Abala ang lahat. Hindi magkandaugaga ang mga organizers. Siya naman ay tanging panonood lamang ang kanyang magagawa dahil tuwing susubukan niyang tumulong ay tinataboy siya ng mga ito.
They are preparing for a big party tonight. Dinig niya ay double purpose ang party na iyon. A Thanksgiving at pagpopropose ni Mr Maynard Herrera sa dating asawa nito. Kasama si Connel sa nagplano sa pasorpresa ng ama nito sa ina. She just smile at the thought. Hindi naman lahat ng naghihiwalay ay nakahanap na agad ng bago. Mayroon pa rin palang nagkakabalikan sa kabila ng pagkakaedad.
Dahil wala naman siyang magawa. Nagmukha lang siyang estatwa sa bakuran ng mga Herrera. Pinili na lang niyang umakyat sa silid ni Connel. Doon na siya natutulog simula nang naging silang dalawa lang ang nasa bahay.
Malakas siyang bumuntung-hininga. Namimiss niya ang anak sa totoo lang. Pero sabi ni Connel, mamayang gabi magkikita din naman daw sila ni Atticus .
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Isang bagay ang napapansin niya sa sarili. She's glowing up. Ang mukha sa salamin ay hindi siya nang nakaraang taong may namamahay na galit sa kanyang puso. Ang babae ngayon sa harap niya ay ang larawan ng isang kontento at masaya.
Tinungo niya ang kama at ang malaking box na parihaba. Idiniliver iyon kaninang umaga. Hindi pa niya binubuksan ngunit alam na niyang damit iyon. Para sa susuutin niya mamayang gabi. Maingat niyang binuksan iyon. Wala sa loob na nahaplos niya ang tela ng silver silk dress. Inangat niya iyon para lamang mamangha. It's beautiful! Sigurado siyang hindi birong halaga iyon.
Ang huling suot niya sa ganoong bestida ay noong acquaintance party nila noong college.
______Hindi niya alam kung sino-sino ang mga dadalo. Buong araw niyang hindi nakita ang kasintahan. Abala ito kaya hindi na niya naisip na tawagan o hanapin man lang. Napatingin siya sa oras. Mag-aalas sais na pala ng gabi.
Pasimple siyang sumilip sa baba. May iilan ng mga tao. Dapat nasa baba na siya. Ngunit paano ba siya bababa kung ni pag-ayos at paglagay ng kanyang kanyang make up ay hindi niya alam? Nakaroba pa rin siya. Alas singko pa lang kanina ay naligo na siya. Saka niya napagtanto na wala pala siyang kaalam-alam sa pag-aayos. Kung katulad lang din ng kanyang pag-aayos na simple lang tulad noong reunion nila, nahihiya siya dahil hindi naman simpleng bagay lang ang dadausing okasyon ngayong gabi. Marami ang kilalang tao na sigurado siyang pupunta doon.
Napapitlag siya ng may kumatok sa silid. Nagtaka siya, kung si Connel iyon ay kakatok lang ito ng isang beses at agad ding papasok. Kumatok ulit kaya mabilis ang galaw niyang tinungo iyon para buksan. Awtomatikong kumunot ang kanyang noo nang hindi kilala ang pumasok.
"Hi Madam, ako po yung mag aayos sa inyo", nakataas pa ang daliri ng binabae habang nagsasalita.
"Ha?" Tanging nasambit niya.
"Papasukin niyo na ako, Madam. Kasi ilang oras lang magdatingan na ang mga bisita."
"Ah sige", nagawa niyang isagot bagamat naguguluhan. Hindi na niya nagawa pang magtanong dahil naging abala na ito sa maya't mayang pag ikot sa kanyang mukhang. Lihim na lang siyang napangiwi dahil sa nangangalay na panga dahil matagal siya nitong pinapatingala.
"Perfect!" Maarteng bulalas nito. Halos hindi niya nakilala ang sarili nang matapos nitong ayusin pati nag kanyang buhok. Hindi niya maialis ang tingin sa salamin.
Nang magpaalam ang bakla ay inayos naman niya ang sarili saka nagbihis. Saglit siyang umikot sa full length mirror bago naisipang lumabas ng silid. Pinili niyang magsuot ng flat shoes dahil hindi siya marunong maglakad ng nakatakong. Kahit nang nagtatrabaho siya noon ay hindi gumagamit ng ganoong klaseng sapatos at hindi rin siya naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha.______
Malakas na tugtog ang sumalubong sa kanya nang makalabas na siya nang tuluyan. Masaya ang lahat. Mabilis ang pag ikot ng kanyang tingin para hanapin si Connel 'o 'di kaya ay ang pamilya nito.
Pumʼwesto siya sa pinakalikod para hindi siya gaanong mapansin. Tanging ang boses ng host lamang nag nangingibabaw. Habang nagsasalita ito, hindi naman siya matigil sa kakatingin sa paligid. Hanggang sa mahinto ang kanyang tingin sa isang sulok. Walang katao-tao roon. Ngunit hindi siya namamalikmata lang. Si Gabriel iyon at si Lolita. Pasimple niyang naikuyom ang kamao. Hindi niya sukat akalain na kayang lokohin ni Gabby ang asawa nito. Maaaring hindi perpekto ang asawa nito dahil hindi nito mabibigyan ang lalaki ng anak, ngunit tama bang pagtaksilan nito si Thea? Nakaramdam siya ng awa sa babae.
BINABASA MO ANG
When The Heartless Falls In Love
Ficção GeralWARNING||MATURE CONTENT CONNEL AND ANNALEIGH