CHAPTER 16

5.4K 388 18
                                    

Hanggang sa paghiga ay dala niya ang diary notebook nang kanyang ina. She just can't believe it. After a long long years ay nasa kamay na niya iyon ulit. Hindi niya maiwasang mapahikbi na naman. Ang akala niya noon ay itinapon na iyon ni Connel. But he kept it. For a long years, itinago lang pala nito ang bagay na iyon. Another confusion. Maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isip ngunit natatakot siyang liwanagin at unawain.

'Who are you really Connel?'

Ibinaling niya ang tingin sa mahimbing na natutulog na anak.
Inilapag niya sa side table ang hawak at marahang hinaplos ang pisngi nito.

'Hindi ba ako sapat anak? Hindi ba pwedeng tayo lang dalawa? Paano ko ba sasabihin sayo na galit ako sa tatay mo dahil inayawan ka na niya nung nasa tiyan pa lang kita? Hindi kita kayang saktan. Hangad ko lagi ang maging masaya ka palagi. Ngunit paano anak kung masasaktan lang tayo ulit? Okay lang ako kahit habang buhay kong dalhin yung sakit kakayanin ko. Pero, ikaw. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. Ayaw kitang nakikitang umiiyak.'

Ang mga agam-agam na iyon ay nakatulugan na niya. At sa umaga ginising siya nang nanginginig na katawan ni Atticus.

______

Dahil ayaw bumaba nang lagnat ng anak, wala siyang choice kun'di dalhin ito sa hospital. Tumawag na lang siya sa trabaho na kukuha siya ng emergency leave.
Hinaplos niya ang noo ng anak habang mahimbing itong natutulog sa hospital bed. Mainit pa rin ang katawan ito at nag umpisa na siyang balutin ng matinding pag alala.
Ayaw man sana niyang ipaalam sa teacher nito ang nangyari ay wala siyang choice kundi sabihin ang pagliban ng anak sa klase. Hindi kasi malayong makakarating iyon kay Connel. Huminga siya nang malalim. Bakit kung magkaron siya nang problema sabay-sabay pa? Nahihilo na siya sa totoo lang. Marahil sa magkahalong gutom at pag aalala. Tiningnan niya ang oras, kanina pa niya tinawagan si Zyra na magdala ng pagkain ngunit wala pa rin ito.
Ipinatong na lamang niya ang ulo sa gilid nang higaan ni Atticus at pilit na pinalakas ang loob. She will never ever give up. Sa namimigat na talukap ay naramdaman niyang bumukas ang pinto. Hindi niya na iyon binigyan nang pansin dahil inatake siya ng antok.

"Annaleigh...."

"Hmm", pagod na ungol niya.

"Anna, you need to eat",sabay tapik sa kanyang balikat. Napapitlag siya sabay upo ng tuwid.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na sita niya. Iniwasang magtaas ng boses. Nawala ang nararamdamang antok dahil sa presensya ni Connel.

"Anna please...."

"Please Connel. I don't need you here. We don't need you here. So, umalis ka na!"

Mahigpit niyang naikuyom ang kamao. Paano nito nalaman kung nasaan sila? Doon na pumasok sa isip niya si Zyra. Walang alam ang eskwelahan kung saang hospital na confine ang kanyang anak. Tanging si Zyra lang at siya ang may alam.

"You can't make me", matigas na saad nito na mas lalong nagpausbong sa galit niyang nararamdaman. Tuluyan na siyang tumayo at itinulak ito papunta sa pinto.

"Mama....."
Awtomatikong napalingon siya sa anak. Nagdedeliriyo ito.

"Umalis ka na", mahina ngunit may diing wika niya. Saka lumapit kay Atticus. "May gusto ka ba anak?"

Mahina lang itong umiling. Lumampas ang tingin nito sa kanyang likod na lalong ikinangitngit niya.
Gumuhit ang ngiti nito sa labi sabay taas sa kamay nito.

"Best friend..... You're here."

"I am..." Malambing na saad ni Connel. "Do you want anything? You want to eat?"

Umiling lang si Atticus. "I just want to hug you."

"Sure, little buddy. "

Hindi man lang alintana ng lalaki ang kanyang nakamamatay na tingin. Iniwasan lang nitong magtagpo ang kanilang mga mata. Nang pumaikot ito sa kabila ay wala na siyang nagawa nang yakapin nito si Atticus. Mabilis niyang iniwas ang tingin sa dalawa. Hindi niya kayang tingnan ang ganoong tagpo. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang sofang naroon at tahimik na lumuha. She felt betrayed. Paano niya pa ipagkait ang bagay na iyon kay Atticus? Maatim ba niyang saktan ang damdamin nito? Ngunit paano kung sa huli iiwan lang din ito ni Connel? Mas masasaktan pa ito lalo.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon