"Atticus, anak", tawag niya sa anak na nagmumok-mok sa isang tabi. Kanina pa niya ito tinatawag ngunit nanatili itong walang kibo habang nakaupo sa unang baitang nang hagdan. Napapansin niyang ilang araw na itong matamlay tuwing galing sa eskwela. Tatanungin niya si Zyra ay wala din itong maisagot sa kanya.
"Anak, may problema ka ba? Are you feeling well?"
Nanatili itong nakayuko habang yakap nito ang mga tuhod. "Atticus."Hindi niya napaghandaan ang pag angat nito nang tingin na namumula ang mga mata. Hindi agad siya nakapagsalita at nanatili ang tingin dito. Hanggang sa bigla itong pumalahaw ng iyak.
Taranta niya itong nilapitan at kinarga. Kahit may kabigatan na ito ay hindi niya iyon alintana.
"Anak what's wrong? May masakit ba saʼyo ha?"
"I miss my best friend", palahaw nito. Hinaplos niya ang likod nito at pilit na pinapatahan.
"Why? He's absent?"
"He's too old for school Mama!"
Dinala niya ito sa sofa at kinandong. Pinahid ang nag uunahang luha nito.
"What do you mean he's too old for school? He's not your classmate?"
"No... Mama, it's been days",saka ito pumalahaw ulit. "He said he will be back! But he didn't!"
"'Shhh, baby. He will be back okay? He's just busy",pag aalo niya dito. "Zyra, halika nga dito!"
"Ate", humahangos na sambit nito nang makalapit.
"May kinakausap ba itong si Atticus sa labas? Wala ka bang nakikita kapag sinusundo mo siya?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Wala po", tanggi nito. Tuluyan na siyang nag alala nang pumalahaw pa ito lalo ng iyak. Kailangan niyang makausap ang guro nito. Kung hindi nakikita ni Zyra ang lalaking sinasabi nitong best friend, marahil ay isa sa mga teacher ang tinutukoy ng bata. Ngunit bakit wala ito doon dahilan nang pananamlay ng kanyang anak?
"Does your teacher know him, Darling?"
Umiling lang ito habang sumisinghot. Buntung-hininga na lang ang naitugon niya at bigong tumingin kay Zara na nakangiwi din at hindi alam ang gagawin.
Hindi maalis sa isip niya ang tinutukoy ni Atticus na kaibigan nito. Bakit masyadong attach dito ang kanyang anak?Gusto man niyang balewalain ang misteryosong kaibigan ng anak ay hindi niya magawa. Lagi siyang inaatake ng agam-agam. Paano kung may nakikipaglapit sa anak niya at ang balak ay masama? Si Zyra. Kilala niya ito dahil naging yaya na ito ni Atticus simula pa sa pagiging sanggol. Ngunit paano kung sa kabila nang lahat ng kabutihan niya dito ay magawa pa rin nitong gumawa ng masama laban sa kanyang anak? Paano kung ito ang kasabwat ng sinasabi ni Atticus na best friend nito? Hindi siya naniniwalang wala itong alam dahil araw-araw ito ang magkasama at si Atticus.
Dahil sa kapʼraningan ay hindi na siya masyadong nakakafokus sa trabaho. May pagkakataong palihim siyang sumusunod kay Zyra kapag tantʼyado na niya ang oras nang pagsundo nito sa kay Atticus sa eskwela. Ngunit wala naman siyang napapansing kakaiba. Ilang araw niyang ginawa iyon hanggang sa mapanatag na siya at sa isip ay humingi nang pasensya kay Zyra dahil napag isipan niya ito ng hindi maganda. Marahil nga isa sa mga guro doon ang tinutukoy nang kanyang anak.
Ngunit isang umaga, kakarating niya pa lang sa kompanyang pinapasukan ay tumawag ang school nurse sa kung saan pumapasok ang anak. Hindi na siya nagdalawang isip na umabsent sa araw na iyon lalo pa at narinig niyang dumugo umano ang ilong ng anak niya dahil sa pakikipag away.
Halos sigawan na niya ang driver ng taxi dahil sa pagmamadali. Ang school ni Atticus ay lakarin lamang mula sa kanilang apartment. Ngunit may kalayuan mula sa kanyang trabaho. Sa sobrang taranta niya ay hindi na niya pinagkaabalahang kunin pa ang sukli nang dumating siya. Halos takbuhin niya ang school clinic nang papasukin siya nang security guard.
BINABASA MO ANG
When The Heartless Falls In Love
General FictionWARNING||MATURE CONTENT CONNEL AND ANNALEIGH