Connel can't take off his eyes from the woman in front of delivery room. God knowʼs kung gaano niya ito kagustong lapitan. Namamawis ang kanyang kamay dahil sa kaba. Tuwing napapangiwi ito sa sakit ay napapangiwi na din siya. Nanatili siya sa sulok. May suot na cap at naka face mask pa. Kailangan niya iyon so, she wouldn't recognize him.
Napalunok siya ng papasukin na ito sa delivery room. Mabilis ang hakbang na lumapit siya kay Zyra."Do you think she'll gonna be fine?" Puno ng kabang tanong niya kay Zyra. Ito ang nagsilbing mata niya sa lahat ng galaw ni Anna.
"Kinakabahan din ako kuya 'e, ilang oras na kasi siyang nagle-labor."
Alam niya iyon. Dahil simula pa sa apartment ng mga ito ay nakasunod na siya hanggang hospital. Sinadya niyang ipadala si Zyra para mag apply ng katulong para kay Anna. Alam niyang nagtatago ito, hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa pamilya nito. Hindi lang man siya nahirapang hanapin ang babae. Madali niya itong natunton dahil sa clinic na pinupuntahan nito. He even bribe her Ob-gyne. Kaya lahat ng check-ups nito ay updated siya. Sa unang ultrasound ng pinagbubuntis nito ay meron siya. Ang unang heartbeat ng anak nila.
Hindi siya nagsasawang paulit-ulit iyong pakinggan at napapaiyak sa tuwing sumasagi sa isip niyang hindi man lang niya ito mahaplos kahit ang tiyan lamang ni Annaleigh para maipadama dito ang kanyang pagmamahal.Kung meron mang pinakaduwag sa mundo, siya iyon. Ang lakas ng loob niyang magbitaw ng masasakit na salita ngunit hindi niya kayang panindigan.
______
Hanggang sa pagsilang ng anak nila sa mundo ay tanging record lang sa cellphone ng iyak nito ang kanyang naririnig. Kung nahahawakan man niya ito, panakaw lang. Kapag himbing ang tulog ni Anna. Ngunit walang kasingsaya ang kanyang nadarama tuwing naamoy at nahahalikan niya ito.
Ganun ang naging routine niya. Daig pa ang magnanakaw. Pumupuslit sa apartment ng mga ito kapag wala si Anna.
Unang bakuna nang anak niya ay gusto niyang lapitan si Anna at dito iturok ang injection na tinurok kay Atticus. Gigil na gigil siya lalo pa at nagkasinat ang bata. Kinumpronta niya ang Pediatrician ni Atticus. Na tinawanan lamang siya. Ilang pagtitimpi ang tinitiis niya tuwing araw ng bakuna ng sanggol.
Nang mag-umpisa na itong pumasok sa nursery school, laking tuwa niya dahil mas madalas at malaya na niya itong makakausap. Hindi niya kailanman sinabi ang kanyang pangalan dito. Lagi na lang niyang sinsabi na best friend sila.
Saksi ang lahat ng kaibigan niya sa lahat nang kanyang galaw. Sila din ang tumulong sa kanya para magkaroon siya ng access sa hospital kung saan nanganak noon si Annaleigh. Pati sa school ng kanilang anak ay ginamit din niya ang kanyang koneksyon para mananatiling patago ang lagi niyang pakikipagkita sa anak. Si Zyra, naaawa na siya dito dahil nakokonsensya na ito sa pagsisinungaling sa amo.
Hanggang sa umabot sa puntong tinusok ang ilong ng anak niya. Hindi iyon sinabi ni Zyra sa kanya sa kadahilanang alam nitong kahit anong mangyari ay pupuntahan niya si Atticus. But Atticus's teacher called him right away. Hindi siya nagdalawang-isip noon kahit na kakarating lang niya mula sa abroad dahil sa business trip. Hindi niya alintana ang pagod sa biyahe at hindi sumagi sa isip niya na maaaring nandoon si Annaleigh. Dahil sa kanyang matinding pag-alala. Hindi siya handang harapin ito. Hindi niya alam kung magiging handa ba talaga siya.
Ngunit dinala siya ng tadhana sa ganoong sitwasyon. Saglit muna niyang pinagmasdan ang kanyang mag-ina mula sa labas ng clinic. Ngunit nang makita niya ang duguang ilong ni Atticus ay hindi na siya nakapagpigil at tuluyan ng pumasok para magpakita dito.
Kitang-kita niya ang saglit na pamumutla ni Annaleigh nang makita siya. Na napalitan agad ng poot at pagkamuhi. Oo, makapal ang mukha niya tulad ng sinasabi nito. Matagal na niyang alam iyon. Alam niyang ang dating niya ay isang mapaglinlang dahil sa pakikipaglapit sa anak nila na lingid sa kaalaman nito. Ngunit wala siyang intensyong ganoon. Hindi lang niya alam kung saan at paano mag-uumpisa.
Mali man ang kanyang paraan, ngunit alam niyang malaki ang advantage para sa kanya. He's hitting two birds in one stone. Makukuha niya ang loob ni Atticus, wala nang choice si Anna kundi tanggapin siya. Dahil alam niyang hindi nito kayang saktan ang damdamin ng bata.
Masakit man sa umpisa ang mga salitang binitawan nito... All he can say is, it's worth it. Worth it lahat ng paghihirap ng kalooban niya sa mahabang panahon. Because, here he is now... Karga si Cielo, ang kanilang pangalawang anak, habang pinapanood si Anna at Atticus habang gumagawa ng homework. Nasa grade two na ito at laging nangunguna sa klase maliban sa isang subject na kinaiinisan nito.
Napailing na lang siya nang mapansin ang nguso ni Atticus ngunit hindi ito makakapagreklamo sa ina dahil alam nitong kapag ganoong sitwasyon ay wala itong kawala.
Sumulyap ito sa gawi niya at nagpapasaklolo. Kapag ganoon ang galawan ng anak, filipino na ang subject na pinag aaralan nito. Atticus hated that subject. Laging iyon ang pinagtatalunan nito at ng ina. Kaya halos ilang oras na itong nakaupo doon at hindi makaalis-alis. Nasa anyo nito ang tinatamad na ngunit hindi makapagreklamo.
Patay malisya siyang nag-iwas ng tingin at lihim na napapatawa. Naghihintay itong isalba niya ito ngunit pati siya ay wala ding magagawa. Kapag nakialam siya kay Annaleigh, mas lalong madadagdagan ang oras nang pagkakaupo doon ni Atticus.
Binalik niya ang tingin dito at pasimpleng sumenyas na makinig ito sa ina. Na siyang nahuli ni Annaleigh. Pinanlakihan siya nito ng mata at sinenyasang umalis.Mas lalong tumulis ang nguso ni Atticus dahil doon. Inis na itong kumamot ng ulo ngunit wala talaga itong takas.
"Can I kiss Cielo?"
Seryosong tumingin dito si Annaleigh. Alam na nitong kanina pa nababagot si Atticus sa ginagawa kaya naghahanap ito ng palusot para kahit papano ay matakasan ang homework nito.
Lumayo siya doon karga ang kanilang munting prinsesa.Kapag kasi ganoon na ang galawan ni Atticus, siya na naman ang ang aawayin ng ina nito. Kesyo daw kinukunsinti niya ang anak samantalang wala naman siyang ginagawa.
"Papa..", napalingon siya kay Atticus na noo'y nakasunod agad sa kanila. Nahuli niya ang ngisi nito. Ngising tagumpay. Saglit na hinalikan nito ang kapatid at mabilis ang galaw na tatakbo sana palabas ngunit agad nitong nahuli ng ina.
"Mama, I just want to play with my pony!" Kamot-kamot ang ulo nitong reklamo sa ina.
"'Wag moʼko takasan Atticus 'ha. Kapag nag umpisa na tayo sa Filipino naghahanap ka talaga ng palusot para lang takasan ako."
"Love...", saway niya.
"Hush!" Saway nito sa kanya. Natahimik naman siya. "Kapag hindi mo tinapos ang assignment mo, papaglabahin ko ang Papa mo. So, mawawalan siya ng time makipaglaro sayo."
"Mama, that's unfair!"
"Love, bakit ako damay?" Reklamo niya. Iningusan lang siya nito at bumalik sa loob. Laglag ang mga balikat ni Atticus na sumunod sa ina.
"Ang daya..." maktol nito.
Napapailing na lang siya at walang nagawa kundi halik-halikan na lang si Cielo. Ang kaaway niya noon, ay kaaway na rin nila ng anak niya ngayon. Ang kasalanan ni Atticus ay kasalanan din niya. Ang kasalanan niya, solo niya. Ngunit hindi siya makapagreklamo dahil masaya siya.
Alam na alam ni Anna kung ano ang kahinaan ni Atticus. Alam nitong ayaw ni Atticus na napapagalitan siya o napaparusahan. Kaya laging siya ang ginagamit nitong panakot sa anak.
"Your mother is really a clever queen", kausap niya sa kargang sanggol.
Bagamat hindi perpekto ang relasyon nila ni Anna, masasabi pa rin niyang masaya siya at kontento. May araw na nauubusan na din siya nang pasensya ngunit nangingibabaw ang pagmamahal niya dito at sa kanilang mga anak. Kung may pagkukulang man ito 'o pagkakamali, sigurado siyang siya man ay meron din. Ang mahalaga, hindi sila bumibitaw sa isa't - isa.
~~wakas~~
BINABASA MO ANG
When The Heartless Falls In Love
General FictionWARNING||MATURE CONTENT CONNEL AND ANNALEIGH