PROLOGUE

10.2K 177 0
                                    

"Anna! Bilisan mo na at baka mahuli ka na klase!" Malakas na sigaw ng kanyang Tiya Rosita. Binibihisan din nito ang anak na si Henry. Nasa highschool siya at ito naman ay nasa elementary pa lamang.
Nagmamadali din ito dahil tinawagan din ito ni Donya Agatha para sa mga labahin.

"Nandito na po Tiyang!" Tugon niya habang sinusuklay ang kanyang buhok. Malapit lang ang kanyang eskwelahan sa naturang paaralan. Iisang paaralan lang sila pumapasok ni Henry. Pribado iyon at kapwa sila scholar ni Donya Agatha. Ang bait ng Donya. Ni minsan hindi siya makapaniwalang may taong kasing bait nito. Ito na ang sumagot sa lahat ng gastusin nila sa paaralan.
Hindi niya tuloy maisip kung bakit naging apo nito si Connel Herrera. Isang bully sa kanilang paaralan at lagi na lang napapatawag ang Donya nang principal dahil sa kasutilan ng apo nito. Mas nauna ito sa kanya ng isang taon. Ito ay magtatapos na samantalang siya,isang taon pa siyang mananatili roon.

Katulad ngayon, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng mayabong na puno at sinasagutan ang kanyang takdang aralin nang lumapit ito.

"Hoy Anna! Ano yan?"
Dahil alam na niya ang ugali nito, nagkunwari siyang walang narinig. Pinagpatuloy niya ang ginagawa at nanatiling nakatuon ang tingin sa papel.

"Ayaw mong sumagot ha?"
Hindi niya napaghandaan ang paglapit nito at kinuha ang kanyang bag na nasa tabi lang niya inilagay kanina.

"Hoy Connel! Ibalik mo yan! Isusumbong kita kay Donya Agatha!"

"E di magsumbong ka! Hmm, anong laman nitong amoy basura mong bag?"

Mas lalo tumindi ang nais niyang makuha ang kanyang gamit dahil inumpisahan na nitong buksan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang ang hugutin nito ay ang nakataling kwaderno.

"Connel huwag yan!" Sigaw niya sabay takbo palapit dito.

"Ano to? Diary?"

Nilukob siya ng takot nang umpisahan nitong tanggalin ang tali. Sa inay niya iyon. Sobra ang pagpapahalaga niya sa bagay na iyon dahil iyon lamang ang tanging alaala na meron siya dito bago ito pumanaw. Sabay itong namatay at ang kanyang ama sa aksidente para maghatid ng gulay sa siyudad.

"Huwag yan please?" Namamasa na ang matang pakiusap niya. Ngunit ang pilyong binatilyo ay itinakbo ang naturang bagay pagkatapos nitong ihagis ang kanyang bag. Wala sa loob na napaiyak na lang siya. Ano bang kasalanan niya dito? Bakit ito ganoon?

Isang hapon inabangan niya ito sa gate ng mansyon. Kailangan niya iyong makuha. Ilang minuto pa namataan na niya ang sasakyang sumusundo dito. Nang tumigil iyon sa gate ay bumaba si Connel na malapad ang ngisi sa mga labi.

"Manong Gregg,mauna na kayo sa loob",utos nito sa driver. Agad namang sumunod ang matanda. Nang makaalis ang sasakyan ay hinarap niya ito.

"Ibalik mo ang diary ni Nanay!" Gagad niya.

"At pag hindi ko ginawa?"

Tuluyan na siyang napahikbi. "Ano bang kasalanan ko sayo? Inaano ba kita? Nasaan na?"

"Itinapon ko na. May reklamo ka?"

Ang pagtitimping pagsalitaan ito ng masama ay tuluyan ng sumabog.

"Kaya ka siguro iniwan ng mga magulang mo kasi ang sama ng ugali mo!"

Napalitan ng pag aapoy ang tingin nito sukat sa kanyang sinabi.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Babawiin ko lang kung ibabalik mo ang gamit ko!" Sigaw na niya. "Hindi mo kasi mahal ang nanay mo kaya ka ganyan! Paano ka ba naging apo ni Donya Agatha? Ang sama ng ugali mo!"

Nabigla siya ng dambahin siya nito. Dahil likas siyang lampa at maliit pa ang katawan ay natumba sila pareho. Napangiwi siya dahil sa masamang pagbagsak ng kanyang likod sa magaspang na lupa.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Ang tapang mong pagsalitaan ako ng masama tapos iyakin ka naman pala!"

"Bitawan mo ako!" Naiiyak na wika niya.

"Magsorry ka!" Utos nito. Kulang na lang baliin nito ang kanyang kamay dahil sa higpit ng hawak nito habang nakapatong sa kanya.

"Hindi! Hindi ako magsosorry sayo. Ikaw ang may kasalanan kaya ikaw ang magsorry!"

Mas lalo ng humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. Wala na siyang nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak.

"Ang sama mo! Walang magmamahal sayo kailanman! Darating ang araw iiwan ka rin ni Donya Agatha dahil sa gaspang ng ugali----hmmm!"

_____
Kinabukasan ginambala sila ng masamang balita galing sa isang tauhan ng Donya. Nasunog raw ang mansyon  at kasamang natupok ng apoy ang lahat ng ari-arian ng mga ito. Nakadama siya ng konsensya sa mga binitawan niyang salita kahapon kay Connel. Ngunit agad din niyang binawi nang sumagi sa isip niya ang kapangahasan nito kahapon.

.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon