SOMI
"Ano ba yan? Nagbibiro ka ba?" naiinis na tanong ni Jisung sa kanya habang nagkwekwento si Kai sa nangyari kanina.
Umaasa na talaga kami na nalaman na ni Jennie yun. But all this time.. hindi pa pala? Kasi naudlot? Huhuhu! Taeyong naman kasi. Bakit ngayon ka pa dumating? Yun na eh!
"Oo, epal naman kasi yung Taeyong na yun! Dumating pa!" naiinis na sambit ni Kai. As in, sobrang inis na inis si Kai ngayon. Hindi na talaga maiguhit yung mukha niya.
"Bakit ba kasi ang pabitin mo? Dapat dinretso mo nalang. Dami pa siguro yung pinagsasabi mo kanina. Dapat sinabi mo nalang agad para yun.. tapos na. Party ka na." naiinis na sambit ni Jisung sa kanya.
"Yun na nga eh! Sinasabi ko na sa kanya yun! Hindi ko natapos, kasi di ko inaakala na may dadating na hayop!" sigaw niya. Buti nalang andito kami sa likod. Inis na inis si Kai, jusko.
Huminga nalang ako ng malalim, "Kalma lang Kai."
"Paano ako kakalma?! Naiinis ako sa Taeyong na yun!" sigaw niya naman. Pag siya marinig ng mga co-cadets namin dito. >.<
"Naiinis ka? Edi suntukin mo." sambit ni Jisung sa dahilan na nabigla ako.
Mas lalo naman akong nabigla nung nakita kong tumayo si Kai, "Sige. Pwede naman." at nagulat kami ni Jisung ng makita naming talagang papaalis siya dito.
Tumayo naman si Jisung at mabilis niyang hinila si Kai pabalik sa puwesto niya, "Chill lang dude. Binibiro ka lang naman. Totohanin mo talaga." natatawang sambit ni Jisung.
"Oo nga." sabi ko.
Napapasabunot nalang siya sa buhok niya, "Sobrang nakakabwisit! Yun na eh! Sasabihin ko na talaga. Pero tangina talaga, bakit kailangan pang sumulpot ni Taeyong?!" sigaw niya naman at nagulat kami ni Jisung ng sinipa niya yung bato sa gilid niya.
Matatakot nalang din ako kay Kai. Parang kami pa yung may kasalanan. Ano pa kaya kung kaharap niya na si Taeyong?
"Wrong timing nga kasi dude. Di mo ba alam yun? Coincidence lang siguro na pinatawag si Jennie, kaya ganon. Kumalma ka nga diyan. Parang ikamatay mo talaga yan. Hagis kita sa pader eh." naiinis na sambit ni Jisung sa kanya.
"Bakit kailangan kung saan ko sasabihin, doon pa hindi matutuloy?" naiinis tanong ni Kai.
"Wrong timing nga kasi." sambit ni Jisung na napapakamot nalang din sa buhok niya. Kanina pa din 'to naiinis kay Kai.
Eto si Kai kasi masyadong naiinis, di lang naman inakala na ganon yung mangyayari. Pero ready na kasi siya tapos hindi pa niya nasabi.
"Don't worry, Kai. Marami pang araw at panahon. Wag kang mag-emote diyan na parang huling araw na 'to." sambit ko sa kanya.
"Wala. Parang hindi ko na alam kung paano at kelan ko na sasabihin kay Jennie. Nasira na ni Taeyong. Tangina naman kasi. Sarap niyang upakan!" paulit-ulit nalang 'to si Kai.
"At sa tingin ko, mukhang di din naman maalala ni Jennie yung sinasabi ko sa kanya. Kasi nga, tinawag siya ni Taeyong. Malamang, nakalimutan niya na yung sinasabi ko sa kanya." dagdag niya.
"Ang OA mo. Wag kang mawawalan ng pag-asa, Kai. Sasabihin mo pa din yun sa kanya. Sa time na.. wala ng Taeyong na susulpot. Ganon." suggest ni Jisung at napatango naman ako.
"Oo nga."
Huminga siya ng malalim, "I'll try. And I'll make sure that there's no Taeyong anymore to interrupt us."
Please Taeyong, pagbigyan mo naman si Kai! Huhuhu!
- - -
KRYSTAL
"Wag nalang pala sabi ni Leader Chief. Nagbago ang isip niya." sabi ko sa kanilang dalawa na papapunta sana sa office ni Leader Chief.
"Bakit mo pa ako inutos na tawagin si Jennie kung hindi naman pala siya tinawag ni Leader Chief?" nagtataka na tanong ni Taeyong sa akin.
"Wait.. what?" nagtatakang tanong ni Jennie.
Tsk. Mga uto-uto.
Tinignan ni Taeyong si Jennie, "Actually.. si Krystal ang nagsabi sa akin na pinapatawag ka ni Leader Chief. Since, we're close.. ako yung inutos niya." sambit niya at tinignan niya ako ulit, "Pero hindi naman pala, nadistorbo ko pa kayo."
Well, Krystal.. ready your acting skills.
Huminga ako ng malalim, "Ako na naman ba ang may kasalanan Taeyong? Inutusan lang naman ako ni Leader Chief at sinunod ko lang naman siya. Hindi ko naman inakala na mag-babago yung isip niya. Big deal ba yun sa'yo? Bakit naiinis ka sa akin?"
"Bakit ang defensive mo masyado?" tanong niya din sa akin.
"Nakakainis ka kasi." I said. "Kailangan ko pa bang mag-sorry?" dagdag ko.
Magsasalita na sana si Taeyong ng inunahan siya ni Jennie, "Tama na. At tsaka.. okay lang, Krystal. Wala kang kasalanan dito."
I looked at her eyes so seriously, "May sinabi ba ako? Wala naman talaga akong kasalanan dito. Sisihin niyo si Leader Chief. Wag ako." I said and I rolled my eyes.
Tsaka ko na sila iniwan doon at pumasok na ako sa room. Humiga naman ako sa kama ko. At napapangiti lang ako dito.
Damn, plan accomplished.
Hindi naman talaga pinatawag si Jennie. Well, that's my plan. And I used Taeyong for this. Kunwaring inutusan ako ni Leader Chief na pinatawag niya si Jennie and I used Taeyong, para siya magsabi kay Jennie. Kasi close naman sila.
Alam ko kasing sasabihin na ni Kai kay Jennie ngayon. Well, how do I know? I'm always stalking Somi, Jisung and Kai and everytime, I'm hearing their conversation.
And I don't want Jennie all know of this. Ayoko malaman niya yun. Ayokong lagi nalang siya yung nananalo. I'm scared for her reaction. What if she already remembered Kai? Paano kung nang dahil sa malalamab niya.. doon sila magiging close?
I hate that fact. Kaya ginawa ko lang naman 'to..
Ginamit ko si Taeyong dito at hindi ko naman pala alam na uto-uto siya sa akin at sinunod niya ako. Well, nang dahil nang tinawag niya si Jennie, hindi natuloy ni Kai ang sasabihin niya.
And yeah, si Taeyong ang nagmumukhang may kasalanan ngayon kay Kai. Well, I'm thankful for him. Kasi uto-uto siya.
Pero ang importante, hindi na nasabi ni Kai kay Jennie yun. Ang importante, hindi nalaman ni Jennie. Ayaw kong masabi yun ni Kai kay Jennie. Alam kong wala akong karapatan, pero yung gusto ko.. gusto ko!
Ayaw kong magkalapit silang dalawa!
I'll do everything to make you mine, Kai. I hope you know that.
- - -
naiinis pa din ba kayo kay taeyong? curious lang ehehehe
BINABASA MO ANG
pma | jenkai
Fanfiction❝ remember me, jennie kim. ❞ 多 PMA // jenkai fanfic ♡ exopink story #4 | completed ➳ @doieruto <3