CHAPTER 7

5.3K 142 5
                                    

Anihan na. Kahit papano hindi na masyadong naiisip ni Anna si Connel. Isa sa mga pinakagusto niyang gawin sa planta ay ang pag aani. Hindi siya nakakaramdam ng pagod dahil nalilibang siya.

Natigilan siya nang may isang trabahador na pumunta sa kinaroroonan niya. Hindi niya ito mapagsino ngunit nagtataka siya. Ang bango naman nito. Para mag ani lang ng kape nakapabango? Gusto man niyang silipin ang mukha nito ay hindi niya pa rin ito nakikilala. Lahat sila balot ang mukha na parang mga 'ninja' para iwas sa malalaking langgam na maaaring kakagat sa kanila. Kapag nag uumpisa na kasing  mamula ang bunga ay gustong gusto na iyon ng mga langgam dahil matamis ang balat ng kape kapag luto na.  Naka long sleeve din sila lahat at nakabota. Siya ay agad namang makikilala ng mga kasamahan dahil nakalabas ang unat niyang buhok.

Napatingin siya sa baldeng bitbit nito na may laman ng mga pinitas na nitong bunga ng kape. Napatigil siya sa ginagawa at tuluyan na itong nilapitan.

"Bakit mo pinitas pati ang hilaw?" Agad na sita niya rito. Halos kalahati kasi ang berde na pinitas nito sa pula at medyo dilaw na.
Napatigil naman ito at napatingin sa kanya.

"Ilang pag aani na natin to ginagawa ahʼ. Teka, bago ka ba dito?"

Tumikhim ito. "I'm sorry, I don't know."

Tuluyan nang napaawang ang kanyang mga labi. "Anong ginagawa mo dito?"

"I'm just trying to help", defensive na sagot nito na tila napapahiya.

Napailing na lang siya. Sinambit niya ang dalang balde at dumistansya dito. Saka nagpatuloy sa ginagawa na hindi na ito kinausap pa. Alam niya, wala siyang karapatang magtampo dito. Ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Pagkatapos kasi ng gabing muntikan nang may mangyari sa kanila. Well, may nangyari naman but not that he penetrated her. Umalis ang lalaki kinaumagahan nang hindi man lang nagsabi. Parang pakiramdam niya e' minulto lang siya nito ng gabing iyon.
Sabagay, sino ba  siya para paalaman nito? But she can't stop herself from sulking. Talagang hindi maganda ang naging dating non' sa kanya.

"Anna."

"Please Connel. You don't have to be here. I mean, just... just. Bahala ka na nga diyan", sabay hakbang palayo dito. Lumayo siya dito ngunit nararamdaman pa rin niya ang yabag nitong sumusunod sa kanya. Mariin niyang ipinikit ang mata at pinilit ignorahin ang presensya nitong nagpatuloy siya sa pamimitas.

"Are you mad?"

Natigilan siya. Bakit nga ba siya nagkakaganoon? Medyo napahiya siya sa inaasta.

"Ako galit? Hindi ah."
Hinaluan pa niya iyon ng bahaw na tawa para 'di masyadong obvious. Bakit ba hindi niya napigilan ang sarili? Napaghahalataan siya tuloy.

"Galit ka ba dahil nawala ako ng isang linggo?"

"Bakit naman ako magagalit?" Hindi niya napansin na nagiging defensive na siya. "Kahit hindi ka bumalik okay lang."

Malakas na buntung-hininga ang narinig niya mula dito.

"Look, I'm sorry if I didn't came back earlier. May importante lang akong inasikaso sa office."

Hindi niya napigilan ang mapataas ng kilay. Did he just said sorry? It's a calamity!

"Anong nakain mo? Kailan ka pa natutong mag sorry? At isa pa, you don't have to explain, okay? It's none of my business!" Lintaya niya.

"Then stop sulking like a girlfriend."
Halos manlaki ang butas ng kanyang ilong dahil sa sinabi nito.

"I'm not sulking!"

"You can even freeze me with your coldness", hindi niya alam kung nagbibiro ito o' ano. Hindi rin naman kasi ito nakatawa. Nakatayo lang ito at nakapameywang na nakatitig sa kanya. "Hindi ka naman ganyan kalamig nung' gabing halos samba---

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon