CHAPTER 12

5.2K 146 7
                                    


"Madalas ka ba dito?"

Tumango siya. Napansin niyang kanina pa nito iniikot ang paningin sa paligid.

"Is it strong enough to accommodate two person?"

Napataas ang kanyang dalawang kilay. "Kanina pa sana tayo nalaglag kung hindi ito matibay."

Hindi niya napaghandaan ang biglang pagsilay nang ngiti nito. Kanina lang ay nakasimangot. Nakapagtatakang bigla itong ngingiti.

"Come here..."

"Huh? Bakit?"

"Basta lumapit ka dito."

Umusog naman siya palapit dito. Nang makalapit ay pinaikot siya nito patalikod at pumwesto paupo sa kanyang likuran sabay paikot nang mga  braso nito sa kanyang beywang.

"Lyca is an old friend, Anna", bigla salita nito na ikinatigil niya.  Hinapit pa siya nito palapit at bahagyang hinawi ang kanyang buhok para idikit ang mukha nito sa kanyang leeg.

"Connel...." Saway niya. Sa ginawa kasi nito ay bigla siyang nakaramdam nang mas lalong pagka-alinsangan.

"You smell so good."

Napairap siya. "Yan na ba ang bagong depinisyon ngayon nang amoy pawis?"

"You don't have to be jealous, you know",malambing nitong wika. Kating kati ang dila niyang itanong kung sila, ano ba sila? Ano bang papel niya sa buhay nito? Hanggang kailan sila aalipinin nang pagnanasa tuwing magdidikit ang kanilang katawan. Lust. Just lust. Tanging iyon lamang ang magandang nag-uugnay sa kanila ng binata. Dahil kung wala iyon, malamang nag aaway pa rin sila ngayon.  Nag-uumpisa na siyang matakot para sa sarili sa totoo lang. Paano pala kung isa lang siya sa mga babaeng parausan lamang nito? Ano ang gagawin niya? Ang tanong, gusto niya pa rin ba ito? 'O nawala nga ba ang paghangang iniukol niya rito noon? 'O marahil natulog lang nang mahabang panahon at ngayon ay nagising?

"'Ahm, ang mga kaibigan mo pala?" Nagawa niyang itanong kahit  unti-unti na siyang naaapektuhan sa pagdikit nang kanilang katawan.

"They went home", sagot nito. Ipinasok nito ang kamay sa kanyang blusa. "You're hot..."

Bahagya niya lang itong siniko.  Napapahiya sa reaksyon ng kanyang katawan.

"Tell me, Anna. Matibay ba ang pagkakagawa nitong treehouse mo?"

Napalunok siya. Iba na ang ipinapahiwatig nito.

"Hindi naman siguro babagsak kung hindi tayo masyadong gagalaw", paanas na sagot niya.

"You want me, do you?" Anas nito sa kanyang tenga. Hindi niya alam kung paano itanggi ang panginginig ng kanyang kalamnan. Ipinagkanulo siya nang kanyang sariling katawan.

"Tell me Anna, do you want me?"

Napatingala siya nang umikot ang hinlalaki nito sa kanyang pusod. Nakagat niya ang pang ibabang labi. He's obviously teasing her dahil bigla itong tumigil.

Nilingon niya ito. "Why did you stop?" Mahinang tanong niya.

"'Sshh",anito habang nakalagay ang hintuturo sa bibig. Natigilan siya. May papalapit nga na ingay. Isa marahil sa mga nagtatrabaho sa planta.

"Tingin mo pare? Kaya siguro binasted ni Anna ang anak ni Governor dahil mas maging tiba-tiba siya kay Senyorito Connel. Biruin mo naman kasi ang magiging mana si Senyorito pagkatapos may mga kompanya pa sa Maynila."

"Tama ka diyan, pare. Parang ganon na nga. Biruin mo, 'ni wala man lang naging boyfriend 'yun. Sa dami nang manliligaw sa bayan ay wala talagang nagustuhan. Siguro pangarap na makasungkit ng bilyonaryo."

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon