. Wala pang isang taon ay napromote na siya bilang subject matter specialist. Sa sumunod na taon isa na siyang Quality Analyst. After a year and a half she was promoted as a team manager.
She managed to be the number one team manager for the whole three and a half years. She handled every top performers and outlyers in the campaign. There's something about her management and leadership skills that empowers the people around her. Hindi nakaligtas na atensyon ng kompanya ang kakayahan niya kaya ngayon nga ay natanggap na niya ang kaniyang pang-apat na promotion. Isa na siyang operation's manager.
Malaki na rin ang pinagbago ng estado ng buhay niya. Kasabay ng pagtatrabaho niya sa bpo industry ay ginamit niya rin ang natirang perang galing sa iniwan ng kaniyang ina-inahan upang makapagpatayo ng maliit na negosyo. Pinalago niya ito hanggang sa magkaroon siya ng apat na branches.
Nakapagpundar na siya ng sariling sasakyan, nakabili ng sariling bahay at mayroon ng malaking ipon sa bangko. Hindi na siya kinakapos sa buhay. Nabibili na niya ang anumang gustuhin niya. Nagagawa na rin niyang mamasyal sa ibang bansa. Isa nalang ang kulang.
Sa loob ng pitong taon hindi pa rin niya nahanap ang lalaking para sa kaniya. Uso sa bpo industry ang mga laru-larong relasyon. Naging saksi siya sa mga maling pamamaraan ng pakikipagrelasyon ng kaniyang mga kasamahan. Hindi iyon ang klase ng relasyon na pinangarap niya.
Marami ng sinubukang ireto sa kaniya ang kaniyang mga kasamahan. Pero mas pinili niya ang huwag magmadali. Mas pinili niyang hintayin ang lalaking itinakda ng diyos para sa kaniya. Mas inatupag nalang muna niya ang pagpapaganda ng kaniyang buhay. Nang sa gayon ay may magandang buhay siyang maibibigay sa kaniyang pamilya.
"Boss! Congrats! Naks! OM ka na. Sana boss di ka magbago. Sana maging mabait ka pa rin kagaya ng dati."
"Oo naman, Ross. Huwag kang mag-alala. Ako pa rin 'to."
"Boss Eva, ayon! Sobrang busy mo makipagusap sa mga boss. Ang hirap mong hagilapin."
"Bakit ba kasi Kenneth?"
"Kasama ko si 'yong kaibigan ko, boss. Ipapakilala ko sana sa'yo."
"Ano ba naman 'yan Kenneth. Hindi ba kayl napapagod sa kakareto ng kung sino-sino sa'kin?"
"Boss, hindi 'to basta-basta kung sino lang. Sige na boss, pagbigyan mo na ko."
"Oo na, oo na. Ang kulit mo talaga ano?.
"Syempre, boss. Ako pa ba? Tara, boss. Nandito 'yong kaibigan ko."
"Nasaan na ba 'yang kaibigan mong 'yan?"
"Ayon siya boss oh."
Narinig niyo na ba 'yong teman huminto ang oras ng makita mo siya? Na parang walang ibang tao sa mundo kundi kayong dalawa lang? Yong pakiramdam na parang gustong lumundag ng puso mo palabas sa dibdib mo dahil sa sobrang kaba? 'Yong parang may mga imaginary hearts na lumilipad sa paligid mo dahil mo sa nakita mo siya?
Ganyang ganyan ang naramdaman ni Eva. She learned to be confident. To have her presence of mind always. To keep her composure under stress. Pero nang makaharap niya ang kaibigang sinasabi ng dati niyang ahente, para siyang tinakasanan ng kasalukuyan.
"Hi! I'm Jack, Jack Dizon."
Nagpabalik-balik ang tingin ni Eva sa kamay na nakalahad sa harap niya at napakaguwapong mukha ng lalaking nagmamay-ari nito. She's out of words, out of thoughts and out of breath.
"Ah—hahaha! Hi daw pre!" Natatawang iniabot ni Kenneth ang kamay ni Eva sa kaibigan niyang si Jack.
"Oh! Yeah, sorry. Haha! Gosh! Eva, Eva Vergara."
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...