CHAPTER 14

5.2K 161 30
                                    

Napangiwi si Connel nang umalingawngaw sa loob ng kanyang silid ang tunog ng kanyang telepono.
Sapo ang ulong hinaligap niya ang nag iingay na aparato. May hangover pa siya.

"Hello?"

"Mr Herrera",pormal na boses mula sa kabilang linya.

"Who's this?" Kunot-noong tanong niya. Hindi na kasi niya pinagkaabalahang tingnan ang screen.

"Attorney Mondejar," sabay tikhim nito.

"'Oh, sorry. It's just that. My head hurts. What's up?"

"'Ahm, Miss Torralba sent me an email."

Sukat sa sinabi nito ay napaupo siya ng tuwid.
"And?"

"And it's a good news. She already signed the authorization for selling the land."

'You should feel happy and celebrate dude!'

Ngunit bakit kabaliktaran ang nararamdaman niya? Bakit parang pakiramdam niya, ang pagpayag nitong ibenta ang lupa ay kapalit nang paglayo nito?

Nang matapos ang pag uusap nila ni Attorney Mondejar ay sinubukan niyang tawagan ang numero ng dalaga. Napakunot ang kanyang noo nang makitang may history na tumawag ito sa kanya. Ngunit kailan? Kung tumawag ito, imposibleng hindi niya iyon matatandaan. Hindi naman nakalagay na missed call kaya siguradong siyang nasagot ang tawag.

'Nang mag ring sa kabilang linya ay agad siyang nabuhayan nang loob. Ngunit agad ding nawala nang hindi ang boses ni Anna ang sumagot kundi ang boses nang tiyahin nito.

"'Oh Connel, napatawag ka?"

"'Ahm, kakausapin ko lang po sana si Anna."

"'Ah 'eh. Matagal na siyang lumuwas. Iniwan na lang niya basta itong cellphone niya dahil hindi naman daw niya kakailanganin. Wala na man daw kasi siyang trabaho sa planta dahil baka magbabago na ang pamamalakad kapag bago na ang may ari."

"Ganon po ba? Maaari po bang malaman kung saan siya pumunta?" Napasabunot siya sa kanyang buhok. Sigurado siyang wala itong alam sa namagitan sa kanila nang pamangkin nito.

"Ang sabi niya Manila daw. Diko naman alam kung saan banda basta 'yun lang ang sinabi."

"'Ah ganon po ba. Sige po, salamat."

Wala sa loob na napamura na lang siya ng sunod-sunod nang putulin na nito ang tawag. Kahit saang anggulo tingnan, ang gago niya. Isa siyang dakilang gago.

But he just need to think. Umalis siya sa mansyon dahil gusto niyang mag isip. Kahit sa tagal na niya roon ay hindi niya pa rin alam ang gagawin. He's never been ready for that. Hindi nga siya handang mag asawa, ang mag anak pa kaya? Annaleigh has a point though. Lahat nang lumabas sa bibig nito ay tama. And he was an asshole for telling those awful words. Pero paano kung tama siya? What will happen to him and their child? Aabot ba sa puntong mas pipiliin ni Anna ang pera kesa sa anak nila? Mabilis niyang ipinilig ang ulo. The words comes out from Anna's lips were the opposite of his thought.

His mother left him in exchange of money from his grandmother. Pinili nitong iwan siya kapalit nang milyones. Nasapo niya ang ulo, now the nightmare of the past lingering in his head. Milyon lang ang halaga niya? He remembered Annaleigh's words before. Iniwan siya dahil hindi siya mahal. Hindi siya mahal nang kanyang sariling ina and his father. Right, he never felt that he had a father, too. Tanging ang lola lang niya noon ang nagpadama ng halaga sa kanya.

Annaleigh was wrong. She was very wrong when she said he don't know how to love. Napaniwala man niya ang lahat na wala siyang pakialam sa pagkamatay nang kanyang abuela ngunit kailanman ay hindi niya maloloko ang kanyang sarili. He was there. He was there until they buried her dead body. Watching from distance and silently crying. His grandmother was the only family he had. His father never cared. Simula nang maghiwalay ito at ang kanyang ina ay inilayo na rin nito ang sarili sa kanya. Sa kanila nang lola niya.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon