Parang ayaw nang lumabas ni Anna sa silid na iyon. Kung hindi lang kay Atticus na pilit siyang hinihila palabas para mag agahan ay hindi siya lalabas. Hindi siya makatingin nang deretso kay Connel.
"Ano bang oras ang alis ninyo anak?" Tanong ni Tita Consuelo. Nabaling ang tingin niya dito. "Mabuti na lang itong si Atticus 'e hindi nahihirapang mag-adjust sa paglipat-lipat ng eskwelahan. Saka bakasyon na rin naman."
"After lunch po sana Mom", sagot ni Connel. At parang balewalang humigop ito ng kape. Napahinto siya sa pagkain para batuhin ito ng nagtatanong na tingin. Bakit ito basta-basta na lang nagdedesisyon nang hindi ipinapaalam sa kanya?
"'Ah ganon ba. Mabuti at napapayag mo itong si Anna. Susunod na lang kami ng Daddy mo doon."
Napaupo siya ng tuwid. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ng lalaki ngunit ang galing nitong umiwas. Pilit siyang nagpakahinahon. Maya't maya ang sulyap niya sa pagkain nito kung papatapos na ngunit sinasadya talaga yata nitong bagalan ang paghigop ng kape.
"Mabuti na lang pala Hija, hindi kapa nakapasa nang résumé sa strawberry farm. Saktong-sakto lang", may sigla sa boses na wika nito. "At maaalagaan mo pa ng maayos si Atticus doon kasi sa mansyon ka lang."
"'Ah tita, ano kasi--
"Actually mom, kakailanganin namin ng isa pang manager. The plantation is growing bigger and we need one more manager."
Naikuyom na lang niya ang kamao sa ilalim ng mesa. Dahil sa ngitngit, nagkataong magkaharap sila sa mesa kaya saktong iinom ito ng kape ay sinipa niya ang paa nito sa ilalim.
Muntik nang matapon ang kape nito.
"Tamang-tama. Itong si Anna malawak ang alam pagdating sa planta", may pagmamalaking boses ng ginang. Hindi napansin ang kanyang masamang tingin sa anak nito.
"Maynard, bakit di na lang tayo umuwi ng San Agustin? Para hindi tayo mapalayo kay Atticus."
"Hindi mo pa nga ako sinasagot", nakasimangot na wika nito. Sabay silang napabaling ang tingin dito. Kanina pa ito tahimik at hindi nakikisali sa usapan nila samantalang kagabi todo tukso nito sa dating asawa.
"Dad, stop it. You're so cheesy. Parang hindi na po bagay", nananaway na sabi ni Connel sa ama.
"Ano ka ba, ang sweet nga", kontra niya. "Kahit may apo na marunong pa rin manligaw. Hindi katulad ng iba bantay salakay hindi man lang marunong manligaw muna."
"Kung manliligaw ba ako sayo ngayon sasagutin mo na agad ako?"
Bigla siyang namula sa sinabi nito. Nahihiyang ngumiti siya sa mga magulang nito. "Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Hindi naman tayo ang pinag uusapan dito."
"Tayo. Gusto mo bang maging tayo?"
"Atticus, finish your food", aniya sa anak para dedmahin ang sinabi nito. Hindi siya sanay na magbiro ito. Sa sitwasyon nila, dapat nagkakailangan silang dalawa ngunit ang walanghiyang lalaki kung umasta ay parang walang atraso sa kanya.
"Dumadamoves ang Papa mo apo", nakangising baling ni Maynard kay Atticus. "Mas corny pa pakinggan yung mga linya niya kesa sa akin."
"Pwede na rin po ba akong manligaw Grandpi?"
Natawa na lang siya ng mahina sa sinabi ng anak. Hindi lang man nila naisip na may bata pa silang kasama. Atticus is like an inquisitive kind of kid. Lahat nang napapansin at naririnig nito ay napupukaw ang interes ng anak. Para sa kanya hindi iyon maganda ngunit iginiit ng lola nito na sadyang matalinong bata lang si Atticus.
Ang kagustuhang komprontahin si Connel ay hindi niya nagawa dahil talagang ginawa nito ang lahat para iwasan siya. Nagngingitngit ang kalooban na nag-empake sila ng gamit nilang mag ina. How dare him to control her? Ang masaklap pa, hindi siya makatanggi tanggi dahil kulang na lang ay ibugaw siya ni Consuelo sa anak nito.
Sa inis niya nang abutin nito ang kanilang bag ay inis niya iyong ibinagsak sa paa nito. Malaya niya itong irapan dahil wala si Atticus at ang mga magulang nito. Marahil ay nasa likuran ng bahay at nagkukwentuhan pa habang hindi pa sila umaalis.
BINABASA MO ANG
When The Heartless Falls In Love
General FictionWARNING||MATURE CONTENT CONNEL AND ANNALEIGH