P43。

79 11 0
                                    

SOMI

Kanina pa ako nandito sa room at hinihintay si Jennie. Ilang minuto na din na wala siya dito. Pero ang alam ko, magkasama silang dalawa ni Taeyong. Pero nagtataka din ako kung saan si Taeyong kasi wala din siya dito. Kanina pa silang wala dito. Nag-aalala na tuloy ako.

"Saan na kaya sila?" nag-aalalang tanong ko sa sarili ko. Gabi na kaya dito. Halos kami lahat nandito na sa loob. Tsaka yung iba nandon sa dining area.

"Are you okay, Somi?"

Napaharap naman ako sa nagtanong, si Jisung lang pala. Huminga ako ng malalim, "Hindi nga e. Nag-aalala ako kung saan si Jennie. Kanina pang wala. Pero ang alam ko.. kasama niya si Taeyong." sabi ko sa kanya.

Mukha namang nabigla siya at tinignan niya ang buong paligid dito, "Pero.. wala din naman dito si Taeyong." sabi niyang nagtataka.

"Yun nga. Nag-aalala na ako kung saan silang dalawa. Sila lang yung hindi ko nakikita dito." sabi kong kinakabahan. "Pero si Kai, wala din dito. Saan ba siya?"

Nakita ko namang nagkibit-balikat siya, "Magkasama kami kanina. Pero sabi niya magpapalit lang daw siya ng damit, pero yun.. hindi ko na alam kung saan sila." sabi niya.

Nang dahil doon, napapakamot lang naman ako sa ulo ko, "Ano ba yan. Bakit ba sila nawawala? Nag-aalala na tuloy ako dito." nag-aalalang sambit ko. "Wala tayong masasabihan kasi wala yung mga leaders dito. Tsaka kung sa guard naman, aba wala nang magbabantay doon sa main gate." dagdag ko.

"Tara. Maglakad-lakad tayo sa labas. Baka nandiyan lang pala sila at makikita din natin sila. Wag kang mag-panic, Somi." pagpapakalma sa akin ni Jisung.

Huminga nalang ako ng malalim, "Sorry. Kinakabahan lang talaga ako dahil kanina pa silang wala." sabi ko at tumayo na ako. "Tara.. labas tayo." sabi ko at tumango naman siya.

Sabay naman kaming lumabas ni Jisung sa room at tinitignan namin ang buong paligid kung nandoon ba si Kai, Taeyong or Jennie. Pero mas lalo akong kinabahan dahil wala akong makita na katawan nila.

"Wala naman sila dito e." nag-aalalang sambit ko.

"Mag-tiwala ka lang, Somi. Nandito lang sila." pagpapakalma sa akin ni Jisung at tumango lang naman ako. Pero sa totoo, hindi ko mapigilan na kabahan. Baka kung may nangyari na sa kanila!

"Huy junior cadets!"

Napatigil naman kami sa paglalakad nung may tumawag sa amin. Napaharap naman kami doon. Isang fourth class cadet. Lumapit naman siya sa amin tsaka may inaabot siyang isang phone sa amin.

"Junior cadets kayo di'ba? Pinapaabot ni Leader Chief. Call him if there's an emergency. Nakasave na lahat ng numbers diyan." nakangiting sambit niya sa amin.

Mabilis ko namang tinanggap yun, "Thank you po. Pero.. kilala niyo po ba si Jennie? Jennie Kim?" nagmamadali kong tanong sa kanya.

Tumango naman siya, "Yes. Yung model na pumasok dito. Why?"

"Nakita mo ba siya dito? Kanina pa siyang nawawala.. tsaka may dalawa pang kasama. Si Kai at Taeyong. Kanina pa talagang wala. Kaya nga hinahanap namin sila ngayon." nag-aalalang sambit ko.

"Sadly, hindi ko siya nakita dito." sabi niya. "But don't worry, sasabihan ko yung mga ibang kasama ko para hanapin sila. Baka nandito lang sila. Sasabihan lang namin kayo." dagdag niya.

"Thank you, noona." sabi ni Jisung sa kanya at tinanguan lang naman kami ng babae na yun at ipinagmasdan lang namin siyang umalis sa amin.

Huminga ako ng malalim at in-open ko na yung phone na binigay sa amin, "Tatawagan natin si Leader Chief. Masyado na akong kinakabahan." nagmamadaling sambit ko habang hinahanap yung number ni Leader Chief. Pero pinigilan ako ni Jisung.

pma | jenkaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon