CHAPTER 1

7.2K 185 1
                                    

Pagkagaling ni Annaleigh sa bayan ay saglit siyang dumaan sa bahay ng kanyang Tiyahin. Naipatayo niya ito ng isang simpleng bungalow nang maging regular siyang manager ng plantasyon ng kapehan ng mga Herrera. Nakakalungkot lang at pumanaw na ang matandang Donya na nagpaaral at nagbigay ng maayos na trabaho sa kanya.
Akala nila noon ni Henry ay aalis na ang mga ito sa San Agustin dahil sa pagkasunog ng mansyon. Umalis ang maglola noon ngunit si Donya Agatha ay bumalik din para magpatayo ulit ng panibagong mansyon. Sa pagbalik nito ay hindi na nito kasama ang apong si Connel. Ang dinig niya ay kinuha ito ng ama at dinala sa abroad.
Malaking pabor iyon sa kanya. Ngunit habang lumalaki siya at nagkaisip, saka niya naintindihan kung bakit ito ganoon. Base na rin sa mga kwento ng   yumaong matanda, epekto iyon ng paghihiwalay ng mga magulang nito. Hanggang ngayon wala na silang balita sa lalaki. Siguro may pamilya na rin ito, maaaring wala. Nakakalungkot lang isipin na kahit sa pagpanaw ng matanda ay hindi ito sumipot. Ganon na ba katigas ang puso nito para magawang tiisin ang matandang nag aruga at nagpalaki dito?

Ito sana ang nasa sitwasyon niya ngayon. Ito sana ang namamahala sa kapehan. Ngunit sadya yatang kinalimutan na nito ang buhay sa probinsya .

"Hindi ka ba muna matutulog dito Hija?" Malungkot na tanong ng Tiyahin. Hindi niya ito masisi. Hatinggabi na rin kasi minsan ang pag uwi ng anak nitong si Henry. May ari ito ng bar sa bayan.

"Tiyang, may mga bagay pa akong asikasuhin sa mansyon. Malapit na rin kasi ang anihan ng kape kaya hindi pwedeng mapalayo ako sa planta", paliwanag niya. Kung hindi sa matinding pakiusap ng matanda noon na hindi niya iiwan ang mansyon kahit anong mangyari. Pinagkatiwalaan siya nito at ayaw niya iyong biguin. Malaki ang utang na loob niya sa matanda. Gumawa rin ito ng kasulatan na hindi magagalaw ng sinoman ang planta at ang mansyon kung wala ang kanyang pahintulot na minsang hindi niya mapaniwalaan. Isa lang ang ipinagpasalamat niya, nakikinig sa kanya ang mga trabahador kahit na hindi naman talaga siya ang may ari. Ang kinikita ng kape ay pumupunta iyon sa fund ng matanda at alam niyang tanging si Connel lamang ang magmamana dahil wala na itong ibang apo kundi ito lang.

"Hala sige,humayo ka na at baka gabihin ka na sa daan", nakangiting taboy nito sa kanya.

"Pangako po tiyang, kapag nakaluwag-luwag po ako. Magbabakasyon ako dito sa bahay."

"Kuu! Ayan ka na naman sa mga pangako mo. Lagi na lang napapako!"

Sabay na silang nagtawanan dahil sa sinabi nito. Minsan napapagbigyan naman niya ito kapag hindi gaanong marami ang ginagawa sa plantasyon. Ngunit hindi nga lang matagal. Dalawang gabi na ang pinakamatagal. Ang mansyon na ang itinuturing niyang tirahan bagamat hindi naman niya iyon inaangkin. Pansamantala hangga't hindi inuuwian nang tunay na may ari, siya muna ang magbabantay.

Ginabi na siya nang dating sa mansyon.  Napakunot ang kanyang noo nang may maabutang mamahaling sasakyan sa bakuran. Mabilis siyang bumaba ng kanyang wrangler jeep at pumasok sa kabahayan.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay sinalubong agad siya ni Aling Soledad. Sadya pala talagang hinintay siya nito.

"Nasa loob si Señorito Connel, Anna",agad nitong sabi. "Sa kanya yung sasakyan sa labas."

Bigla siyang tinambol nang kaba. "Kanina pa ba siya dumating?" Nagawa niyang itanong. Marahil tumawag ang babae sa kanya ngunit nakapatay na ang kanyang cellphone dahil kanina pa iyon nawalan ng karga habang nasa bayan. Hindi na niya pinagkaabalahang kargahan dahil pauwi na rin naman siya.

"Kanina panghapon. Tinawagan kita hindi ka naman makontak."

Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang kaba. Hindi ang isang Connel lang ang magpapakaba sa kanya. Sapat na ang ilang taon para  hindi na siya kabahan sa presensya nito. Marahil ay nagbago na ito at hindi na sutil katulad noong kabataan nila.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon