SOMI
Papabalik na ako doon kay Jennie kasi tapos ko na yung kailangan ko kay Cadet Shai. Hay. Ang swerte ko talaga. Naging kaibigan ko yung famous model na si Jennie. Ang bait-bait pa at sobrang galing! Hindi nga ako makapaniwala na andito siya kasi super ganda na ng trabaho niya as a model and super rich na siya. Bilib na bilib na talaga ako sa kanya!
Mag-iisang buwan na din siya dito sa PMA. Tsaka ang sobrang saya ko about doon. Mukhang nasasanay na din siya dito. Kaya nga.. mas nagiging close kaming dalawa eh! Hehehe!
Pero habang papabalik na ako sa loob, nakita ko naman si Kai at Jisung sa corridor. Mukhang may pinag-uusapan silang dalawa. Nakikita kong tinatawanan ni Jisung si Kai. Tsaka si Kai, parang naiinis kay Jisung.
But wait, sobrang curious na ako sa actions ni Kai kay Jennie. And his stare to her, napapansin kong parang may gusto siyang sabihin siya kay Jennie pero parang hindi niya kaya. Napapansin ko pa ngang nagpapapansin siya minsan kay Jennie para lang mabigyan siya ng attention.
Huminga ako ng malalim at papalapit ako sa kanila. Tatanungin ko lang naman si Kai. Bahala na, medyo close naman kami. Baka may malaman pa ako galing sa kanya. Tapos tungkol pa talaga kay Jennie. Hihihi!
Nakita naman nila na papalapit ako sa kanila. Si Jisung my crush, mukhang nabibigla. Pero si Kai, ganon pa din. Mukhang naiinis pa din siya. Parang.. ang sobrang dami niyang problema sa buhay niya.
Tumigil naman ako sa harapan nila, tsaka ko sila ningitian. Ngumiti sakin si Jisung at si Kai. Pero nahalata kong pilit lang yung kay Kai.
"Oh Somi, what's up?" nakangiting tanong sa akin ni Jisung.
"Okay lang ako." sagot ko.
"May kailangan ka ba?" tanong niya ulit sa akin.
Natawa ako at napailing ako, "Wala naman." sagot ko at napatingin ako kay Kai. "May itatanong lang naman kasi ako sa'yo, Kai. Kasi.. curious ako."
"Tungkol saan?" tanong ni Kai.
Ngumisi ako, "Kay Jennie." sagot ko. Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa ni Jisung. Mukhang natigilan si Kai at tinatawanan na naman siya ni Jisung.
"Spill it to her, dude. It's just Somi. But promise to us, that you won't tell everything about her huh? Tayo lang tatlo ha?" Jisung.
So talagang tungkol kay Jennie? Gosh! This is so exciting!
Mabilis naman akong napatango, "Sure! Oo naman!" sagot ko.
"Promise?" Kai. "Kahit sa kanya hindi mo sasabihin ha?" dagdag niya.
I nodded again, "Oo nga! Secret lang nga! Promise yan!" natatawa kong sambit.
"So what's your question?" tanong sa akin ni Jisung.
Napatingin ako kay Kai at napangiti ako, "Kilala mo ba talaga si Jennie?" tanong ko. "No.. I mean-- anong ibigsabihin ng tingin mo sa kanya? Bakit ganon ka? And.. kilala mo na ba talaga siya? Kahit di pa kayo nagkikita sa PMA?"
Hinintay ko lang naman ang sagot niya at naging seryoso lang naman siya bigla, "I met her on bar. Kilala ko siya. Kilala niya lang ako sa mukha, pero hindi niya ako kilala sa pangalan. And damn, I hate the fact that she doesn't remember me."
Nanlaki naman ang mata ko sa sagot niya at halos napahawak ako sa bibig ko. Ano?! Bar? So matagal na niyang kilala si Jennie? Tsaka.. hindi siya maalala ni Kai? Omg! Di ko inexpect yun.
"Wait.. what? Sa bar? Tapos.. di ka niya maalala?" nagtataka kong tanong pero nagugulat pa din ako.
"Sige. Ikwekwento ko sa'yo." kalma niyang sambit at napatango naman ako.
BINABASA MO ANG
pma | jenkai
Fanfiction❝ remember me, jennie kim. ❞ 多 PMA // jenkai fanfic ♡ exopink story #4 | completed ➳ @doieruto <3