CHAPTER 2

6.2K 172 10
                                    

Ang balak na mag almusal sana ay hindi na niya naituloy dahil nandoon na si Connel sa hapag at nauna nang kumakain. Ibinaling niya ang hakbang palabas ng mansyon nang tawagin siya ng katulong.

"Hija, hindi ka ba mag aalmusal?" Malakas na tanong nito. Napalingon na lang siya gawi nito at huling-huli niya ang pagtaas ng kilay ni Connel dahil sa pagtrato sa kanya ng matanda.

"Ahm hindi na po. Sa plantasyon na lang po ako mag aagahan. Aalis na po ako", paalam niya agad.

"Ah hija, saglit",pigil nito nang tatalikod na sana siya. "Hindi mo ba ipapasyal si Senyorito sa planta?"

Hindi agad siya nakahuma. Kung malalaman lang nito ang sadya ng binata doon ay hindi ito magiging ganoon ka giliw kay Connel.

"Baka ho ayaw niya",nagawa niyang tugon. Hiniling niya na sana ay hindi sumang ayon ang binata sa nais ng matanda.

"Who says? It is really a great pleasure that a manager will tour me around."

It's a danger!

Wala na siyang magawa dahil ayaw niyang makaisip ang matanda na hindi sila magkasundo ng lalaki. Nagawa na rin niyang sabayan ito sa pagkain dahil na rin sa suhestyon ng matanda. Sinikap niyang itago ang inis sa kaharap. Kahit ang mga paraan nang pananalita nito ay pinalampas niya. Ang mahalaga sa kanya, kung ano ang napag usapan nila ng yumaong Donya, yon ang susundin niya. Kahit sa bagay man lang na iyon ay maibalik niya ang kabutihan nito sa kanya.

"I will use my car", matigas na sambit ng lalaki nang makita siyang sumampa siya kay Zorro, ang kanyang kabayo. Taas kilay na niyuko niya ito.

"Walang madadaanan ang sasakyan doon Senyorito",halos labas sa ilong ang pagtawag niya sa pangalan nito dahil may iilang trabahador na nakatingin sa kanila. "Kung takot ka sa kabayo pwede ka namang maglakad."

"I'm not scared!" Galit na wika nito.

"Okay",sagot niya sabay kibit balikat. Gusto nitong maging tour guide siya? Di pagbibigyan niya.

Nakita niya itong lumapit sa isang tauhan na naroon. Saka ito ngumising bumaling sa kanya. Sumama ito sa isang tauhan at maya-maya pa ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan nito. Nang bigla itong bumusina.

Nagulat ang kabayong sinasakyan niya kaya bigla nitong itinaas ang kalahati nang katawan na ikinatili niya. Mabuti na lang at maagap ang pagkapit niya ng mahigpit sa renda. Hindi pa ito nakontento at tumakbo ng mabilis at tinangay na siya palayo patungo sa kasukalan ng kapehan. Nilamon na ng hangin ang malakas na sigaw nang mga kalalakihang naroon.

Kung hindi lang siguro siya sanay na sumakay ng kabayo ay marahil kanina pa siya tumilapon. Hihintayin na lang niya kung kailan kakalma si Zorro. Gusto niya ring pasalamatan ito dahil sa ginawa nito ay hindi na niya makakasama pa ang binata. Hindi niya masikmurang makasama ito buong araw.
Taas baba ang kanyang dibdib nang tumigil ito.  Nanghihinang nagpatihulog na lang siya at pabagsak na tumihaya sa damuhan.  Being near to Connel always bring a misfortune to her life. Mula noon, hanggang ngayon.

_____

"Where the f*ck have you been?"

Napasapo siya sa dibdib dahil sa gulat. Hindi na siya nag abala pang buksan ang ilaw dahil nasisinagan naman ng konting liwanag mula sa taas.
Mula sa sala ay naaninag niya ang anino ni Connel.

"Alam mo ba kung paano ka hinanap ng mga tauhan ng planta buong araw?"

Huminga siya ng malalim.

"Hindi ko kasalanan kung nailigaw ako ng kabayo", malamig niyang tugon. Saka nagpatuloy sa paghakbang.

"You should at least get back with the horse Anna! But instead, sinadya mong pauwiin mag isa ang kabayo mo and let the people dead worried about you!"

"Including you?" Taas kilay na tanong niya.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon