Napatigil sa pagsubo si Annaleigh ng mainit na sopas nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Connel. Napatuon ang tingin niya sa bitbit nitong thermos.
"Ahm, salamat dito", nagawa niyang sabihin. Kahit na may galit ito sa kanya at nagawa pa rin siya nitong ipagluto.
"Don't thank me. I wasn't the one who made it."
Natigilan siya. "Nakabalik na ba si Aling Soling?"
"No. I asked someone from workers."
"Salamat pa rin. Kung hindi--
"I said don't thank me! And here's the thermos, I asked them to made it for you too."
Magpapasalamat sana siya ulit ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. She just didn't expect that this kind of person do exist. Bakit ayaw nitong pasalamatan? Ikakababa ba ng pride nito kung sakali? Pinagsawalang bahala na lamang niya ang inaasta nito at nagpatuloy sa pagkain. Kailangan niyang magpalakas. Kailangan siya sa planta.
______
Nang hindi na masyadong mabigat ang kanyang ulo ay pinilit niyang bumangon. Nababawasan na rin ang hilo niya marahil nakakain na siya at nakainom na ng gamot.
Tantyado ang hakbang na bumaba siya ng hagdan. Natigilan siya ng makarinig nang pagsipol at tunog na parang may nagluluto mula sa kusina. Nakabalik na ba si Aling Soling? Kailan pa ito sumisipol habang nagluluto?
Mahina ang hakbang na nagpatuloy siya sa pagbaba. Pasimple siyang sumilip sa kusina para lang matigilan nang makitang si Connel pala ang sumisipol at nagluluto. Ang matindi pa ay wala itong pang itaas. Pasimple niyang pinaglakbay ang tingin sa hubad nitong likod. Napakunot ang noo niya nang may makitang malaking pilat mula sa balikat nito pababa sa beywang. Para iyong maliit na tubo na bumakat sa balat nito.
Ang hindi niya napaghandaan ang pagkanta ng binata. Hindi yata ito nakontento lang sa pagsipol-sipol. Napatakip siya sa bibig para pigilan ang matawa. Kahit wala sa tono ang boses nito ay feel na feel pa rin nito ang kanta. Napatingin siya sa cellphone na hawak, alam niyang ikapahamak niya ang ginagawa niya ngunit hindi na niya napigilan ang sarili at inumpisahan itong i-video habang kumakanta ng When the Children's Cry ng White Lion
"When the children cry, let them know we tried. Cause when the children sing, the new world begins.
Little child, you must show the way. To a better day for all the young.""I don't know why the f*cking hell I am making dish for that woman!"
Napangiwi siya. Pasimple siyang umatras at tahimik na bumalik sa pinanggalingan. Labag na labag sa loob nito ang ipagluto siya. Ito rin marahil ang nagluto nang sopas niya kanina. Napabuntung-hininga siya, sana bukas okay na siya. Siguro kapag makakain pa siya ngayon nang pang gabi ay lubos-lubos na ang paggaling niya.
_____
"Hmmm, ang sarap naman nito",puri niya sa fish fillet na ulam nila. Totoong masarap. Hindi niya sukat akalain na may talento pala ang binata sa pagluluto na ngayon ay tahimik na kumakain at hindi man lang siya pinagkaabalahang sulyapan. Nakadamit na ito at mukhang presko pa rin kahit na amoy ulam na ito. Pwede na nga itong gawing ulam.
Mabilis niyang sinaway ang bahaging iyon ng isip niya. Hindi siya ang uri ng tao na may malalaswang pag iisip. Ngunit ibang pagkakataon na kung ang kaharap niya niya ngayon ay kanina lang nakitaan niya ng hubad na likod. Likod pa nga lang parang ang sarap na! Masarap pa sa fish fillet.Maghunusdili ka Anna! Nakakahiya ka!
"Ang swerte naman ng asawa nito. Ang sarap mag luto, teka ano ba--
"It's just a food Annaleigh. Don't make it a big deal!" Matigas nitong sabi sabay lapag ng pabagsak sa kubyertos. Natahimik naman siya. Naguguluhan din siya sa inaasta nito.
BINABASA MO ANG
When The Heartless Falls In Love
General FictionWARNING||MATURE CONTENT CONNEL AND ANNALEIGH