CHAPTER 23

5.2K 170 59
                                    

Gustong matawa ni Anna sa reaksyon ni Connel kanina. Ngunit wala itong nagawa nang itinulak niya ito at mabilis na inayos ang sarili para tunguhin ang anak na anyong iiyak na sa pagtawag sa kanilang dalawa.

Kinarga niya ito pabalik sa silid at pinatulog ulit dahil mukhang naalimpungatan lang ito. Habang tinititigan ang anak ay unti-unti ring namimigat ang kanyang talukap. Pinilit niyang imulat ngunit ayaw makisabay ng kanyang mga mata. Talagang inaantok siya. Hindi na niya nakayanan pa at hinayaan na lang amg sarili niyang lamunin ng antok.

Naalimpungatan siya nang maramdamang tila may bumubulong sa kanya.

"Ang daya mo... "

"Anna....."

"Hmmm...." Ungol niya.

"Wake up..." Bulong sa kanyang tenga. Sa nanlalabong diwa ay pilit niyang inaninag ang anino ni Connel na nooʼy nakatunghay sa kanya. Saka lang siya tuluyang nagising nang maramdamang buhat-buhat siya nito palabas ng silid nila ni Atticus.

"Connel..."

"Shut up love, and kiss me."
Awtomatikong bumukas ang kanyang ang kanyang bibig nang hulihin nito ang kanyang mga labi.
Nang makarating sila sa silid nito ay agad nitong sinara ang pinto gamit ang paa. Nanatiling sakop nito ang kanyang labi kahit nang ihiga siya nito sa kama.

Awtomatikong inihiwalay niya ang nga hita nang idantay nito ang kamay sa ibabaw ng kanyang pagkakabae. Sa kabila ng suot niya ay damang-dama niya ang init ng kamay nito.
Ipinasok niya ang kamay sa damit nito at mainit na humaplos sa matikas na katawan ng binata. Paulit-ulit niyang pinaglakbay ang mga daliri sa bandang dibdib ng kaniig.
Inangat nito ang katawan at bahagyang lumayo sa kanya.

"I miss your touch", anas nito.

"Do you think it's a good idea?" Nagawa niyang itanong.

Napatitig ito sa kanya ng matiim.
"Why, don't you like my touch?"

Tumikhim siya. Hindi niya alam kung dapat ba niya iyong sagutin o ano. Tila nadidismayang lumayo ito sa kanya at patalikod na naupo sa dulo ng kama.

"I know, I'm doing it fast. But I can't help myself not to touch and kiss you, Anna. If you don't want it, just don't response to my kisses. Don't make me feel that you want me too. Because Anna, it's killing me."

Bumangon siya at mataman tinitigan nang ilang sandali ang likuran nito. Saka dahan-dahang lumapit sa likuran at iniangat ang laylayan ng damit nito.

"What are you doing?" Mahinang tanong nito. Akma sana itong haharap sa kanya ngunit maagap niya itong pinigilan. Nang tuluyan na niyang mahubad ang t-shirt nito ay marahan niyang hinaplos ang pilat na iyon sa likuran binata.

She can't imagine how much pain he had suffered. Ang kableng bumagsak sa likod nito ay maaaring nagbabaga sa apoy.

"Dapat hinayaan mo na lang ang bagay na iyon", aniya. "Hindi mo kailangan na ibuwis ang buhay mo dahil lang doon Connel. And I am really sorry sa mga masasakit na salitang nabitawan ko."

"Anna.... Iniyakan mo iyon. I saw you cried when I took that away from you. I understand why you cried, it's because that diary contains a love and hopeful messages from your mother. Hindi ko ibinalik agad sayo dahil...."

"Dahil?" Saglit niyang itinigil ang paghaplos sa likod nito.

"Because I envied you. All my life I grew up without my mom. Naiinggit ako sa mga sulat ng nanay mo, kung gaano ka niya kamahal."

"'Oh Connel...."

Hindi siya nagdalawang isip na yumuko at gawaran ng masuyong halik ang likod nito partikular sa malaking pilat.

   When The Heartless Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon