P52。

113 11 0
                                    


JENNIE

Hindi ko mapigilang umiyak ng umiyak dito. He said he love me. Pero ang dali niyang iwan ako dito. Pero hindi madali sa akin na ginawa niya yun. Nakakainis siya!

"Tsaka Jennie, kanina pa siya umalis." sabi pa ni Somi sa mas lalo akong umiyak.

"Hindi ko man lang siya nakausap. Nakakabwisit siya. Bakit ba kailangan niya akong iwan dito?" naiiyak kong tanong sa kanila.

"Jennie, ayaw niya naman sa una. Kaso kailangan niyang sundin yung kagustuhan ng parents niya. Wala naman siyang magagawa e parents niya talaga yung masusunod." sabi ni Taeyong.

Kahit umiiyak ako, ngumiti ako, "Yeah, right. Sino nga ba ako para pigilan siya? Pero.. huli na ako. Baka naman importante naman yung pupuntahan niya."

"Pero hindi ko matatanggap yung habang buhay na siya sa America? Tapos hindi ko man lang siya nakausap at nakita? Ang sakit-sakit. Sana nakita ko man lang siya. Pero bakit kung saan gising na ako, doon pa siya mawawala." naiiyak na sambit ko.

"Jennie, alam kong masakit sa'yo. Pero sana maintindihan mo si Kai." sabi ni Jisung sa akin.

Tinignan ko siya, "Iintindihin kong hindi na siya magpapakita sa akin? Iintindihin ko siyang habang buhay na siya sa America? Iintindihin ko siya na hindi na siya makakabalik dito? Paano? Ang sobrang hirap at sakit. Hindi ko kaya!" naiiyak na sambit ko.

Bumibigat lalo ang pakiramdam ko kapag naiisip kong iniwan na ako dito ni Kai.

Nagulat naman ako kaagad na biglang dumilim dito sa loob ng room. Wala akong makita dahil ang sobrang dilim. Bakit biglang naging ganito?

Napatigil naman ako sa pag-iyak at mas lalo naman akong kinabahan, "Somi?! Jisung?! Taeyong?!" tawag ko sa kanila at mas lalo bumibilis ang tibok ng puso kong hindi sila sumasagot.

"Somi! Jisung! Taeyong! Nasaan kayo?!" kinakabahan kong tawag sa kanila pero hindi nila ako sinasagot kaya mas lalo naman akong naiyak. Bakit bigla silang nawala?! Mas lalo naman nila akong pinapakaba e!

"Wag naman kayong ganyan! Bakit wala akong makita?!" naiiyak na tanong ko pero hanggang ngayon wala pa din akong naririnig na boses na galing sa kanila.

Takot ako sa dilim pero huminga ako ng malalim at pinilit kong tumayo. Ang sobrang dilim. Wala akong makita. Kinakabahan ko dahil ramdam kong ako nalang ang mag-isa dito. Saan na ba sina Jisung?! Bakit bigla silang nawala?!

Pero mamaya nabigla ako na may taong tumakip ng something sa mata ko sa dahilan na mas dumilim lalo. Teka, sino 'to?!

"Sino ka?!" kinakabahan kong tanong sa kanya. Ano na naman ba 'to? Mapapahamak na naman ba ako?

"Ikaw ba 'to Somi?! Jisung?! Taeyong?!" sigaw ko pa sa kanya.

"Ssshhhhhh." wala siyang sinabi kundi yan lang. Pero alam kong hindi sina Jisung 'to. Kilala ko sila. Pero mas lalo akong kinabahan at naiyak.

"S-sino ka? Saan ang mga kaibigan ko?" naiiyak tanong ko sa taong tumakip ng mata ko na nasa likod ko ngayon.

"Don't worry, they're safe." bulong niya sa akin. Pero mas lalo akong naiyak nung nalaman kong familiar ang boses niya. Ayaw ko ng mapahamak. Ano na naman ba 'to?

"Ano na naman ba 'to? Sasaktan mo naman ba ako, Lucas? Please.. tama na. Nakakapagod na. Masyado ng masakit." naiiyak kong sambit sa kanya.

Pero narinig kong napapatawa lang siya sa sinabi ko. Pero alam ko namang walang nakakatawa sa sinabi ko.

"Easy. Hindi kita sasaktan, Jennie. I promise that to you." natatawa niyang sambit sa dahilan na unting-unti ako tumigil sa pag-iyak.

"Kung hindi, bakit ganito? Anong gagawin mo sa akin?" kinakabahan kong tanong ko sa kanya.

"Don't worry, dadalhin lang naman kita sa lugar kung saan.. may kailangan kang makita." sagot niya sa akin sa dahilan na nagtaka ako.

"Anong ibigsabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Wag kang makulit at tumahimik ka nalang. Mayayari ka sa akin." sabi niya sa dahilan na kinabahan ako uli.

Ano ba talaga? Sasaktan niya ba ako or hindi? Bakit ang gulo?

"Wag kang maingay at dadalhin na kita doon. Wag mong tatanggalin yang blind fold sa mata mo." bulong niya sa akin.

"Pero paano yung mga sina Somi---"

"Sabing wag ngang makulit e. And your friends? They're fine. Trust me. So stop asking." he looks annoyed for now. Kaya tumahimik nalang ako habang inaalalayan niya ako kung saan ba kami papunta.

Hindi ko maintindihan kung saan kami papunta ngayon. Pero nandiyan naman si Lucas para alalayan ako. Pero hindi ko maintindihan o makuha kung saan kami papunta. Ang gulo. Pero hindi na ako nag-tanong dahil baka mainis lang 'tong kasama ko. Malalaman ko naman sa huli ko.

"Don't worry, dadalhin lang naman kita sa lugar kung saan.. may kailangan kang makita." alala kong sambit ni Lucas kanina.

Ano ba ang kailangan kong makita at bakit kailangan sa ganitong proseso talaga?

- - -

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon