P38。

101 15 5
                                    

JENNIE

Two weeks later...

Kakatapos lang ng training namin at nandito lang naman ako sa room namin, nagpapahinga dahil napagod ako kanina sa training. Kasama ko kanina si Somi, pero umalis din kasi tinawag daw silang dalawa ni Jisung ni Leader Chief.

Four months na ako dito sa PMA. I'm enjoying my journey here, of course. Pero kabilang doon, naguguluhan pa din ako sa isang tao.

Kay Kai.

Argh. I don't get him. Gusto ko na siyang tanungin about doon sa sasabihin niya sa akin two weeks ko kasi gusto ko na yung malaman. Isa pa, naguguluhan na din ako.

Pero napapansin kong parang iniiwasan niya ako at sumeryoso na siya ngayon. Wala na ba talaga siyang balak sabihin yun sa akin? And like.. he's so cold to everyone. Even on me.

Bakit kaya naging ganon siya bigla? Tsk. Mas nakakabwisit naman siya ngayon eh. >.< Bahala nga siya diyan.

Huminga nalang ako ng malalim at tumayo nalang ako dito sa kama ko. Lumabas nalang ako dito at tumambay lang ako dito sa corridor. Pinagmamasdan ko lang yung maganda at malawak na field dito.

Habang nandito lang ako, nabigla naman ako nang biglang may nagsalita, "Ikaw lang mag-isa?"

Tinignan ko naman kung sino yun. Tsaka nalang ako napangiti nung nakita kong si Taeyong yun.

Tumango naman ako at ningitian ko siya, "Oo. Tinawag kasi Somi kaya wala akong kasama." sagot ko sa kanya.

"Okay lang. Nandito naman ako." nakangiting sambit niya sa akin at ningitian ko lang naman siya.

Binalik ko uli ang tingin ko sa malawak na field. Bigla namang lumakas ang hangin dito sa amin.

"Ang lakas ng hangin." sabi ko habang dinadamdam yung hangin na sumasampal sa pisngi ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko, "Oo nga eh." sabi niya. "By the way, Jennie. May tanong ako sa'yo. Pero sana okay lang sa'yo."

Tinignan ko naman siya at tumango lang ako, "Sure. Okay lang. Ano ba yan?" tanong ko sa kanya.

"Totoo ba talaga na yung hindi ka pa nagtratrabaho dito sa PMA, ang sobrang pasaway mo nung may sariling trabaho ka pa?" tanong niya sa akin.

Nang dahil sa tanong niya, natigilan ako. Dahil naaalala ko yung mga katarantaduhan ko nung nasa Manila pa ako.

Natawa naman ako, "Yeah. Ang pasaway ko. Ang bastos ko sa parents ko. I'm always drunk. I'm always on bar.. always tasting alcohols and cigarettes. And also, I'm just flirting with some guys that I don't know." kwento ko sa kanya.

Mukha naman siyang nabigla sa sinabi ko, "Whoah. Really?"

Natawa naman ako at tinanguan ko siya, "Yes. My parents are so tired on me. Kaya nga nandito ako ngayon. Nang dahil sa katarantaduhan ko, pinasok nila ako dito sa PMA."

"Unang-una, ayaw ko dito. I really hate this kind of work. Pero wala akong magawa kasi parents ko pa din sila. Kailangan ko silang sundin kung ano ang gusto nila para sa akin."

"Pero nung nandito na talaga ako, I realized that.. I really need to change my personality. I need to be mature because I'm on right age."

"Tapos.. inspiration ko ang parents ko dito sa PMA. Para sa kanila naman 'tong ginagawa ko at binabago ko ang sarili ko. I hope.. they're really proud of me."

Napangiti naman siya sa akin at nagulat ako nang ginulo niya ang buhok ko sa dahilan na napapangit ako, "Of course, they really are. Kami nga dito, proud na sa'yo. Ano pa kaya kung galing pa sa parents mo? Mas proud sila sa'yo. You're so really good." he said.

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon