Kahit labag sa loob niya ang pumayag sa gusto ng mag-asawa ay wala siyang nagawa nang maggaling na mismo sa bibig ni Atticus na gusto nitong sumama sa dalawa. Hindi niya inalis ang tanaw sa papalayong sasakyan kung saan lulan ang tatlo. Naisip niya, uuwi muna siya sa bahay ng tiyahin. Hindi niya masikmurang makasama si Connel. Kahapon, pagkatapos ng maikling komprontasyon niya dito ay hindi na sila nakapag usap ulit. Ginawa niya ang lahat para hindi ito makausap 'o makasarilinan.
Humugot siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Silang dalawa din ng lalaki kanina sa labas para sa pag-alis ng tatlo. Ngunit nauna itong pumasok. Hindi yata nakayanan ang lamig ng pakikitungo niya rito.
Nang hindi na abot ng kanyang tanaw ang sasakyan ay wala siyang nagawa kunʼdi ang pumasok sa loob. Dumeretso siya sa taas at nagligpit ng ilang gamit para dadalhin.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng silid ngunit nanatili siyang walang imik."Are you going to leave me?"
Napatigil siya sa paglagay ng damit sa hindi kalakihang bag. May sasabihin sana siya ngunit pinili na lang niyang itikom ang bibig at nagpatuloy sa ginagawa."Hindi mo ba ako hahayaang magpaliwanag man lang Anna? Ang lupit mo naman kung ganoʼn!"
"Mas malupit ka!" Gigil niyang sigaw. Ngayon, malaya siyang magtaas ng boses dahil silang dalawa lang sa bahay. "Manggagamit ka. Ginamit mo lang ako, pati anak ko dinamay mo!"
"Hindi totoo yan!"
"Sinungaling!" Taas baba ang kanyang dibdib dahil sa galit. Kahit hindi na naayos ang pagkakalagay nang kanyang mga damit ay mabilis niya iyong isinara. Natuon ang tingin niya sa singsing. Walang pagdadalawang isip na tinanggal niya iyon at tinapon dito.
"Anna-"
"Ayoko na Connel. Tama na, kung iiwan mo din lang kami pagkatapos ng anim na taon, better do it now kasi kaya ko pa!"
"Anna, for f*ck sake. Listen to me!"
Umiling lang siya. Bitbit ang bag, tinungo niya ang pinto.
"Do you think I will let you leave me?"
Natigil siya sa paghakbang. "There's no way, Love. Hahayaan lang kitang makalabas sa bahay na ito kung maniniwala ka na sa akin.""Over my dead body", galit niyang sagot saka nagmamadaling lumabas ng silid na iyon. Nagpasalamat siya at hindi na ito sumunod pa. Pagdating sa baba ay padaskol niyang binuksan ang pinto para lang matigilan. It's locked.
'No way!'
Patakbong tinungo niya ang backdoor ngunit ganoon din. Naka kandado din iyon. Masama ang tingin niya sa itaas. Halos manggalaiti siya ng makitang nasa dulo ng hagdan ang lalaki at nakatingin sa kanya.
"There's s no way that I will let you leave me, Anna. Kung isang taon tayong magkukulong dito, kakayanin ko. Kung 'yon lang ang tanging paraan na hindi ka mawala sa paningin ko."
Pagak siyang natawa. "Iba talaga ang nagagawa ng pera."
Umaalingawngaw sa loob ng kabahayan ang kanilang boses. Nasa taas ito ng hagdan at siya ay nasa baba.
Napangisi ito. "With or without my inheritance I am still rich Anna. I just don't have a choice kundi tanggapin iyon. Kung hindi, sino pa ang magmamana? My dad don't want it."
Hindi pa rin siya kumbinsido.
"I just can't believe that you judged me that easily. Well, ano pa bang bago? Simula pa man noon, I am a bad cop to you."
Natigilan siya. Hindi niya magawa itong sagutin.
"Hindi ko tatanggapin ang mana na iyon kung kapalit niyon ay ang pananatili mo. Just to prove you that I'm not using you."
BINABASA MO ANG
When The Heartless Falls In Love
General FictionWARNING||MATURE CONTENT CONNEL AND ANNALEIGH