CHAPTER 21

5.3K 176 25
                                    

Hindi mapalagay si Anna. Anong oras na at wala pa rin si Connel at si Atticus. Pagkagaling nila sa sementeryo para bisitahin ang puntod ng kanyang mga magulang ay ay dumeretso sila sa planta. Nauna lang siyang umuwi dahil sa pananakit ng puson sanhi ng buwanang galaw.

So far, hindi naman siya nahirapang mag-adjust sa gusto nito. Alam niyang hindi siya nagkukunwaring masaya sa harap ng anak. Maliban lang sa binanggit na kasal ng ama nito na ipinagpasalamat niyang hindi na naulit. Marahil nabigla lang ito. Naniniwala pa rin siyang hindi ang katulad ni Connel ang gusto ng commitment.

Kahit na ang libreng oras nito ay inilalaan lang sa kanilang anak. Naiinggit siya sa totoo lang. Dahil may mga araw na hindi agad nakakauwi ang lalaki ay ito lang ang bukambibig ni Atticus.

Malalim siyang bumuntung-hininga at sumilip ulit sa bintana. Sobrang tahimik ang bahay na iyon kapag wala si Atticus. Nakakabingi at hindi niya gugustuhin na mapag-isa ng matagal roon. Gusto ni Connel na may katulong sila doon ngunit nagpumilit siyang huwag na. Kung may katulong pa sa bahay na iyon ay baka mas mababaliw na siya na walang ginagawa. Hindi siya sanay. Ang nabanggit naman ni Connel na kakailanganin nito ng bagong manager ay hindi na natuloy na mas lalo niyang ikinabagot sa bahay.

Maya't-maya ang tingin niya sa oras. Malapit nang mag-alas nuebe ng gabi. Kung sana ay hindi na lang dinala ni Connel si Atticus ay hindi siya mababahala ng ganito.

Nakarinig siya ng pagtigil ng paghinto ng sasakyan sa labas. Awtomatikong napatayo siya sa kinauupuan at walang pagdadalawang isip na binuksan ang pinto. Mabilis ang mga hakbang na lumabas siya at sinalubong ang mag ama.

"Why you're still awake?" Tanong agad ni Connel.

Inis niya itong siniringan. "Sa tingin mo makakatulog ako sa pag-aalala dahil sa kakahintay sa inyo?"

"You're worried?"

"Kay Atticus", mabilis niyang sagot. Inakay na niya ang anak papasok. Wala itong imik at mukhang inaantok na ito.

"Anak, kumain ka muna", aniya sa anak nang makapasok sila sa loob.

"Mama, kumain na po ako. Tita Lolita put a lot of food in my plate."

"Tita Lolita?" Anong ginawa ni Connel doon at dinala pa ang kanyang anak?

"I'm really sleepy Mama..." Sabay hikab nito. Wala na siyang nagawa at binihisan ito nang pantulog.

Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon.

"Have you eaten?" Tanong ni Connel.

"Hindi ako gutom", malamig niyang tugon. Hindi pa rin mawala ang inis niya dito dahil dinala nito si Atticus kung saan-saan nang hindi niya alam.

"Are you mad?"

Umingos lang siya. Talagang naiinis siya dito. Ayaw niya itong kausapin. Bumitiw ito nang mahinang buntung-hininga saka lumabas.
Nagbilang lang siya ng ilang minuto bago naisipang bumaba para maghapunan. Kumakalam ang kanyang sikmura kanina pa. Ngunit hindi niya magawang kumain dahil nag-aalala siya kanina ng sobra.

Natigilan siya ng maabutan niya si Connel sa kusina na may sinasalang.

"I'm re-heating your food", anito nang malingunan siya. Nanatili siyang walang imik, ayaw niya talaga itong kausapin.

"Look, I'm really sorry okay? It was unexpected invitation. Hindi na kita natawagan dahil dead-bat na ang cellphone ko dahil sa kakalaro ng anak natin."

Inihanda nito ang kanyang plato at nilagay ang pagkain. Tahimik pa rin siyang umupo at kinain na rin ang isinilbi nitong pagkain na siya rin ang nagluto. Ikinuha siya nito ng maiinom at naupo sa kanyang harap.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon