CHAPTER 17

5.1K 189 15
                                    

Kahit lubos siyang nangungulila sa anak ay nagawa niya iyong tiisin. Kung tanging iyon lamang ang paraan na mailayo niya ito kay Connel ay gagawin niya. Alam niyang malabong mahanap ng lalaki ang kinaroroonan ni Atticus. Because that's the last person na gugustuhin nitong makita.

"Bakit kailangan mo 'pang mag resign kung nasa mabuting kalagayan naman pala ang anak mo?" Si Jeremy. Isa ito sa mga executive officers na medyo kasundo niya. Ito lang kasi ang hindi nagpapalipad hangin sa kanya sa department nila. And for the other female officemates, wala na siyang naging kasundo sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ang inaayawan nang mga ito sa kanya. Ipinagkibit balikat na lang niya iyon. Lalo pa at nandon naman si Jeremy na laging kinakausap siya.

"Hindi ko kayang malayo sa kanya ng matagal. And in fact, Baguio is the perfect place for me. Hindi mahirap makapasok sa trabaho doon dahil naging manager na rin ako ng plantation dati."

"How about the father of your son?"
Bumuntung-hininga siya.

"Siya nga ang rason kung bakit ko itinatago si Atticus. Anyway, uuwi ka na ba?"

"Oo, sabay kana sa akin."

"Sige."

"Why don't you give him a chance?" Tanong nito. Naipit sila sa traffic kaya may pagkakataon itong harapin siya at seryosong nagtatanong.

"Chance? Binigyan niya ba ng tʼsansa si Atticus? Kahit ang inosenteng bata ay pinatikim na niya nang kalupitan niya."

"But people change Anna. Malay mo, nagsisisi na siya? Bakit hindi mo bigyan ng tʼsansang magkaron nang kilalaning ama ang anak mo? Every child deserves that", giit nito.

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi mo masasabi ang mga yan sa akin Jeremy. Of course, nasa side ka niya dahil lalaki ka. But how about vice versa? Ikaw ang babae, ikaw ang naagabriyado? What do you think you will do? And one more thing, hindi ako nagpapatawad nang taong hindi naman humihingi ng tawad sa akin."

"I don't know Anna. Why don't you consider his point of view? I mean, climb to his skin and walk around it."

"Jeremy, hindi ko alam kung alin ang hindi mo naintindihan. He never wish to have a child. He was even furious when I told him that I was pregnant. Tell me, ano pa 'bang pag-intindi ang dapat kong gawin?"

"That he's afraid that history might repeat itself? How about his past? You knew it was a tough for him. A broken family. Why don't you consider such things?"

Napasapo siya sa magkabilang sentido. "Please lang Jeremy, masakit na ang ulo ko 'wag mo nang dagdagan."

"Okay I'm sorry."

Saka ito nagpatuloy sa pagmaneho. Ang lahat ng sinabi nito ay paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isip. Does Connel have fears? Parang hindi naman iyon ang nakikita niya. Nagawa nga nitong tumayo sa sarili nitong mga paa.
Pero bakit siya, nagawa niyang itaguyod ang anak na mag isa. But she still not strong enough. She has fears. Her greatest fear is Atticus. That he might choose Connel than her. Time will come, marunong na itong pumili kung kanino nito gustong sumama and it scares her. Atticus is her life. Kung mawawala ito sa kanya, para na rin siyang pinutulan ng hininga.

"But, do you think he will give up easily?" Tanong nito kapagkuwan.

"Magsasawa din iyon pagdating nang panahon". Alam niyang sa mga oras na iyon ay alam na nito na nilipat niya si Atticus ng pinapasukan. She never inform Miss Jasmin about the school. Isinekreto niya iyon sa principal. May tiwala siyang hindi siya nito ipapagkanulo kahit kanino. Mabuti na lang naging segurista siya. She'd made her sign an agreement na wala itong ilalabas na impormasyon tungkol kay Atticus.

"Well, I don't think so..."

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong niya. Ngumuso ito sa unahan. Nakita nila si Connel na nakatayo sa harapan nang kanilang apartment. "Lampasan mo."

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon