CHAPTER 22

5.2K 149 20
                                    

"Anna, I think it's not a good idea", saway niya sa babaeng ngayon ay nakatingala sa treehouse  at tila gusto ng umakyat. Sinadya niyang palagyan ng hagdan iyon para hindi mahirap akyatin. Pati pinto niyon ay pinagawa niya para walang makakapasok sa loob. Nagsisisi na siya kung bakit binanggit niya agad ang tungkol treehouse. Kaya matapos na matapos ang regla nito ay walang inaksayang panahon at nag-aya itong pumunta doon.

"Papa, what is in there?" Inosenteng tanong ng anak habang nakatingala din sa taas.

"You want to climb  up with me?" Baling ni Anna dito sa nangingislap na mata.

"Anna, he can't", saway niya. Anong iniisip nito? Hindi ba nito iniisip na pʼwedeng mapahamak si Atticus?

Parang wala itong narinig at nag umpisang  umakyat. Nang makarating ito sa itaas ay tumigil ito nang sa pinto na.

"Bakit naka-lock?" Tanong nito sa kanya.

"Anna, get down here. Hindi pa pwedeng umakyat diyan si Atticus", hindi pa rin siya tumigil sa kakasaway dito.

"Just give me the key Connel", demand nito. Bumuntung hininga na lang siya at walang nagawa kundi ituro ang maliit na crack ng puno na nasa bandang paa nito. Wala itong inaksayang oras at binuksan iyon. Saka ito bumaling  sa kanila.

"C'mon darling", anito kay Atticus. "It's really nice inside."

"Anna--"

"Papa, I want to go up there."

Napabuga na lang siya ng hangin at nagbabalang tiningala ang ina nito na malapad ang ngisi.

"Pwede mo naman siyang kargahin sa likod."

"Anna, he can't do it. Will you just go down already?"

"Paakyatin mo siya dito. Alalayan mo lang tapos aabutin ko dito", hindi pa rin sumusukong sabi nito.

"Fine. I'll carry him", pagsuko niya.

"You, promise me not to let go okay?" Baling niya sa anak. Sunod-sunod itong tumango at excited na sumampa sa kanyang likod.

Mahigpit nga itong kumapit sa kanyang likod. Inalalayan niya  ng isang kamay ang pang upo nito. Nang malapit na sila sa ina nito ay mabilis nitong inabot si Atticus at pinasampa sa loob.
Saka niya napagtantong nangiginig pala ang kanyang mga kamay. Kasabay nang malakas na pagtibok ng kanyang puso dahil sa kaba.

"Ang ganda."

Napabaling ang tingin niya sa babaeng may ningning ang mga mata. Biglang kumalma ang kanyang puso nang masilayan ang masayang ngiti nito. Humiga ito sa kumikinang na sahig na pinavarnish. Humiga din sa tabi nito si Atticus. Napasunod ang tingin niya sa kanang paa ng anak ng ipatong nito sa tiyan  ni Anna.

"Papa, come, lie down with us."

Hindi na siya nag-atubili pa at mabilis na tumabi sa dalawa. Uminit ang gilid ng kanyang mga mata nang umiba ang posisyon ni Atticus. Ipinatong nito ang ulo sa kanyang tiyan habang ang paa nito ay nasa tiyan ni Anna. Pinihit nya ang ulo pabaling dito nang mapagtantong nakatingin din ito sa kanya. Ang pag iinit ng kanyang mga mata ay nauwi sa pagtulo nang kanyang luha kasabay ng pagkirot ng kanyang dibdib.

"I wish we can stay forever like this", mahinang sambit niya.

Hindi niya inaasahan ang paggalaw ng kamay nito at pinahid ang luhang namalibis sa kanyang mga mata.

"I like it here, Mama, Papa", anang anak nila na nanatiling nakatingin sa kisame. Nawiwili marahil ito sa mga maliliit na bolang crystal na nakabitin doon. "It  look like light balls."

"It is", sagot niya. Ngunit ang tingin ay tanging kay Anna lamang nakatuon. Akmang ilalayo na sana nito ang kamay ngunit maagap niya iyong hinuli at dinala sa mga labi.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon