CHAPTER 18

4.9K 186 14
                                    

Gusto niyang matawa sa ina ni Connel. Maya-maya nitong niyuyuko ang sarili at parang concious na concious na inaayos ang damit. Napapatingala na rin dito si Atticus.

"Tita, ang ganda niyo na po. Sigurado ako maiinlab  ulit si Sir Maynard sa inyo", pagbibiro niya. Bahagya namang namula ang pisngi nito na ikinatawa niya. Nasa Baguio kasi ang dating asawa nito at inimbitahan nito ng hapunan sa bahay kung saan sila ngayon. Noong nakaraang  linggo pa nito hinarap ang lalaki at wala siyang ideya kung ano ang napag usapan ng dalawa. Kahit kating-kati na ang bibig niyang magtanong ay ayaw naman niyang maging chismosa sa paningin nito. Kusa itong magku-kwento kung sakali. Marahil personal ang napag usapan ng dalawa at wala naman sigurong kinalaman sa kanilang dalawa ni Connel.

"Granny, why you dressed this way?" Inosenteng tanong ni Atticus.

"Ohʼ sweetheart. We have a visitor and it's a surprise!"

"Surprise for me?"

"'Uhuh?" Nakangiting sagot nito sa apo.

Nagulat sila pareho nang magpapadyak ito. "Hindi na po surprise 'yon! Kasi sinabi niyo na!"

Wala sa loob na humalakhak ang ginang. Ang tawa nito kapag kasama nito si Atticus. The joy. Isang hindi matatawarang saya na hindi mabibili nino man. At ang anyo nito ngayon. She's inlove. Hindi maitatagong mahal pa rin nito ang dating asawa. Ito ang magpapatunay na true love has no boundaries.

Siya, mahal pa nga ba niya si Connel?  She actually don't know. Nangingibabaw ang galit sa kanyang puso. Maaari bang tibagin nang pag-ibig ang hinanakit na nararamdaman niya ngayon? Hindi siya naniniwalang gahibla lamang ang pagitan nang poot at pag ibig.

Pero paano nga ba niya maipapaliwanag ang reaksyon ngayon ng ginang? Sa kabila nang poot nitong nararamdaman para sa dating asawa ay eto ito, masaya at nasasalamin ang wagas na pagmamahal kay Maynard Herrera.

Is she capable of that? Loving the same person  through her life? Napailing siya. Imposible.

"Anyway, Hija. I never mentioned you and Atticus to him. I want to surprise Maynard."

Sukat sa sinabi nito ay biglang tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. Nagkita sila noon ni Maynard Herrera. Paano kung isumbat nito sa kanya ang paglihim tungkol kay Atticus? Mas lalong lumakas ang dagundong ng kanyang puso nang tumunog ang doorbell.

"That must be him", excited na wika nito. Inakay nito si Atticus papunta sa pinto para pagbuksan ang bagong dating.

Pigil ang kanyang hininga nang buksan nang ginang ang pinto. Awtomatikong nagsalubong ang tingin nila ni Maynard. Nakapwesto kasi siya sentro sa pinto kaya deretso agad ang tingin nito sa kanya. Kumunot ang noo nito sabay baling nang tingin sa dating esposa at huli kay Atticus. Mariin siyang napalunok habang hinihintay ang reaksyon nito. Lahat yata sila naestatwa maliban sa ginang na malapad ang ngiti sa mga labi.

"Atticus, darling. Meet your grandfather, Maynard."

Parang namamalikmatang nakatingala lang si Atticus dito. At ganoʼn din ang lalaki. Ang sorpresang mukha nito ay unti-unti nauwi sa pagkunot ng noo.

"You look like my best friend...." Tanging nasambit ni Atticus.

"Best friend?" Tanong ni Maynard. Nag-aakusang tumingin ito sa gawi niya. Napayuko na lang siya para itago ang nahihiyang anyo.

"Yeah, I have a best friend... And you look exactly like him. You're my lolo. I can't believe it! Mama I have a Lolo! It means I have a daddy too, right?"

"Yeah..." Mahinang sagot niya. Tumingin siya sa gawi nang ginang na nakangiti sa kanya.

"Bakit hindi ka muna pumasok sa loob Maynard para makapag usap tayo nang maayos."

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon