P45。

95 12 13
                                    

note: slight mature scenes

- - -

JENNIE

Nakatulog ako at nararamdaman kong nahihilo pa din ako. Ang sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan.

Minulat ko ang mata ko at nahihilo pa din ako. Nilibot ko ang paningin ko.. at hindi ko alam kung saang lugar ako. Where am I?

Tatayo sana ako pero ngayon ko lang na-realize na nakatali pala ako sa isang upuan. Pinipilit kong ialis pero masyadong mahigpit yung pagkatali sa akin.

Damn! Sino ang may gawa neto sa akin?

Inaalala ko yung nangyari kanina. Nanlaki lang naman ang mata ko nung naalala kong may lalaking tumakip ng panyo na may nakakaibang amoy sa bibig ko sa dahilan na natulog ako. Sino yun at bakit kailangan niyang gawin yun sa akin?

Nilibot ko naman ang paningin ko dito sa buong lugar at wala akong tao na makita dito. Pinipilit kong ialis yung tali na nakatali sa akin pero hindi ko makaya. May mga luha nalang na tumutulo sa aking mata. Masyado akong kinakabahan. Sino ang may gawa neto sa akin? Ano ang gagawin niya sa akin?

"Sino ang may gawa neto sa akin? Pakawalan niyo ako dito!" naiiyak na sigaw ko habang pinipilit na maalis yung tali na nakatali sa akin.

"Kung sino man ang may gawa neto sa akin, wala kang konsensya! Anong kailangan niyo sa akin at bakit kailangan niyo 'tong gawin sa akin?!" naiiyak na tanong ko.

"Anong gagawin niyo sa akin?!" dagdag ko. Tanging pag-iyak nalang ang ginagawa ko ngayon dahil wala namang sumasagot sa mga katanungan ko.

"Pakawalan niyo ako dito." naiiyak na sambit ko habang pinipilit na makaalis sa tali. Tila napayuko nalang ako ngayon. This is my.. last day of my life?

"O, gising ka na pala, Prinsesa."

Bigla naman akong kinabahan nung narinig ko ang boses lalaki na yun. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tignan siya. Hindi ko siya kilala at.. sobra siya makangisi ngayon sa akin. Yung natatakot na ngisi. Mas lalo akong natakot dahil marami pa pala siyang kasama.

Mas lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ko ng lumalapit yung lalaki sa akin. Yung lalaki kanina na kumidnap sa akin, siya yun. Hayop siya.

Humarap siya sa akin at sinamaan niya ako ng tingin, "Bakit ba ang ingay-ingay mo? Dinig na dinig sa labas yung ingay mo." naiinis na sambit niya sa akin.

Sinamaan ko din siya ng tingin, "May pake ka ba? Bakit mo 'to ginawa sa akin?! Pakawalan mo ako dito!" sigaw ko sa kanya at pinipilit alisin yung tali sa buong katawan ko.

Pero narinig kong napapatawa lang 'tong bwisit na lalaki na 'to, "Tama nga ang sabi ng iba, malakas kang tao at wala kang takot."

"Well, let's see if you can escape." he said while smirking to me.

Bigla naman akong natakot sa sinabi niya kaya mas lalo lang naman akong naiyak. Hindi na ba ako makakaalis dito? Bakit ba kailangan 'to gawin sa akin?

Tinignan ko siya uli ng masama, "Bakit mo 'to ginagawa sa akin? Wala ka bang konsensiya? Ano bang.. kasalanan ko sa'yo?" tanong ko sa kanya gamit ang kalmado kong boses.

Nagulat naman ako na umupo siya sa harapan ko, "Hindi sa akin, kundi sa isang tao. Ikaw yung walang konsensiya sa kanya. Wala kang pake kahit nasasaktan na siya. Mas iisipin mo pa yung sarili mo."

"Ginagawa ko 'to sa'yo, para matikman mo ang karma mo."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Wala akong pake sa taong yun kahit nasasaktan na siya? Sino ba yun?

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon