P32。

122 17 1
                                    

SOMI

Break time namin ngayon. Andito kami sa loob ng room nina Jisung at Kai. Kaming tatlo lang dito ang nasa loob at nag-uusap usap lang kami dito. Wala dito si Jennie at nandoon siya sa office ni Leader Chief at kakausapin niya ang parents niya through telephone.

Ang bilis nang takbo nang araw at oras ngayon. Tatlong buwan na dito si Jennie sa PMA. Parang kailan lang pero ang tagal niya na pala dito. Ang tagal na pala namin siyang nakakasama.

Napapansin ko ding nagiging close si Taeyong at Jennie. Like friends.. ganon? Pero parang iba yata. Hindi ko alam kung anong ibigsabihin. Pero nakikita ko kay Taeyong na sobrang saya niya kapag nakakasama si Jennie. Iba yung ngiti niya kapag nakakausap niya si Jennie. Hindi siya ganon sa iba, maski sa akin. Kundi kay Jennie lamang.

Ewan, iba talaga yata epekto ni Jennie sa mga tao.

Syempre, si Jennie din. Ang saya din pag nakakasama si Taeyong. Paano ba? Crush niya eh. HAHAHAHA!

Three months na nga dito si Jennie, pero etong si Kai.. parang walang balak ipaalala kay Jennie yung about sa bar. Yung nagkita na pala sila.

Napapansin kong nagkakausap na din si Jennie at Kai. But Jennie's more close to Taeyong. Eto namang si Kai, may swerte na ngang kinakausap si Jennie pero di pa din sinasabi yung about sa bar.

Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay Kai, "Ilang buwan na nga dito si Jennie, Kai?" tanong ko sa kanya.

Napaangat naman siya, "Tatlo. Bakit?" sagot niya naman.

Natawa naman ako, "Kailan ka nga kasi magpapakilala sa kanya? Nakakausap mo naman siya ngayon. Hindi tulad noon na halos hindi kayo magpansinan."

"Oo nga. Ang bagal-bagal." pagsasang-ayon ni Jisung sa sinabi ko. "Kung ako sa'yo, sasabihin ko na agad sa kanya yun 'no. Wala namang mangyayari."

Nakita ko namang huminga ng malalim si Kai, "Walang mangyayari? Paano nalang kung bigla di niya akong pansinin? Kinakabahan ako." sagot niya.

"Ah, duwag ka." sabi ko na napatango-tango.

"Paano nalang kung habang buhay ka nalang kabahan dude? Edi di mo yun masasabi." Jisung. "Tanggapin mo nalang yung reaction niya atleast nasabi mo sa kanya yun. Tsaka ano ba? Bakit ka naman hindi papansinin 'non? Parehas lang kayong lasing yun. Maiintindihan niya yun." dagdag ni Jisung at napatango lang naman ako.

"Kailan pa ba lilipas yang kaba mo? Kailan ka ba kasi aamin?" natatawa kong tanong sa kanya.

Huminga siya ng malalim, "Maliban sa kinakabahan ako, parang ayaw ko nalang talagang umamin. Mukhang masaya naman siya kay Taeyong."

Nang dahil doon, nagkatinginan kaming dalawa ni Jisung at natahimik kami bigla. Parehas ba kaming iniisip? Nagseselos ba 'to?

"Bakit naman kayo napatahimik?" tanong niya sa amin.

"Ano namang connect ni Taeyong? They're just friends." natatawang sambit ni Jisung.

"Friends ba yun? Buong araw magkasama lang? Tapos wagas mag-tawanan at mag-ngitian? Tsk." parang naiinis na sambit ni Kai.

Nagkatinginan naman kami uli ni Jisung at napangisi nalang kami. Ahhh! Nagseselos talaga 'to. Parati naman kasing magkasama si Jennie at Taeyong. Partners pa nga lagi sa tasks and office works.

"Nagseselos ka ba Kai?" tanong ko sa kanya habang nakangisi.

Mukhang namang mas nainis lang yung itsura niya, "Oo. Nagseselos ako dahil close na talaga sila. Pero hindi dahil don, gusto ko na si Jennie."

"Tanga ka naman kasi. Selos-selos ka lang diyan di ka naman gumalaw-galaw." natatawang sambit ni Jisung at natawa na din ako.

"Di naman kasi ako makahanap nang tamang timing para sabihin yun sa kanya. Tsk. Laging epal si Taeyong." naiinis niyang sambit.

"Hay nako. Kailangan bang mawala si Taeyong para masabi mo yun sa kanya? Kastress ka." sabi ko. "Tatlong buwan na silang close tapos di mo pa nasasabi. Duwag ka naman kasi." dagdag ko. Bahala siya mainis diyan.

"Wala namang purpose si Taeyong dito. Kasalanan mo na Kai, kung bakit mabagal at duwag kang sabihin yun kay Jennie. Selos-selos ka pa na close na sila eh ikaw? Ano? Wala di'ba? Simpleng sabihin yun tsaka bahala na kung magalit or mainis man siya sayo. Dami mong iniisip." Jisung at napatango naman ako.

"Oo nga. Kami na ang nagsasabi." sabi ko. "So ano na plano mo?"

Huminga naman nang malalim si Kai, "Nang dahil sa mga pinagsasabi niyo, bukas nalang. Oo, bukas ko na sasabihin yun sa kanya." sagot niya.

"TALAGA?!" gulat na tanong namin sa kanya.

"Oo nga, ingay niyo." natatawa niyang sambit. "Kailangan ko na talaga sabihin yun sa kanya at matagal ko nang gustong magpakilala na ako yung kasama niya sa bar. Bahala na kung ano yung reaction niya, basta malaman niya lang yun." dagdag niya.

"Nakakainis kasi bakit hindi niya ako maalala. Tapos ako yung lagi siyang inaalala." sabi niya pa.

Napangiti naman kami ni Jisung nang dahil doon.

"Kaibigan ko yan!" Jisung.

"Ako yung naeexcite! Ewan ko!" natatawang sambit ko.

Kai smiled, "I don't mind her reaction anyway. I just want her to remember me that I'm the guy who's with her on the bar when we're both crazily drunk.

"Because for me, that's memorable and unforgettable. That's why I'm crazy to her."

- - -

i'll finish this story if my all modules are done.

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon