CHAPTER 5

5.7K 161 7
                                    

Her favourite flavour is vanilla. Kahit anong dessert gusto niya laging may vanilla. Pero sa pagkakataong iyon, she tastes sweeter than the vanilla. Parang naisip niya tuloy mapapalitan na ang paborito niya.

The kiss is very different from the past kisses he gave her. It's soothing and full of gentleness. Kaya siguro hindi siya pumalag dahil agad na kumalat ang tamis niyon sa kanyang bibig. Ang dilat na dilat niyang mga mata ay unti-unting pumipikit at dinadama ang halik ng binata. Nanunukso ang labi nito, siya naman ay nagpatukso. Kahit hindi alam kung paano gagawin ay kusang gumalaw ang kanyang labi para tugunin ang halik nito.
Naisip niya, ganito rin kaya katamis ang lasa ng bibig nito sa ibang labi ng babae? Kay Cassy kaya?

Sukat sa naisip ay bigla niya itong natulak. Nasa guestroom lang ang girlfriend nito! Tapos nagawa niyang makipaghalikan dito?

"What's wrong?" Tila lasing na tanong nito. Hindi na niya ito pinagkaabalahang sagutin at nagpatuloy sa paglabas. Patakbo na niyang inakyat ang hagdan at agad na sinalat ang labi pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang silid.

Why does it tastes so different?

Hindi niya maiwasang ikumpara iyon sa naunang halik na iginawad nito sa kanya. Kumbaga sa rekado, napakaperpekto nang pagkakahalo niyon. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Hindi tamang mag isip siya ng ganoon. Connel has nothing to do with her. At higit sa lahat hindi niya ito nobyo para payagan niya itong galugadin ang kanyang bibig.

Ngunit agad ding sumagi sa isip niya si Cassy. Hindi niya napansin ang babae kanina pagdating niya sa mansyon. Marahil ay nagkulong ito sa silid. Nahihiya siya rito. Diyata't nagawa niyang makipagtukaan sa boyfriend nito. Kahit sinabi pa ni Connel na kaibigan lang nito ang babae, ay iba pa rin ang tingin nang nakararami doon. Nasa probinsya sila at normal lang na ganoon ang paraan ng pag iisip ng mga taong sa kanilang lugar.
Kailangan niyang iwasan si Connel. Babae din siya. Tiyak na masakit din sa pakiramdam nito kapag nalamang may kahalikang iba ang boyfriend.

Napakagat labi siya sa huling sinabi nito tungkol sa kanyang first love. Honestly, parang puppy love lang iyon. Nung malakas pa ang paniniwala niyang ang first kiss niya ang first love at makakatuluyan niya. Ngunit habang siya'y lumalaki ay nakakalimutan na niya ang pakiramdam na iyon dahil unti-unti na siyang nagkakaisip. Hindi niya lang sukat akalain na makikita pa ni Gabriel ang diary niyang iyon. Ni hindi na nga niya matandaan kung saan niya iyon inilagay. Maigi lang pala at hindi siya naglagay ng pangalan dahil tiyak ibayong panunukso ang aabutin niya sa kaibigan. Minsan naisip rin niya paano pala kung sila ni Gabriel ang nakatadhana? Ngunit hindi niya makapa sa kanyang puso na mahalin pa ito higit pa sa isang kaibigan. Ni hindi nito napapatibok ng malakas ang kanyang puso. Di katulad kanina nang halikan siya ni Connel----

Hindi! Hindi maaari!

______

"Manang, hindi ko na po nakikita si Cassy dito?"
Naitanong niya sa kasambahay habang nag-aalmusal. Wala kasi siyang naririnig na may tao sa guest room.

"Hindi ba nabanggit sayo ni Senyorito?"

"Nabanggit ang alin po?"

"Halos magkasunod lang kayong umalis nung umuwi ka saglit sa inyo", paliwanag nitong may pagtataka.

"Ahh ganun po ba",tanging naitugon niya. Kaya pala hindi na niya nakita pati anino nito kahit sa planta. Ano yun, tapos na ang papel nito sa buhay ni Connel kaya pinauwi na ng lalaki? Napailing siya, kailan pa siya naging pakialamera? Kung ano man ang namagitan sa dalawa ay wala na siyang pakialam.
Sabay silang napatingin sa pinto nang may tumikhim. Saglit siyang natigilan nang matuon ang tingin niya sa anyo ni Connel. He looked so fresh in his wet hair. Natuon ang tingin siya sa mga labi nitong kagabi lang at nakadikit din sa kanyang labi. Napatikhim siya bigla nang mahuli ng mata niya ang bahagyang pag angat ng itaas ng labi nito. Nahuli siya nitong nakatitig. Para pagtakpan ang pagkapahiya mabilis niyang ibinalik ang pansin sa pagkain.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon