CHAPTER 9

5.2K 136 5
                                    

Indeed, a stubborn woman. Hindi niya ito hiniwalayan nang tingin nang mamataan niya ito. Ang reunion ay nasa malaking bahay ng mga Henson.  He know governor Henson. Lolita's father. Nakasama na rin niya ito isang beses sa isang conference sa abroad. 

Ngunit ang pagbabantay niya kay Anna ay naantala nang biglang may brasong humila sa kanya. Kasabay nang paglingon niya ay ang pangahas nitong paghalik sa kanyang mga labi. Hindi agad siya nakahuma, he's caught off guard. Ang hindi paggalaw na pinagsisihan niya dahil lumapit sa kanila ang mga magulang ni Lolita. Maagap niya itong hinawakan sa beywang at bahagyang itinulak.
Napatikhim siya nang parehong nakatingin sa kanila ang dalawa.

"Hey, you two. Lolita, are you dating this young man?"

Napapahiyang tumingin siya kay Mr Henson. "Ahm, Mr Henson, it's just---

"Yes dad! He's really a good catch, right?"

"Oh, you really have a good choice darling", ani Mrs Henson.

"Ahm, ma'am. It's just a mis--"

"Call me tita Hijo. I really didn't expect that we can meet Maynard's son in person", nakangiting sagot ng ginang. Wala na siyang nagawa nang ma-corner siya ng mga ito. Inikot niya ang tingin ngunit hindi na mahaligap ng kanyang mata si Anna.

'Shit!'

Lumuwag lang ang kanyang pakiramdam nang magpaalam ang dalawa at iwan sila ni Lolita para sa mga bisita nito. Gusto man niyang tumakas sa babae ay hindi niya magawa dahil sa  higpit ng kapit nito sa kanyang braso. At hinila siya papunta kung saan nag-uumpukan ang mga kaklase nito noong high school. Kasama na si Anna doon na na katabi nito si Gabriel. Umismid lang ang babae sa kanya ng magtama ang kanilang paningin.

"Hey guys, I want you to meet Connel. I know some of you knew him already. But anyway , I just want you to know that we're dating."

Natigilan siya sa pahayag nito. Huling-huli niya ang nag aakusang tingin ni Anna. Kasabay non ang pagdantay ng ulo nito sa balikat ng katabi. At halos manggalaiti siya nang mapansin ang posisyon ng kamay ni Gabriel. Alam niyang magkaibigan lang ang dalawa but he don't like the idea of him touching Anna's naked back. Malalim siyang humugot nang hininga. Uminit ang kanyang ulo kaya ang napagbuntunan niya ay si Lolita.

"Stop this nonsense, Lolita", malamig niyang tugon. Alam niyang hindi tamang ipahiya ito ngunit talagang nagagalit siya. Hindi niya maipalabas kay Anna ang galit niyang nararamdaman. "Don't embarrass yourself."

Tuluyan nang bumitaw ang babae sa paghawak sa kanya at pinilit itago ang pagkapahiya dahil sa inasta niya.

"You didn't change. You're still  that ruthless! Why did I expected that you could be at least a gentleman? You can't humiliate me like this!"

"You are humiliating yourself, Lolita. And FYI, I am no gentleman. You know that. Sorry for ruining your night, goodnight."

Humakbang siya palayo kay Lolita ngunit tumigil sa tapat ni Anna at Gabriel.

"Let's go home", tiim bagang niyang wika. Napatuwid ito nang tayo at bahagya pang tumingin sa paligid. Mas lalo siyang nanggalaiti nang makita na nakalapat pala talaga ang kamay ng kaibigan nito sa hubad nitong likod.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Maang-maangan nitong tanong at pinandilatan siya nang mga mata na parang nagbabala. Bahagya siyang napangisi.

"Stop the act, Annaleigh. Umuwi na tayo sa bahay."

Nag iba ang kulay ng mukha nito. Napatingin ito sa kasamahan.  May binulong pa rito ang katabi nito na halos magpausok sa kanyang ilong.

"May bahay naman ako, ano ka ba?", mahinang angil nito. Pigil na pigil na pagtaasan siya ng boses.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon