Narrator's Pov
Ang sabi ng matatanda kung puro kabiguan ka ngayon, asahan mong may naghihintay sa'yong magandang bagay sa hinaharap. Na hindi daw laging luha at sakit ang mararanasan natin sa ating buhay. Ang kailangan lang daw nating gawin ay magtiwala sa diyos.
"Good morning best friend!"
"Ninang Diane!"
"Hi sweety! Naku! Ang guwapo-guwapo talaga nitong inaanak ko."
"Syempre mana sa Papa eh. Di ba anak?"
"Naku Norman, nag-umpisa ka na naman."
"Eh si Mama naman po ang kamukha ko Papa eh."
"Nagtalo na naman kayong mag-ama. Parehas kayong guwapo. Hi best friend!"
"May pasalubong ako sa inyo Eva. Nakita ko 'tong mga 'to habang namamasyal kami sa Madrid kaya. Kayo ang naalala ko kaya naisipan kong bilhin."
"Naku naman, Diane. Sana hindi ka na nag-abala."
Masasabi nating totoo ang kasabihang 'yon sa naging buhay ni Eva. Pagkatapos ng lahat ng hirap at pasakit na dinanas nya, sa wakas nakamit na nya ang tunay na kaligayahan. Nakatagpo na sya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Nagkaroon syang muli ng pagkakataong maging isang ina sa isang anak na napakabuti at mapagmahal. At nananatili silang matalik na magkaibigan ni Diane.
Sa walong taong pagsasama ni Norman at Eva ay hindi nagbago si Norman. Simula noong una at magpasa-hanggang ngayon ay nanatiling tapat, mapagmahal at maalagang asawa si Norman. Kahit pa ilang ulit na nagkaroon ng mga pagkakataong sinubok ang kanyang katapatan ay hindi nagpatalo si Norman sa tukso. Kahit saan man sya makarating ay palagi nyang bitbit ang pagmamahal para sa kanyang mag-ina.
"Best friend, parang hindi ka tumatanda ah. Ganyan ba talaga kapag everyday in love?"
"Loka ka talaga Diane."
"Bakit? Tingnan mo nga oh. Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon. Hiyang na hiyang ka kay Norman."
"Well, i admit. Masarap talaga mag-alaga si Norman. Sobrang saya pa kasi sa eight years ng pagsasama namin he never change. He's still the same Norman i loved and married eight years ago."
"I'm so happy for you Eva. Sa wakas, nahanap mo na 'yong true love na deserve mo."
"Maraming salamat Diane. Kung hindi dahil sa pang-aaway mo sa akin para lang puntahan ko si Norman baka hindi kami nagkatuluyan. Sobrang dami ko ring dapat ipagpasalamat sa'yo. For being a true friend. Sa suporta at sa lahat ng tulong mo. Sa pagiging matibay na sandalan ko all these yearss. Sobrang thank you talaga."
"Wala kang dapat ipagpasalamat. Para na kitang kapatid. At kahit anong mangyari walang magbabago dun. I will always be here for you. Mananatili akong tunay na kaibigan mo hanggang sa huli."
"Sobrang swerte ko talaga kasi nakatagpo ako ng isang kaibigang kagaya mo. Most people don't even get a chance for a decent friend."
"Maswerte rin naman ako at naging kaibigan kita, ano. Marami ka ring nagawa para sa akin."
Kung makikita lamang ni Francheska ang buhay ng kanyang ina, paniguradong magiging sobrang saya din nito. All Francheska ever wanted is for her mother to be happy. Ngayong nakamit na kanyang ina ang inaasam-asam na pagmamahal paniguradong nakangiti na si Francheska kung nasaan man ito ngayon.
-----
Death. When we hear this word, it's accompanied with loneliness, heartbreaks and regrets. Death is the final stage of life but sometimes it knocks on our doors so early it feels like its not our time yet.
Pero iba ang naging dulot ng kamatayan para kay Eva. Francheska's death brought her to the man she's destined to be with. Dahil sa pagkamatay ni Francheska nakilala nya si Norman. At dahil sa pagkamatay ni Marcos, Eva became completely free to marry him.
"Hi Marcos. Kamusta dyan sa langit? Magkasama ba kayo ni Francheska? Nagkikita man lang ba kayo? Namimiss ko na kayong dalawa. Alam ko na nasaktan kita at alam kong dinala mo ang sakit na 'yon hanggang kamatayan. Pero sana nahanap mo rin sa puso mo ang pagpapatawad para sa'kin. Kahit kailan Marcos hinding-hindi kita makakalimutan. Naging malaking parte ka ng buhay ko. Minahal mo kami ni Francheska jigit nung mga panahong kailangan namin ng masasandalan. Ikaw ang pumuno ng mga pagkukulang ng isang ama na matagal na panahon nyang pinanabikan. Patawarin mo ako kung hindi kita nasamahan nung mga panahong nahihirapan ka sa sakit mo. I know i should've been there for you. Hindi ka nawawala sa mga panalangin ko. Palaging kong ipinagdarasal na sana, kung nasaan ka man ngayon ay nakatagpo ka na ng kapayapaan. Na wala ka ng nararamdamang lungkot at sakit. Na hindi ka na nahihirapan. Isa ka sa pinakamabuting taong nakilala ko Marcos. Hinding-hindi kita makakalimutan. Lalong-lalo na ang ginawa mong pagsasakripisyo para makamit ko ang kaligayahang matagal ko ng hinahanap. Maraming-maraming salamat Marcos."
Marcos sacrifice his own happiness so Eva could find hers. He even attended Eva's wedding kahit pa hirap na hirap na syang kumilos dahil sa labis na panghihina dulot ng sakit nya. He watched Eva found her true happiness from afar.
Hindi dahil gusto nyang saktan ang sarili nya. Kung hindi dahil gusto nyang masigurong magiging masaya ngang talaga si Eva bago man lang sya mawala. Marcos cried in the corner of the church while Eva vowed herself to another man. Masakit pero walang pinagsisihan si Marcos. Nang pinili nyang tuluyang lumayo kay Eva nahanap nito ang lakas ng loob na habulin ang kanyang kaligayahan. Naging sapat na iyon para kay Marcos.
"Eva..."
"J-jack?"
Because of death another man's life change as well. Dahil sa pagkamatay ni Francheska nagising si Jack sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa nya sa kanyang pamilya. Natutunan nyang magbago at pagbayaran ang lahat ng kasalanang nagawa nya.
"Huwag ka sanang matakot sa akin Eva. Wala akong balak na saktan ka. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Gusto ko lang sanang magpasalamat kay Marcos sa pag-aalaga nya sa inyo noon. Lalong-lalo na sa anak natin. Alam kong hindi nya kayo pinabayaan. Alam ko ring nagpakatatay sya kay Francheska higit pa sa kung anumang katiting na bagay na nagawa ko."
"Hindi na ako natatakot sa'yo. Matagal na panahon ko ng pinalaya ang sarili ko sa takot na 'yon Jack. Dahil din kay Marcos kaya ko nagawa 'yon. Tinulungan nya akong makalaya sa lahat ng sakit na idinulot mo."
"Patawarin mo ko Eva. Patawarin mo ako sa lahat ng mga pagkukulang at kasalanan ko sa'yo, sa inyo ng anak natin. Nung nalaman kong pinapatay ni Sarah ang anak natin binalot ako ng matinding galit sa sarili ko. Para akong sinampal ng paulit-ulit ng katotohanan kung gaano ako naging masama sa inyo. Nung una naisip kong magpakamatay pero sabi ko sa sarili ko magiging napakadaling parusa nun kumpara sa mga naging kasalanan ko."
"Matagal na kitang napatawad Jack. Kailangan mo na ring patawarin ang sarili mo. Para sa anak natin. Kasi alam mo bang kahit anong nangyari noon nanatili ka sa puso nya. Hindi nya nakalimutang ikaw ang ama nya. Umasa sya na balang araw magbabago ka. Na mararamdaman nya rin ang pagmamahal ng tatay nya. Kaya nakakasigurado ako Jack, kung nasaan man sya ngayon nakangiti sya. Dahil sa wakas nangyari na 'yong matagal na nyang pinagdadasal."
"Palagi mong iingatan ang sarili mo Eva. Patay na si nga pala si Mama. Ako na ang nagpapatakbo ng mga negosyong naiwan nya. Kakalaya ko lang noong isang buwan. Alam mo bang may nakilala ako? Simpleng babae lang sya. Isa syang nurse sa hospital kung saan naconfine si Mama. Dalawang beses na rin kaming lumalabas. Sa tingin ko nga gusto ko na sya."
"Masaya ako para sa'yo kung ganoon. You deserve to be happy too, Jack. Kung mabuti syang babae, huwag na huwag mo na syang papakawalan. Mahalin at alagaan mo sya. Never forget to make her feel how special she is for you."
"Oo Eva, pangako 'yan. Hinding-hindi ko na uulitin sa kahit sino mang babae ang mga pagkakamaling nagawa ko noon. Maraming salamat sa pagpapatawad Eva. Hiling ko na sana palagi kang maging malusog at masaya. Mag-iingat ka palagi."
"Ikaw rin Jack. Sana palagi kang maging masaya. Patawarin mo na ang sarili mo para magawa mo ng magmahal ng totoo. Mag-iingat ka rin palagi."
Death may be sad and painful but its not always bad. Sometimes death means the end of the worst and the beginning of something good. Because as we bury everything from the past, we make room for what's to come in the future.
YOU ARE READING
Behind Closed Doors
General FictionAll Eva wanted was a family. She grew up in an orphanage not knowing where she really came from. So when she had the chance to have her greatest dreams, she grabbed it without second thought. But her dreams turned into nightmare. How can she escape...