P35。

110 14 9
                                    


SOMI

Monday ngayon and rest time namin ngayon. Tapos andito kami sa labas, umuupo lang sa damuhan. Di kami magkasama ni Jennie ngayon, kasi magkaiba kami ng teams. Pero kasama ko sina Kai, Jisung at iba pa.

Pero makikita namin si Jennie sa kalayuan na nagpapahinga, syempre. Kasama niya yung mga kateam niya sa training.

"Dude, ano pang ginagawa mo? This is the day and right time. Go!" utos sa kanya ni Jisung. "Wala siyang kasama doon." dagdag niya.

Tinignan naman siya ni Kai, "Ikaw nalang kaya ang gagawa? Lagi mo akong sinasabihan, parang mas excited ka pa sa akin." medyo na naiirita na sambit ni Kai sa kanya. Kaya natawa naman kaming dalawa ni Jisung doon.

"Eto ang cold naman masyado. Pinapayuhan ka lang nga. Baka matapos na 'tong araw na 'to, di mo pa din yun sinasabi sa kanya." Jisung.

"Right Kai, look.. wala siyang kasama doon. Masosolo mo siya. Tsaka.. wag mong isipin yung awkward moment. Basta masabi mo lang yun." sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang napangisi siya sa amin ni Jisung, "Ang dami niyong alam. Siguro, meant to be kayong dalawa." natatawa niyang sambit.

Nang dahil doon, nagtama ang tingin naming dalawa. Tsaka pagkatapos, nagkaiwasan din naman agad kami. Pinagsasabi kasi ni Kai eh! Pero uy, crush ko lang si Jisung. Pero hindi ako baliw pag makita siya. Normal crush lang ganon.

"Siraulo, dinadamay mo pa kami." angal ni Jisung. "Isipin mo yang pag-amin mo." dagdag niya.

Nakita naman naming tinititigan niya si Jennie sa kalayuan. Pagkatapos, huminga eto ng malalim at tumayo siya, "Sige. Aamin na talaga ako."

Nang dahil doon, napangiti naman kaming dalawa ni Jisung. This is it na talaga! Finally!

"Totoo na yan ha?" Jisung.

"Wag ka ng aatras ha!" natatawa kong sambit.

"Oo nga." sagot niya. "Basta.. samahan niyo akong dalawa." nakangiting sambit niya.

Nang dahil doon, nawala ang ngiti sa labi namin. Sobrang ayos naman talaga ni Kai 'no?

Napapakamot naman si Jisung sa kanyang ulo, "Dude, naman! Ikaw lang yung aamin ah! Bakit kailangan pa naming sumama?" angal niya naman.

"Kaya mo na yan." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Gusto mo, cheer ka pa namin?" natatawang tanong ni Jisung sa kanya. "Go Kim Jongin! Go Kim Jongin! Go Kim Jongin!" pagcheer sa kanya ni Jisung sa dahilan na napapatawa nalang kami dito.

"Go Kim Jongin!" nakikisabay nalang ako kay Jisung.

"Yah yah right. Ako nalang nga." natatawa niyang sambit.

"Good luck dude!" Jisung.

Ningitian niya lang kami at ipinagmamasdan lang namin si Kai na papalapit sa pwesto ni Jennie. Sana naman hindi mabigla si Jennie at.. sana.. maalala niya yung sasabihin ni Kai.

- - -

JENNIE

Nagpapahinga lang ako dito sa damuhan. I'm with my team mates here. Pero pakiramdam ko, mag-isa lang ako dito. Medyo kasi ako malayo sa kanila. But.. it's okay.

Kanina pa ako nandito sa damuhan. Kaya napatayo nalang ako at papabalik na ako sa room namin dahil kanina pa naman ako dito.

Pero pagtayo at pagharap ko, nabigla ako nang nakita ko si Kai sa harapan ko. Hindi ko inaakala na andito siya. Wait.. kanina pa siya dito?

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya, "No.. actually, bago lang ako dito." sagot ko sa kanya. Pagkatapos yun, wala na. Wala nang nagsalita sa aming dalawa.

He's only staring to me, sa dahilan na naiilang na ako sa kanya. Wait.. why he's here? Baka.. dadaan lang siya dito.

Huminga lang ako ng malalim at tinignan ko siya, "I'm going now." I said as I avoid my look to him.

Lalampasan ko na sana siya ng lakad pero nagulat ako nang hinipa niya ako paharap sa kanya. Nanlaki lang naman ang mata ko sa ginawa niya. Why did he did that?

"Kai?" takang tanong ko sa kanya.

Binitawan niya naman ako at huminga siya ng malalim, "Pumunta ako dito, Jennie. Kasi.. may sasabihin akong importante sa'yo."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. May sasabihin siya sa akin? Bigla naman akong kinabahan doon.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong huminga siya ng malalim, "And.. please.. sana pag nasabi ko na sa'yo, sana hindi ka mabibigla at sana.. pansinin mo pa din ako." sambit niyang seryoso sa akin.

Hindi mabibigla? I'm so freakin' curious. Tungkol saan ba yung sasabihin niya?

I nodded, "Y-yeah.. of course. Ano ba yan? I'm curious right now." sambit ko.

Huminga na naman siya ng malalim, "Ayaw ko nang patagalin 'to, Jennie. Sobrang tagal ko nang gustong sabihin 'to sa'yo. Pero nauunahan ako ng takot."

Mas lalo naman akong kinakabahan sa mga pinagsasabi niya. My heart's really beating so fast. Bakit ganyan ba ang pinagsasabi niya?

"Even I'm so really nervous right now, I decided to my self that.. this is the right time that I'll tell this to you." he said. "Mas lalo lang naman akong maguguluhan kung di ko pa sinasabi sa'yo. Basta.. malaman mo lang."

Wait.. I'm so curious right now.

Mas lalo lang naman akong nagtaka, "Can you go straight to the point?"

Huminga siya ng malalim, "If you don't remember this, we already met. I'm the guy who--"

Hindi niya natuloy yung pagpapaliwanag niya. Dahil...

"Jennie!"

Parehas naman kaming napaharap ni Kai sa boses na yun. Nakita namin agad si Taeyong. Teka.. hindi natapos ni Kai yung sasabihin niya yan.

"Yes?" tanong ko kay Taeyong.

"Sumama ka sa akin. Tawag tayo ni Leader Chief." sambit niya.

"Oh, really?" I asked again and he just nodded.

Huminga ako ng malalim at humarap ako kay Kai. Mukhang hindi maipinta yung mukha niya. Pero alam ko lang na nabigla 'to dahil sa pagtawag sa akin ni Taeyong.

"I'm sorry Kai. Excuse me. It's better if next time mo nalang sabihin sa akin yun." I said and I smiled to him. Pagkatapos yun, iniwan na namin siya doon ni Taeyong.

Wala lang nagsasalita sa amin ni Taeyong kundi tahimik lang kaming dalawa papapunta sa office ni Leader Chief. Sayang.. di natuloy ni Kai yung sasabihin niya. Honestly, Taeyong is so wrong timing.

Pero mas importante yung tinatawag ako ni Leader Chief. Alam ko namang maiintindihan yun ni Kai.

"Are you okay, Jennie?" dinig kong tanong sa akin ni Taeyong.

I nodded, "Yes! Of course!" I answered and I showed my smile to him.

But I want to admit that I'm still curious. Ano ba talaga yung sasabihin niya sa akin? Ano yung katapusan 'non? Sana di nalang muna dumating si Taeyong. Sana.. nasabi niya nalang muna bago niya ako tinawag. Kasi.. nakakainis din dahil hindi natapos ni Kai yung sasabihin niya sa akin.

I want to know it so bad. Mababaliw lang ako sa kakaisip ko kung ano yun.

Really? We already met each other? Where did we met? Who's really Kai?

- - -

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon